Chapter 24: Feelings that grow
Andrea's POV
Nakauwi na kami galing sa Hagimit Falls at kasalukuyan nilang hinahanda ang lunch habang ako ay nagje-jetski saglit. Pampawala ng sama ng loob.
Ugh! I still can't believe that He touched my Boobs. That Jerk touched and squeezed my boobs. Nakaka-baba ng dignidad para sakin noh. Sa lahat ng pwedeng makapitan, ba't sa boobs ko pa?
How could he do that? Anong akala niya sakin? Isa sa mga babaeng nagkakandarapa, matikman lang siya? No! Iba ako sa kanila kasi may dignidad ako. Pagkababae ko ang pinag-uusapan dito.
Maiintindihan ko sana kung nahawakan lang kasi biglaan yung pag-pm aandar ko ng ATV, but he squeezed it na para bang naghuhugas siya ng plato at Ginawa niya itong sponge.
Hindi ko pinansin ng may tumabing jetski saakin kasi alam ko na kung sino ito. Kanina ko pa siya hindi pinapansin. Galit ako dahil sa nangyari kanina.
"Hey Panget. Sorry na" malumanay na sabi niya na para bang masyadong big deal ang pang-iiwas ko sakanya. Bahala nga siya diyan.
Imbes na sagutin ko siya ay iniliko ko lang ang jetskie para mailihis ang da an ko papalayo sakanya. Hindi ko talaga siya papansinin. Gago pala siya eh.
"Andrea, sorry na. Di ko naman sinasadya eh" inis
ko siyang nilingon nung sinabayan niya ako ulit at sinabi sakin yun. Yung paghawak sa Dede ko ang di sinasadya. Pano yung paglamas niya? Bwesit.Infairness, first time niya atang tinawag ako sa totoo kong pangalan but di yun magiging rason para patawarin ko siya agad-agad. Bwesit na lalaking to! I heard him sighed.
"Nakahanda na ang mga pagkain. Let's eat lunch" nanghihinayang na saad niya tsaka bumalik na sa bay kung saan nakaabang ang naga-assist at kukuha ng jetski.
Ba't Ganun? Parang nakonsensiya ako ng marinig ko ang panghihinayang ng boses niya. Ba't parang tumamlay ang katawan ko nung bumalik na siya sa dalampasigan.
Does my feelings for him are growing? Hindi ko na lang ba siya crush? Gusto ko na nga ba talaga siya? Aish! No Andrea, maraming lalake sa world. Wag sa lalaking yan.
Napapailing na iniliko ko ang jetski ko pabalik sa dalampasigan. Not to chase that jerk but to eat, Im so hungry I could eat a reader. Chossss. Ang landi ko na.
Nakarating ako sa hapagkainan ng walang emosyon sa mukha. Hindi din ako kinulit nung ugok, parang nanghihiinayang ako o ewan. Aish! Ang gulo, I don't want to fall for that childish man.
I saw him on my peripheral vision, looking at me pero hindi ko iyon pinansin o maskin tignan mn lang siya. Nakakapanibago nga at tahimik siya ngayon. Buti nga sakanya.
Mabuti nga ba? Tanong ng kabilang bahagi ng isip ko. Oo naman, buti nalang at tahimik yan ngayon, para magkaroon naman ako ng peaceful time.
Ba't ganun? Di sumasang-ayon ang katawan ko sa anong iniisip ko. I should be happy kasi walang nambebwesit sakin. Why am I so tamlay? Ugh! Pagod lang ako.
"So How's Hagimit Falls? Still the same?" pambabasag ni Lolo Rafael sa katahimikan habang patuloy kami sa pagkain sa ipinahandang boodle fight ni Manang Jian.
"Marami ng nagbago lo. It's not a bad thing naman" panimula ko tsaka sumubo muna ng pagkain, hinintay naman nila kung may isasagot kaya binilisan ko ang pagnguya at paglunok. "It's just, mas naeenjoy ko lang ang dati" dagdag ko sakanila na ikinatango ni Lolo.
"How about you guys? Are you enjoying your stay here?" tanong ni Mommy sa mga kaibigan ko na ngumiti sakaniya tsaka tumango. Busy sa pagkain eh.
"Baka naman maaga kayong magsawa dito. Naku! 1 week pa tayo dito kaya dahan-dahan lang sa gala" saad ng Mommy ni Jushua ng nakangiti.
"Naku tita, hindi po sapat ang 1 week para maenjoy ang bakasyon niyo dito sa Samal" sabi ko naman sakanya and she gave me an amazed look.
"Is that so? Naku! Johnny Marcus, bilisan mo ang pagkain diyan para makasimula na tayo sa pamamasiyal" excited na tugon ni Tita Juliana sa asawa niyang muntik ng mabulunan kasi hinampas-hampas nito ang likod ng asawa.
"Dahan-dahan naman Sweetheart baka mabulunan ako ng wala sa oras" reklamo ni Tito Johnny na patuloy pa rin sa pagkain. Masarap kasi talaga magluto si Manang Jian at ang anak nitong si Uncle Mike.
"Andrea, Matanong ko lang" inagaw naman ni Don Juliano ang atensiyon naming lahat, lalong lalo na ako dahil ako ang tatanungin. "May namamagitan na ba sainyo ng apo ko?"
Gulp*
Nabulunan ako sa itinanong niya, meron kasing bumara sa lalamunan ko na naging dahilan para mahirapan akong huminga.
"Tubig! Tubig" sabi ni allie sakanila habang hinihintay ng tubig. Jusko naman! Sana naman may nag-assist saakin habang hinihintay ang tubig.
Naramdaman kong mauubusanna ako ng hangin at ramdam ko din ang pagpapalit ng kulay ng mukha ko. I felt someone hugged me in an instant, I know him from his scent. No, it's not a hug.
He positioned himself na parang isang magrerescue ng nabulunan. Ramdam ko pa ang panginginig ng mga kamay niya. Jusko! Dalian mo naman.
"Don't Worry, Im Here" those were the last things that I heard before everything went black.
Jushua's POV
Im now in here room, watching her sleeping like an angel. Nagtataka na talaga ako kung bakla ba ako o ano? Kasi di ko talaga magustuhan ang naneng to kahit gaano ito kaganda.
Nagpaiwan kami ni Jessa para bantayan si Panget habang ang iba ay pumunta ulit sa Hagimit Falls kasi nagpasama sila daddy.
"Kailan ba kasi natin isasagawa ang plano?" narinig ko ang boses ng kung sino pagka-labas ko ng kwarto ni Panget and it sounds like may kausap siya sa phone.
Anong plano?
Hindi naman sa Chismoso ako pero mas lumapit pa ako ng di nagpapakita sakanya.
"Hindi ko na pwedeng gawin ulit yun kasi nandito ang buong pamilya nilang dalawa" saad pa nito na dahilan para manlaki ang mata ko.
Gawin ang ano?
"Ganito nalang, uutuin ko nalang si Andrea at ikikidnap natin" I gasped at agad na umalis doon without making any possible Noise.
How could you do this to us?
Jessa
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Anong pinaplano ng mga kontrabida guys?
Abangan...
Don't forget to vote and follow!!!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?