Chapter 11: Stuck with a jerk!
Andrea's POV
"Tangina! Ang ingay naman, kitang natutul---- panget?" gulat na gulat kaming nagkatitigan ni Jushua na nasa mga upuan na medyo malapit lang sa akin. What is he doing here? Na-lock din ba siya? Binigyan din ba siya ng maliit na papel? "What are you doing here and why are you crying?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.
"They locked me here *sobs* I mean they locked us here" napapahikbing explanation ko sakanya. Hanggang kailan kaya kami dito? Kelan kaya nila maalalaman na nawawala kami.
"What?!?" nagmamadaling tumungo siya sa Pinto kung saan ako naroroon at sinubukan itong buksan. "Ba't mo sinara?" naiinis na tanong niya sakin na magkasalubong ang kilay and with that tumayo ako at sinabunutan siya ng isang beses kaya napa-aray siya.
"Gago ka ba? Why would I lock myself inside this gymnasium? At pano ko naman gagawin yun kung nasa loob ako?" naiinis din na sunod-sunod na tanong ko saknanya. Baliw ba siya? May tao bang gustong makulong sa isang Gymnasium?
"If I know, gusto mokong masolo kaya mo to ginawa" he said and crossed his arms in his chest na para bang siguradong-sigurado sa mga pinagsasabi niya. "And If I know, may inutusan kang tao para i-lock tayo dito" he smirked after saying those words kaya mas lalong uminit ang ulo ko.
"Excuse me lang ha! Pwede ba bawasan mo medyo ang kapal ng mukha mo? At pwede ba? maging humble ka naman, sobra na ang hangin mo" naiinis na tugon ko sakanya. Nanggigil na talaga ako sakanya at di ko napigilan ang sarili kong sabunutan siya ulit. Ang hangin lang ah.
"Araaaay! Nakakadalawa ka na ah" galit na reklamo niya sakin at iwinakli ang kamay ko na nasa buhok niya.
"OO! At madadagdagan pa yan pag di ka tumigil" nanggigil na sagot ko naman sakanya. Akala niya gusto ko siya? Pwes diyan siya nagkakamali, kasi hindi ko siya gusto. gustong-gusto ko na siya.
Gustong-gusto ko na siyang ikulong sa isang kwarto na may mga manika at lubid para pag hindi na niya mapigilan ang mga manika ay kukunin niya nalang ang lubid tsaka magbibigti. Napatawa ako sa isip dahil sa naimagine ko. Not bad Andrea! Not bad.
"Tulooong! We're stuck in here" sigaw niya at malakas na pinaghahampas ang pinto na para bang may makakarinig sakanya. "Pleaseee! Save us" patuloy parin ang ginagawa niyang paghampas ng pinto at pagsisigaw habang ako naman ay patuloy parin sa pag-iyak at mahinang humihikbi.
"Will you please shut up? Naririndi ako sa tinig mo" humihikbi man ay nagawa ko parin siyang sigawan ng may halong inis sa boses. "Nagawa ko na yan, at kahit na anong sigaw mo, walang makakarinig sayo" naiinis na sigaw ko sakanya kaya tinignan niya ako ng masama.
"Palibhasa! Gusto mo akong masolo kaya prente------ Aray pangatlo na yan, pag ako di nakapagtimp---- Aray! Bwiset" sunod-sunod ko siyang sinabunutan dahilan para hindi niya matuloy kung ano man ang sasabihin niya.
"Ano? Pag hindi ka nakapagtimpi? Ano sasaktan moko? Bading lang ang nananakit ng babae" nang-iinis na tugon ko sakanya tsaka pinahid ang mga luha ko. Gosh! I didn't bring wet wipes, lalagkit ang mukha ko nito.
"Hoy tumigil ka! Hindi ako bading ah" napipikon na sabi niya at dinuro pa ako. HIHIHI bigla akong nag-smirk dahil sa iniisip kong kalokohan.
"Hindi ba? Sa pagkakaalala ko, palagi ka ngang nananakit saakin eh" pinipigilan ko ang sarili ko sa pagtawa habang inaasar siya, hindi nga nakatakas sa mga mata ko ang unti-unting pagkunot ng noo niya eh. "Siguro bading ka noh?" nang-aasar na tanong ko sakanya and gave him my victorious smirk.
"No Im not! Isa pa talaga Panget at makakatikim kana sakin" nanggigil na banta niya sakin habang magkasalubong ang kilay at nakakuyom ang dalawang kamao. Tsk! Tsk! Tsk! Kahit kailan talaga pikon ang isang to.
"And as far as I remember, hindi lang ako ang babae na binully mo at marami pa kami" pabulong pa na sabi ko na para bang inaalala ang mga ginawa niyang kabulastugan sa mga babaeng kumakalaban sakanya. "Siguro bakl---"
"Edi nakatikim ka din HAHAHAH" natatawang sabi niya and gave me his ugly smirk. Nanlaki ng bahagya ang medyo singkit kong mata at pinaghahampas siya. "I must say, your lips are soft"
"Bwiset ka! Ba't moko hinalikan?" nanggigil na tugon ko and wiped my lips. Tangina! That was my first at nakuha lang naman ng isang Bwiset na Lalaki. I can't believe that Im stuck with a jerk and a jerk kissed me.
"ayaw mong tumigil eh" he playfully smiled at me habang sinusundot-sundot ang labi niyang lumapat saakin gamit ang hintuturo niya na para bang nararamdaman niya parin ang lambot ng labi ko.
*Beeerrrgggggg
We heard the aircon turned on pero mas nagulat kami kung ano ang nakasabit sa aircon.
Madaling kumalat ang lamig kaya mas lalo akong kinabahan cause Im sure kakalat din ang substance na nakasabit sa Aircon that can make us lose our consciousness.
"Panget, no matter what happens wag kang aalis mula sa jacket ko" he suddenly hugged me and covered me with his jacket. Now, I can smell his addictive scent and I can feel the beat of his heart. My heart skipped a beat too.
*Dugdug*
"Wag k-kang u-umalis d-diyan" nahihirapang sabi niya saakin kaya kinakabahan man ay bahagya akong tumango and I know that he felt my nod. With that, we both fell, a sign that he lost his consciousness, but gaya ng sabi niya ay hindi ko inilabas ang ulo ko sa jacket niya. I can feel his body and it's so warm and hard.
Sana lang talaga ay may makabukas na ng pinto.
I think my words are magical pero bigla nalang akong nakarinig ng tunog na para bang sinira na kadena.
Thank you.
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><
Isn't it Romantic?
Who opened the door?
Anong mangyayari kay Jushua?Abangan...
Don't forget to vote and follow!!!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?