Chapter 3

41 10 2
                                    

Chapter 3

Andrea's POV

Bwesit!  Im now following the school owner all the way to the headmistress office. Bwesit na lalaki kasi yun!  Takte,  parang matatanggalan pa ako ng scholarship nito. No worries, hindi lang naman ito ang school dito, pwede naman akong lumipat sa isang public school,  hahayst buhay.

Nandito na kami sa Loob ng Headmistress office habang hinihintay ang lalaking naging dahilan sa Lahat ng to. Kung di lang talaga dumating dun si Mr. Alejandro siguro nasa ospital na ngayon ang bwesit na lalaking yun.

Nilibot ng tingin ko ang kabuoan ng HM's Office,  it's not my first time here, trip ko lang talaga tignan ang office. Hayst, dito pa ata ang huling mapupuntahan ko dito sa school. Napadako ang tingin ko kay Miss Alejandro na nakatayo sa gilid ng kanyang ama. Nabigla ako ng kinindatan niya ako and mouthed 'Don't worry', bahagyang napataas ang kilay ko pero natawa lang siya.

"Sorry Abuelo, di ko na uulitin please wag mokong palinisin ng comfort room" tignan mo tong lalaking to,  kararating pa lang nagdadrama na sa Lolo niya. If I know,  sakin niya ipupunta ang sisi, "Nakita niyo naman diba?  Muntik na akong pagtakluban ng upuan ng babaeng yan" you see?  Dun na siya agad nagkwento, walang kwenta.

Napatikhim naman si Mr. Alejandro tsaka sumenyas na umupo sa tabi ko si Jushua na bumulong pa sakin. "Pag ako nakalinis sa tatlong Comfort room dito sa campus,  you're dead" bulong niya na di ko pinansin.

"So Miss Billones, aware ka ba na pwede kang makasuhan sa ginawa mong muntik ng pag-bagsakan ng upuan itong apo ko?" tanong ni Mr. Alejandro na nakikipaglabanan ng titig sakin,  di ako magpapatalo lalo na't inosente ako, tumango lang ako. "Then therefore you ar-----"

"Wait!" pigil ni Miss Alejandro sa ama niya atsaka binigyan ako ng ngiti. "Let's hear Her side Papa, I think may reason siya behind it" nice one Miss Alejandro,  ikaw ata ang magsesave sakin.

Gulat na napatingin naman si Jushua sa Tita niya tsaka binigyan ito ng look na nagtatanong pero imbes na sumagot ay bumelat lang ito sakanya dahilan ng mahinang pagtawa ko.

"Shut up!" inis na bulong sakin ng Bruhong nasa gilid ko na para bang gustong-gusto na akong sapakin. Mr. Alejandro nodded and pointed me na parang sinasabi na magpaliwanag ako.

"This Grandson of yours" sabay duro ko kay Jushua na nasa gilid ko. "ako ang ginawang isa sa mga Ms. Intramurals ng 4th year, at di man lang ako pinaangal" naalala ko ulit yung nangyari kanina nung binuhat ko na ang upuan para ibato sakanya,  Tsk!  As if naman makakaabot yun sakanya. Takot.

Nagulat ako ng natawa si Mr. Alejandro. "Apo,  are you out of your mind? No offense hija ah" natatawang sabi pa ni Mr. Alejandro na tinanguan ko lang. "Do you think a beauty like hers is going to win?" natatawang sambit nito. No offense daw pero nang-iinsulto,  Let's see nalang Mr. Alejandro.

Hindi naman nakasagot si Jushua sa tanong ng Lolo niya. Psh! If I know, ginawa niya lang yun para makitang napahiya ako. You want war?  Then Game ako.

Siguro inaakala niyo na Cold hearted akong tao,  pero it's a no,  Hindi lang talaga ako palasalita lalo na't wala naman akong kaibigan,  sino namang kakausapin ko, ayoko namang maging baliw.

