Third Person POV
"Are you ready to see them again?" Muling tanong ni Zeus kay Astraea na kasalukuyang nakatanaw sa bahay nila.
It still looks the same, but she felt different while looking at it. Doon niya lang napansin ang pagbabago sa kanya, she has changed a lot, and the way she feels right now as she looks at their house just proves how much she has changed in those three years she was gone.
Wala siyang maramdaman pagkakita sa bahay nila. She doesn't miss it, or even feel sad looking at it. She feels nothing.
"Is it normal to not feel anything after not being here for years?" Zeus was taken aback, hindi niya alam ang isasagot sa dalaga. He just looked at her, like how he has always looked at her for the three years they have been together. Tinitigan niya lang ito habang malayo ang tinatanaw.
Zeus' phone rang, he answered it immediately without losing sight of Astraea. These past few weeks, he feels like once he take her out of his sight, she will just suddenly disappear.
"Sir Zeus, nasa subdivision na po kami." Saad ng nasa kabilang linya, tinuro lang niya ang daan na tatahakin nito at binaba na rin ang tawag.
"They're almost here, are you sure you're ready?"
Bumuntong hininga si Astraea bango lumingon kay Zeus. "Yeah. Ito naman ang plano dati pa."
Ang dating maikling buhok ni Astraea ay humaba na kaya inayos niya ang masinop na pagkakatali nito bago alisin ang seatbelt niya. Binuksan niya ang ilaw ng sasakyan at binaba ang sunvisor ng sasakyan para makita ang sarili sa maliit na salamin na nakalagay doon. She's wearing a makeup today, like how the old Astraea used to do. Pero sinong maloloko niya, she knows it herself, at kahit sino ay mapapansin na nagbago na siya. No one would believe that she's still the same Astraea.
"Do you remember our story?" Tanong ni Zeus na kinatango lang ng dalaga.
"I was able to escape dahil sa gulo, I ran as fast and as far as I could hanggang sa may makakita sa aking mag-asawa sa daan, they saved me. Dapat ay ibabalik nila ako sa pamilya ko but I didn't want to, dahil pakiramdam ko ay mas ligtas ako sa kanila, so to not raise suspicion, they had me leave the country with them. Turns out, dati silang may anak na dalaga who died from a car accident kaya hindi naging mahirap para sa kanila ang tanggapin ako." Pag-uulit ni Astraea sa istorya na binuo nila para makabalik siya.
Hindi naman peke ang istorya na iyon dahil ang mag-asawang nakuha nila para magpanggap na siyang kumupkop kay Astraea ay totoo namang may anak na namatay dahil sa isang vehicular accident.
Nakilala nila ang mag-asawang ito nang lumipat si Astraea at Zeus sa Amerika para doon mamalagi, kung hindi mali ang pagkakatanda ni Astraea ay noong nakalipas na anim na buwan lang iyon. Panahon na nag-iisip na sila ng plano ni Zeus kung paano siya makakabalik, at sakto nakilala nila ang mag-asawa na hindi naman sila nahirapang kumbinsihin dahil sa malaking pera ang inalok ni Zeus sa kanila.
Hindi alam ni Astraea kung saan nakuha ni Zeus ang pera na pinanggagastos ni Zeus para sa kanilang dalawa at hindi na rin naman siya nagtanong pa. Ang importante na lang sa ka nya ay nabubuhay siya ng panahong iyon.
"They're here," bulong ni Zeus at inalis na rin ang seatbelt niya. Pinatay niya nang tuluyan ang makina ng sasakyan at bumaba, sumunod naman agad si Astraea at inabangan ang sasakyan ng mag-asawa.
Inayos ni Astraea ang damit na suot at kumapit sa mag-asawa nang matapos na si Zeus sa pag-uulit ng istorya nila sa mag-asawa.
"Let's go..." Astraea said and looked at the house again. Her house.
"Wait," Inalis ni Zeus ang tali ng buhok niya at hinayaang malaglag ang mahaba nitong buhok. "Astraea will never tie her hair like that."
Sinuot niya ang pantali sa kamay niya at hinayaan na silang umalis. He went back inside the car and just watch them enter the mansion. Nakita ni Zeus kung paanong hindi mapakali ang guard sa tapat ng bahay nila Astraea at tumakbo papasok sa loob, and minutes later ay pinapasok na rin sila Astraea sa loob. Wala siyang kinabit na mic o kung ano kay Astraea na posibleng magbigay suspetsa sa dalaga kaya hanggang sa pagtanaw na lang ang magagawa niya.
He just watch from outside their mansion, hanggang sa dumating na rin sila Lysander at kasunod non ay ang pagdating ng nakamotor na si Lucien. Zeus felt nervous pagkakita sa lalaki at napahawak sa hairtie ni Astraea.
"I should have just taken her away." Bulong niya nang paulit ulit. "I should have."
Tumunog ang telepono ni Zeus at agad niyang binasa ang mensahe ni Astraea doon
Astraea:
You can leave. I have under control. Baka may makakita pa sa'yo.
Hindi na siya nagreply pa at pinaandar na ang makina ng sasakyan. Sandali na tinignan niya ulit ang mansyon at umalis na pabalik sa bahay nila ni Astraea. Dumiretso siya sa madilim niyang kwarto at sumalampak sa kama niya.
Three years. For three years they were together, alam niyang galit sa kanya si Astraea but that didn't stop him from falling. Maling pagkakataon at oras, alam niya, pero anong magagawa niya? It just happened without him knowing how or when, he just realized that he's already in love with her. Something that he should not have done dahil alam niyang siya ang kahuli-hulihang taong gugustuhin ni Astraea na mahalin siya.
Nilabas niya ang telepono niya at tinignan ang mga litrato ni Astraea doon, and he could only laugh at himself dahil hanggang sa litrato ay likuran lang nito ang tanaw niya. Hanggang doon lang siya.
**End of Chapter**