Chapter 21: Here we go Samal
Andrea's POV
Im now packing my things para sumunod na kina Mama sa Samal. Nauna na kasi sila 3 days ago para ipahanda ang resort namin doon. Im sure na dalawang Rest house dun sa Resort ang ipapaprepare nila para sa dalawang pamilya.
"Anak, andreng? Bilisan mo na diyan at nasa labas na ang magsusundo sayo na Van" sabi ni Manang Kyla mula sa Labas ng Kwarto ko. Im sure na ang pamilyang Alejandro na yan.
Sabi kasi ni Mommy sumabay nalang daw ako sa pamilya nila Hangin para daw masecure nila ang safety ko. It's been 1 month since that incident happen. Imbes na after 1 week ang bakasyon namin ay na-move ito into after 1 month para daw maghilom na ang sugat namin at para maenjoy namin ang Samal.
Sa Loob din ng 1 month na yun ay wala akong communication sa mga Kaibigan ko until now, si Allie lang ang nakakasama ko minsan sa bahay pag di siya umaalis sa mga tropa niya daw.
Minsan din ay nasa bahay yung ugok na Hangin kasi bumibisita dito ang pamilya niya para sa business matters at di siya maiwan sa bahay kaya sinasama siya. Puro pambibwiset lang ang natanggap ko mula sakanya pero di ako nagpapatalo kasi gumaganti din naman ako.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Allie na naglalakad na papunta sa Van kaya tumakbo ako para masabayan siya sa paglalakad, hindi alintana ang maleta na hila-hila ko.
"Too Excited?" nakangiting tanong nito sakin ng masabayan ko na siya sa paglalakad. Medyo malayo din kasi ang gate mula sa bahay namin.
"Of course I am. It's been Years since we last went to Samal Together" nakangiti ding sagot ko sakaniya at inilagay ang headphone ko sa leeg pampawala ng bored sa biyahe. Ma-layo² din kasi ang Samal lalo na't sa Mindanao ito.
Hindi din kami mag-eeroplano papunta dun sa Mindanao. We have our own Yacht na susundo samin mula dito hanggang sa Resort mismo. Gusto kasi ni Mama na mas sulit ang pagbabakasyon namin.
"Is that really the reason or excited ka kasi makakasama mo si Jushua for a week. Eh? Yieee" panunukso ni Allie sakin. I gave her my deadliest glare tsaka sinagot siya.
"Hindi ah! Ba't ko naman gustong makasama ang depungal na yun" pagtanggi ko sa sinabi niya na may inis sa boses. Kung pwede nga lang ay hindi na yun isama eh.
"asus! Aminin mo na kasing nagugustuhan mo na si Jush ayaw mo lang aminin kasi natatakot kang masaktan" sabi niya sakin na nakapagpatigil sakin.
Gusto ko na nga ba siya? Aish malabo. Parati akong naiinis pag andiyan siya. Naainis ako pag ngumingiti siya. Napipikon ako sa pang-aasar niya dagdag mo pa ang nakakapikon niyang tawa. Basta! I hate everything about him. Yan ba ang senyales na nagkakagusto ka? Diba hindi!
Ipinasok lang namin ang bag namin sa likod ng Van at sumakay na pero pagbukas pa lang namin sa pinto ng van ay nagulat kami sa nakita.
"Surprise?" nag-aalangang sabi ni Jenny na kumakain ng Chippy habang si Rhonnel ay tulog sa balikat niya. Akala ko ba Alejandro at Billones lang? It's not that ayaw ko silang makasama, in fact, gustong-gusto ko. This is Unexpected.
"Kasama kayo?" di makapaniwalang tanong ko sakanya. Uminom muna siya ng Tubig bago sumagot sa tanong ko.
"Ay Hindi. Ihahatid niyo lang kami sa simbahan kaya kami naka-summer outfit" sarkastiko nitong sagot. Kahit kailan talaga napaka-attitude ng babaeng to. Tss. Bitch.
"Che!" saad ko at uupo na sana sa tabi ni Allie ng pigilan niya ako. Chineck ko yung upuan, wala namang dumi ah. So I gave her a questioning look.
"May susunduin pa tayo sa Camella Homes bago pupunta sa resort niyo kung saan nakaabang ang Yate na susundo satin" sagot nito sakin at binuksan ang chichirya niya at nagsimulang kumain.
"Sino?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"Basta! Andami pang tanong eh! Umupo ka na nga lang diyan para makaalis na tayo" pagpapaalis niya sakin at itinulak pa ako papunta sa likuran ng inuupuan niya kung saan nandun ang magsyota.
"Oh? Kita mo? Dalawa na kami, dun pa" pagpapaalis din ni Jenny sakin. Huhu, ba't ba nila ako pinagtutulakan. Ayaw ba nila sakin?
"Eh Saan naman ako--------- No way!" agad na sagot ko nung ituro ni Jenny ang bakanteng upuan sa likuran niya which is ang katabing upuan ng ugok na natutulog.
"Ang dami pang arte eh! Manong paandarin mo na ang makina" utos ni Allie sa Driver na agad na sumunod kaya dali-dali akong umupo bago pa umandar ang sasakyan. Binaling ko na lang sa kabila ang tingin ko para di ko makita ang pagmumukha ng ugok na natutulog.
Lumiko ang van na sinasakyan namin pagkarating namin sa Camella Homes. Agad naman kaming pinapasok nung guard matapos sabihing may susunduin lang kami. Itinuro din ni Allie kung saan ang Building ng unit ng kung sino man.
Si Allie na din ang bumaba at sinundo ang taong pamilyar ang pigura sakin na nakatayo sa hagdan nung building.
Lexus?
Si Lexus nga!
Pumasok na silang dalawa and I gave Allie my deadly glare, may kasama pang pout yan featuring pagkunot ng kilay.
"What? Didn't expect na kasama si Lexus?" natatawang tanong nito sakin habang naunang pumasok sa Van at sumunod si Lexus na nakangiti.
"Pwede namang kami ni Lexus ang magtabi ah! He's my childhood bestfriend you know" inis na tugon ko sakanya pero imbes na sumagot ay tumawa lang siya at inutusan ang driver na umalis na.
Habang nasa biyahe ay wala akong ginawa kundi ang pagmasdan kung ano ang nasa right side ng inuupuan ko which is opposite kay kay Hangin.
Di ko din natiis at natitigan ko ang mukha niya habang natutulog.
Para siyang anghel kung matulog. Inosenteng-inosente. Hindi mo mababatid na masama ang kaniyang ugali. Kahit naman mapang-asar si Jushua ay mabait pa din naman siya. He Saved my life many times already.
And that's how I liked him.
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Anoooo daw? Is this really happening?
Anong mangyayari sa Samal adventure nila?
Abangan...
Don't forget to vote and follow!!!

YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?