Chapter 14: The fourth day
Andrea's POV
Hayst! It's Thursday, which means. Bukas na magaganap ang Pageant na labis kong pinaghandaan para hindi makatanggap ng punishment galing sa Nakakataas.
Bukod sa Pageant, ay naiisip ko ang maaaring mangyari ngayong araw at bukas sa mismong pageant. Kung anong klaseng kapahamakan ang maaaring kumitil ng buhay namin ni Jushua. Lalo na't magkasama kami ngayon.
"Hoy Panget, anong iniisip mo? Di mo ginagalaw yung food mo oh?" pandidistorbo sakin ni Jushua na sunod sunod ang pagsubo na para bang mauubusan siya ng pagkain eh marami naman dito sa Canteen. Plus, pagmamay-ari pa nila tong school. Psh! Patay gutom lang talaga.
"Pwede ba? Magdahan-dahan ka lang sa pagkain? Para ka namang mauubusan niyan" irita kong tugon sakanya pero patuloy pa rin siya sa sunod-sunod na pagsubo. Hayyy! Ang programang ito ay Rated PG talaga. San ba nilalagay ng lalaking to ang kinakain niya? Eh parang wala nga siyang kahit konting taba eh. May dragon kaya siya sa Tiyan? Aish! Ba't ba ko nangingialam?
"Eh sa Gutom ako eh, ba't ba?" inismiran ko lang siya sa naging sagot niya. Boys will be boys Andrea, wag mo nang baguhin.
Hahays. Sa dinami-rami ng taong pwedeng pahirapan ng ganito. Bakit ako pa? Bakit kami pa? Atsaka anong rason nung Death na yun para gantuhin ako. Siguraduhin niya lang na may malalim siyang Rason kundi ipapakain ko siya sa Dragon nitong ugok nato.
"Hoy! Lalangawin na ang pagkain mo! Ano ba kasi yang iniisip mo?" nagulat ako ng konti dahil sa bwesit na lalaking to. Nilakasan ba naman yung Hoy sabay hampas sa mesa. Bwesit! Pag ako talaga di nakatiis sa lalaking to, susungalngalin ko nato ng Live dito sa Canteen.
"Bwesit ka! Iniisip ko lang kung bakit ang patay gutom mo masiyado. May dragon ba diyan sa tiyan mo?" naiiritang tanong ko sa natatawang gago nato. Dahan-dahan naman siyang lumapit at bumulong sa tenga ko.
"Secret lang ah. Oo may dragon ako sa tiyan" natatawang bulong niya sakin kaya tinulak papalayo ang ulo niya sakin. Puro siya kalokohan eh.
"He! Magtino ka nga. Ang tanda mo na, isip bata pa" naiinis na tugon ko sakanya at sumipsip sa Dutch mill ko. Ito nalang pagtatyagaan ko. Nakakawala pa ng stress.
"Uy pramis! Totoo, may dragon ako sa tiyan" pabulong pa rin na sabi niya pero medyo malayo na sakin. Takot niya lang. Baka lakasan ko na yung pagtulak ko sa ulo niya eh. Oh baka ihampas ko na yung mukha niya sa lamesa.
"Hoy! Tigil-tigilan moko sa pagiging baliw mo ah, wala ako sa mood" inis pa rin na tugon ko sakanya at dinuro-duro pa siya kaya ang Gago nag-pout. Tss, kala niya naman cute siya. Mukha siyang pato. Kumunot naman ang noo niya habang nagpapout and I Admit.
He's cute. Tss
"Ano ba kasi yang iniisip mo kung bakit ka nagkakaganyan?" tanong niya pa habang nakakunot parin ang noo tsaka parang batang nagtatampo kasi di napagbigyan sa gustong gawin.
"Naiisip ko lang naman na meron pa palang nilalang na kasing pangit pero mahanging kagaya mo noh?" pang-aasar ko sakanya. Mas lalo lang kumunot ang noo niya at tinignan ako ng may inis pero nawala lang ito at biglang napalitan ng ngiti.
"Sus! Pangit daw, pero grabe yung selos niya kahapon sa hospital" bulong niya pero tama lang para marinig ko. Bwesit na lalaking to oh. Akala niya ba nagseselos ako kahapon? No way!
"May sinasabi ka?" naiiritang tugon ko sakanya.
"Wala!"
"FYI, di ako nagselos kahapon. Nabwesit lang ako sainyong dalawa. Akalain mong naghahalikan sa hospital?" naiinis na depensa ko sakanya tsaka nagsimula ng kumain bago pa maubos ang limang dutch mill ko.
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomantizmWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?