Author's Note: Trigger Warning!
Third Person POV
Astraea is just staring at the ceiling, she could not think properly anymore, and the only reason why she hasn't shut down after being tortured for days is because Leila keeps talking to her, kahit wala siyang sinasagot ay kinukwentuhan siya nito and that was enough to keep her sane.
"Alam mo ba na sa Sagada, kapag nililibing ka ay dapat kasama ng pamilya mo, lalo na ang asawa mo. Naniniwala kasi sila na hanggang sa kamatayan ay dapat magkasama pa rin ang mag-asawa."Mahina at hirap na hirap nitong kwento. Simula nang unang araw ni Astraea ay iyon na ang huling beses na nakausap siya ni Leila, at simula non ay sinusubukan niya ang lahat para hindi ito sumuko.
She's still hopeful that they will survive this. Her Lysander is probably looking for her now lalo na't ilang linggo na niyang hindi nasasagot ang tawag nito. Alam niyang may tinatagong sikreto ang asawa niya sa kanya, since he's always been the mysterious one. Parating may iniiwang bagay sa kuryosidad ni Leila na kahit kailan ay hindi niya binibigyang linaw, and her situation right now just proved that he's hiding something. Something dangerous about his life.
Wala namang magiging dahilan para mapunta siya sa sitwasyon na ito kundi ang asawa lang niya. Galing siya sa isang simpleng pamilya, mula sa probinsya, nag-aral sa public school at gumraduate sa state university. She's an elementary teacher, walang kakaiba sa pamumuhay niya, she's living a very simple life, ngunit nang makilala niya ang asawa, lahat ay nagbago. Siguro ay hindi alam ng asawa niya pero napapansin niya, kung gaano nito masyadong mapagmatyag sa paligid, how he's so attentive kahit sa simpleng pagbabago sa bahay nila. At akala rin siguro ng asawa niya ay hindi niya alam kung saan nito tinatago ang mga baril niya.
She knows he's hiding something from her, yet she still chose to be with him. She love him enough to not question him anymore. At sa ngayon ay ang pag-asang ililigtas siya ng asawa ang tanging nagbibigay linaw sa kaisipan niya. He's her hope.
"Astraea, please say something. Kahit ano..." Pag-uudyok niya sa dalaga na nakatitig lang sa kisame. Paminsan minsan ay ginugulo niya ang pagtulala nito dahil natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya kapag hinayaan niya itong malunod sa iniisip. "You haven't spoken in days."
Tinignan niya ang pagkain nito na kahit isang beses ay hindi niya kinakain.
"At hindi ka pa rin kumakain. Kahit na tubig lang, Astraea. You'll die if you keep doing that." Naiiyak niyang saad, at mas lalo niya lang kinaiyak ang isagot nito sa kanya.
"That's what I'm hoping. That they kill me. I can't do this anymore." Iyak ng dalaga at lumayos sa kanya para isiksik ang sarili sa sulok. Napabuntong hininga si Leila.
Lysander, please hurry up. Sigaw niya sa isip at wala nang ibang nagawa pa kung hindi ang umiyak.
***
It's been a week since they started looking for Astraea and Leila, at sa isang linggo na iyon ay wala silang nakuhang kahit anong impormasyon.