Third Person POV
Nakabusangot ang mukha ni Astraea pagkapatay niya ng alarm niya. Lunes na naman at hindi siya masaya dahil una, sino nga ba ang masaya tuwing lunes, at pangalawa, makikita na naman niya si Lucien. Ilang araw pa lang simula ng maging driver/bodyguard niya ito ay nagawa na siyang bwisitin ng lalaki sa kung ano mang paraan na posible. Sinubukan niyang magreklamo sa kapatid niya pero hindi naman ito natinag.
"Good morning, sunshine." Inirapan Astraea ang kuya niya bago humalik sa pisngi nito.
"There is no good in the morning!"
"Are you still mad at me because of Lucien?"
"Yes, I am!" At muling nagmakaawa si Astraea sa kapatid.Ngunit kahit anong reklamo ni Astraea ay hindi hahayaan ni Zepharos na hindi Lardizabal ang poprotekta sa kapatid niya. Alam naman niya na sapat ang kakayahan ng mga tauhan ng Lardizabal, they can protect Astraea, but with the degree of the situation, he can't risk it lalo pa at sinabi ni Lysander na si Hera na ulit ang nagpapalakad ng deadpool. Mas mapapanatag siya kung isang Lardizabal mismo ang magbabantay sa kapatid niya. Lucien might be a trouble maker but he knows that he is better than anyone else.
"Ma'am, nand'yan na po si sir Lucien." Umirap si Astraea nang hindi siya pansinin ng Kuya niya at umalis na.
Tila may nakagapos sa paa ni Astraea na pabigat dahil pahirapan siyang naglakad palabas ng mansyon nila, at nang makita niya si Lucien ay lalo lang siyang parang pinagbagsakan ng langit at lupa, pagkakitang pagkakita niya sa nakangising mukha nito ay naging iritable na lang siya.
"Don't smirk, ang kapal ng lips mo. It's not bagay!" Irap niya na tinawana ni Lara na kalalabas lang ng sasakyan.
Gaya ng dati ay tumigil sila dun sa nagbebenta ng taho, inirapan lang sila ni Astraea habang tuwang tuwa ang dalawa sa kinakain nila, while she. Just scroll through her phone. She checked Zeus social media account pero gaya dati ay naka-private pa rin iyon. Nahihiya siyang magfolow request dahil baka malaman nito na may gusto siya sa kanya.
Isang buwan pa lang simula nang maging assistant ng Kuya niya si Zeus and since then ay crush na siya ni Astraea.
"Nandito na tayo, Ashtray..." Inirapan niya si Lucien at bumaba na ng sasakyan. Sobrang aga pa lang pero sobrang dami na ng irap ang nagawa niya at lahat ng iyon ay dahil kay Lucien.
"Uy. Hindi ko maihahatid si kamahalan, makikipagkita ako sa mga groupmates ko para sa project namin."
"Okay," hinalikan ni Lucien ang noo ni Lara bago ito umalis.Ilang araw ng napapansin ni Astraea ang pagiging close ng dalawa pero kahit gusto niya mang malaman kung anong relasyon nila ay hindi niya matanong dahil masyadong mataas ang pride niya.
"Dalhin ko ba ang bag mo, kamahalan?" Binigay niya lang kay Lucien ang bag niya at naunang maglakad dito. "Hm. Astraea, are you familiar with Greek mythology?"
"No." Mataray niyang sagot.
"Ah. Akala ko kasi kilala mo si Zeus." Natigilan siya sa paglalakad at awtomatikong gumuhit ang ngisi sa labi ng lalaki. "Baka ibang Zeus yung kilala mo."
"What are you saying? You shut up na nga. You're annoying."
"Eh si Zeus Leviste?" Tuluyan nang namula ang mukha ni Astraea at humarap sa lalaki. "You do know him."
"What do you want?"
"Wala naman. I just thought you might want to know some information about him."
"Why do you think that?"
"Because, your highness..." Hinawakan niya ang tuktok ng ulo nito. "You have a crush on him, don't you?"Marahas na inalis ni Astraea ang kamay ng lalaki sa kanya at naglakad nang mabilis na walang kahirap hirap na nahabol ni Lucien.
"Zeus Leviste, nag-aral sa Philippine Science Highschool as batch valedictorian. Graduate ng UP as Magna Cum Laude. He passed the CPA board exam as one of the top 5. He entered Frias Corp not as an accountant to the company but as an assistant because he wants to learn directly from the CEO himself. A man with big ambition, I see... " Pinipigilan ni Lucien ang sarili na h'wag tumawa dahil sa itsura ng babae, pulang pula na ito hanggang leeg at ang labi niya ay nakanguso na rin." Alam mo, hindi ka magugustuhan nito. "
Humarap sa kanya si Astraea at pumamewang." And why is that?"
"Matapobre ka. Ikaw yung klase ng tao na kaiinisan ng isang tao na lumaki sa mundo niya, Astraea."
"You don't know that! Shut that big mouth of yours or I'll kick you where it hurts and you'll say good bye to future babies with Elara."Doon na namula si Lucien. He was caught off guard. Na ikinangisi naman ni Astraea.
"You think I don't notice? You're in love with her! So you either shut up or I'll tell her!"
Hindi na umimik pa ulit si Lucien kaya akala ni Astraea ay nanalo na siya pero nagpahabol pa ulit si Lucien ng pang-aasar sa kanya.
"Tsaka matanda na 'yon, ayaw non sa ganyan lang..." Humarap si Astraea sa kanya at sinundan kung saan nakaturo ang kamay niya at halos umusok ang tenga at ilong ni Astraea sa inis.
"Pervert!" Astraea walked furiously towards him and raise her hand to hit him on the face but Lucien immediately dodged it and run, Astraea went after him leaving everyone they pass by clueless on why Astraea Frias is fooling around with Lucien Lardizabal.