"What were you thinking for doing that apo?" seryoso ng tanong ni Mr. Alejandro sa apo niyang nakayuko lang. A moment of silence, walang gumawa ng ingay habang hinihintay ang sagot ni Jushua.

"K-kasi,  kasi----"

"Because they are fighting Papa. Naapakan ata ang Pride ni Jushua nung nagawa siyang sampalin ni Andrea bilang ganti sa ginawang pagbangga at pag-tumba na ginawa ni Jushua sakanya" natigilan kaming lahat at halatang gulat na gulat si Jushua sa ginawang pambubuking ng Tita niya sakanya.

"Abuelo,  please wag mokong paglinisin ng Comfo----" naputol ang pagmamakaawa ni Jushua sa Lolo niya nung pinatigil siya nito.

"So you two,  are having uhm like a war?" seryosong tanong naman ni Mr. alejandro at umubo. Tumango lang kami dahilan ng pagbuntong hininga ni Mr. Alejandro. "I'll punish you,  not only Jushua but also you Miss Billones" gulat na napatingin naman ako kay Mr. Alejandro. "No buts, pero hindi ko kayo paglilinisin ng CR" napabuntong hininga lang kami ni Jushua dahil don pero hindi ko pa din maiwasan ang kabahan lalo na't di pa sinasabi ang parusa namin.

"Then what is their punishment Papa?" Tanong ni Miss Alejandro sa Papa niya na agad namang ngumiti.

"You two, are Going to Join the Pageant in the intramurals,  magkapartner kayo and kapag di kayo nakaabot kahit 3rd runner up man lang,  dun na kayo maglilinis ng CR"

"WHAT?!? "

***

Jenny's POV

Nandito kami ni Rhonnel sa Labas ng HM's office. Im waiting for Andrea while he is waiting for his bestfriend.

"Ano na kayang parusa nila? Sounds exciting right?" nakangising tanong sakin ng Lalaking to na inirapan ko lang. Bwesit!

"Ba't ako tinatanong mo?  Close ba tayo?" mataray na tanong ko sakanya. He's my boyfriend, and yes,  siya ang dahilan kung bakit ako umiyak kanina sa Garden.

Nahuli ko siyang may kahalikan sa CR kaninang umaga. Hindi kami bati.

"Oy galit ka pa? Hon naman,  bati na tayo please" pagmamakaawa niya tsaka niyakap pa ako patalikod. Gosh Jenny wag kang ngumiti kahit na kinikilig ka. "Oy hon,  sorry na,  I love you" sabi niya tsaka hinalikan ako sa cheeks. "I love you" tsaka hinalikan ako sa kabilang cheeks. "I lo---"

"Oo na,  bati na tayo,  basta wag mo na uulitin" sabi ko sakanya tsaka humarap sabay pingot ko sa ilong niya. "pag inulit mo pa yun, di mo na ako makikita" seryosong saad ko sakanya. Yes,  totoo yung sinabi ko,  kapag nangyari pa ulit yun,  papayag na ako sa gusto ni Daddy na sa Spain nalang ako mag-aral.

"Don't leave me please" pagmamakaawa niya tsaka niyakap lang ako. Hayst,  Im a bitch pero pagdating dito sa lalaking to, ang lambot ko.

Agad kaming napahiwalay sa isa't isa ng biglang bumukas ang pintuan ng HM's office at lumabas mula doon ang nagbabangayan na sila Andrea at Jushua. Our relationship ni Rhonnel is private,  dalawa lang kaming nakakaalam.

Pag dumating man ang araw na lokohin ako ni Rhonnel,  Kahit masakit,  iiwan ko na siya. Sabi nga sa kantang 'Imahe'. ♪ ♬ Kinalimutan kahit nahihirapan,  para sa sariling kapakanan♪ ♬

Kaya kahit na alam kong masakit. Gagawin ko.

><><><><><><><><><>><><>>><><><><><<><><><><><><><><><><><><><><<><><><><><><>

Thank You For reading!!! ^_^
Don't forget to Vote and Follow

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now