Third Person POV
___
Lara:
Frankie's? Miss ko na yung salted egg nila, eh. Libre ko. 😊
Lucien:
I can't. Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? May charity na pupuntahan si Astraea, sasamahan ko siya.
Lara:
Hindi naman ikaw escort niya. Ipagmamaneho mo lang siya. Pwede mo naman siyang balikan kapag patapos na.
Lucien:
Ayoko. Paano kung may magtangka sa kanya?
Lara:
Ang dami niyo namang tao d'yan. Dali na, Lulu. Ngayon na lang nga tayo magbobonding. Kaya ko namang umalis mag-isa, kaso natatakot lang din ako. Mas mararamdaman ko na safe ako kapag kasama kita. Please... 🥺
___
"Why the frown face?" Tanong ni Astraea pagkalabas niya, awtomatiko namang nawala ang busangot sa mukha ni Lucien pagkakita sa kanya.
Suot nito ang damit na binigay ni Zeus pati na rin sapatos, she looked really beutiful kahit simple lang ang disenyo ng damit niya at simpleng nakatali lang ang buhok niya. He just stared at her that made Astraea feel conscious of her self.
"Do I look okay?" Tumango lang si Lucien habang titig na titig pa rin sa kanya. "Then why are you staring like I'm some sort of an alien?"
"No, sorry. You just look beautiful." Sinsero niyang komento at tumayo para hawiin ang hibla ng buhok niya na bahagyang humaharang sa mukha. "But why do you alway style your hair like this? It's covering your face."
"You're so OA. It's fashion, Ares, just let it be." She checked herself on her full length mirror at hindi mapakali.
"Maganda ka na, may pinagpapagandahan ka?" Pang-aasar ni Lucien.
"Oh my gosh ka Ares," tawa ni Astraea pero tinigil din ang pagtingin sa sarili. "Anyway, you haven't answered my question, why were you frowning earlier ba?"
"Inaaya kasi ako ni Elara na mag-frankie's, pero ihahatid kita, 'di ba?" Doon naman na sumimangot si Astraea.
"So you don't want to hatid me na kaya ka naka-frown?" Irap pa niya sa lalaki. "Then go. Papasundo na lang ako kay Zeus, he of--"
Natigilan si Astraea dahil bigla siyang niyakap ni Lucien mula sa likuran sabay halik pa sa pisngi niya. She looked at their reflection and Lucien's grinning at her shocked expression. She pouted but held his arm that's wrapped around her waist anyway.
"Sabi ko sa kanya, I can't go. Kaya ako nakasimangot kasi ayokong sumama tapos pinipilit niya ako."
Astraea grinned. "Aw. You really like me na, huh?"
Natawa na lang si Lucien at pinatong pa ang ulo niya sa balikat ng dalaga.He's just staring at her, and then he suddenly thought of her being gone. Paano kung makuha ito ni Hera sa kanya?