Chapter 28

9 4 0
                                    

Chapter 28: To the Rescue

Jushua's POV

Nagising ako dahil sa narinig kong parang isang putok ng baril. Teka! Anong nangyari? Bakit parang ansakit ng ulo ko? Wala akong maalala.

"Jessa Anak" I heard a Familar Voice said that. Sounds like tita Arianne. "After all of this anak, we deserve a vacation" tama ba ang dinig ko? Anak ng Tita ko si Jessa? O baka ibang Jessa naman.

Wait! Why am I hearing their voices? Where am I? The Last thing I remembered was me confessing to Andrea about my feelings after she walked out and went into the middle of the forest and then Jessa, That Lexus, Tita Arianne and a guy that looks like Andrea's brother.

Oh shit! Are we Kidnapped?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and unexpectedly saw Jessa hugging Tita Arianne like they were relatives na namatayan ng isa pang kaanak. I looked around to scan the forest and saw her.

"Oh Shit!" agad na mura ko nang makita ang kalagayan ni Andrea. She's been tied up and her foot was bleeding. Hindi ko lang matukoy kung saang paa kasi pareho iyong dumudugo.

Fuck! What did they did to her? Masakit man ang ulo ay parang uod akong gumapang papunta kay Andrea na hindi naman malayo sakin. Nahirapan din akong gumapang kasi nakatali patalikod ang kamay ko at maging ang paa ko ay nakatali din.

Isang dipa nalang sana ang layo ko sakanya ng may tumama sa kaliwang pisngi ko dahilan para mapahiga ako, naipit pa nga ang dalawang kamay ko, at nalasahan ko din ang dugo na tumalsik.

"Hanggang diyan ka nalang" walang emosyong tugon ni Lexus na siyang sumipa sa Kaliwang pisngi ko kaya tinignan ko ito ng masama.

"Hayop kayo! Anong ginawa niyo sakanya?!?" gigil na sambit ko at pinilit ang sarili kong umupo na nagawa ko naman kahit masakit.

"Dalhin mo na siya doon Kuya" utos ni Lexus sa Kamukha ng kuya ni Andrea. Tinignan ko ito ng masama sabay dura ng dugo sa gilid ko.

"San mo siya dadalhin?!? Hoy hayop ka! Tangina niyo. Hintayi-------ow" napaubo ako at patagilid na nahiga sa lupa ng sipain ulit ni Lexus ang pisngi ko. Agad na rumehistro ang sakit sa katawan ko dahilan para mapa-gulong ako di alintana ang naiipit kong kamay sa likod.

"Masyado pang maraming sinasabi eh! Manahimik ka na nga lang!" gigil na asik ni Lexus pero sa halip na sagutin siya ay tinanaw ko lang kung paanong ihiga nung tinatawag nilang kuya si Andrea sa isang parang kama.

Pinanood ko din kung paano itong nagsuot ng medical gloves at face mask na para bang ooperahan si Andrea. Kinakabahan man ay di na ako umalma kasi alam ko din namang kukunin lang nito ang bala sa paa nito.

"Oh! Gising na pala ang prinsipe" doon ko lang napagtantong tapos na palang magdrama sina Jessa at Tita Arianne na mag-ina pala.

Wait!?! Ex ko ang pinsan ko? Fuck this isn't the right time to talk about thay. Ang dapat kong isipin ay kung pano kami makakatakas dito kahit halatang malabo nang mangyari.

"Kamusta ang tulog mo pamangkin ko?" sinamaan ko lang ito ng tingin imbes na sagutin. "Maayos ba ang pakiramdam mo?" tanong niya pa habang nakangiti ng nakakaloko.

"Wala akong Titang Demonyo! You're a demon for doing this!" dun na nawala ang nakakalokong ngisi niya dahil sa sinabi kong yon. Sumama ang mukha nito at naglakad papunta sakin. Iniluhod pa nito ang isang paa para magkapantay kami atsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi gamit ang hinlalaki at hintuturo.

"Mas Demonyo ang pamilya ninyo ng Andrea na yan" mahina ngunit gigil na tugon niya saakin at kasabay ng panggigigil niya ay ang paghigpit ng hawak niya sa pisngi ko na naging dahilan para makaramdam ako ng konting kirot. "Wala kang alam sa lahat ng kasalanang ginawa nila" dagdag pa nito pero imbes na sagutin ay dumura lang ako ng dugo na kumalat sa pisngi at noo niya pababa sa ilong.

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now