Third Person POV
Hindi pumasok si Lucien sa klase niya at binantayan lang ang classroom ni Astraea sa di kalayuan. Pumwesto siya sa kung saan matatanaw pa rin niya ang babae. Hindi siya mapakali, pakiramdam niya ay may nagmamatyag sa kanilang dalawa atnkapag nalingat siya ay mawawala na lang bigla ang dalaga.
He stayed at his place hanggang sa matapos ang unang klase ni Astraea, he just left his post when she had to move to a different classroom. Muli ay binantayan niya ito sa di kalayuan.
Papatapos na ang klase ni Lucien nang tawagan siya ng kapatid niya.
"Did uou receive my email?" Bungad niya sa kapatid.
"Why do you have photos like this?" Hindi sumagot si Lucien. "Lucien..."
"Alam ko. It was stupid. Just... Just make sure she'll be safe. Dagdagan niyo ang tao sa bahay niya, dagdagan mo rin dito sa school."
"Alam ko. Should I tell Zepharos?"
"She's his sister. He has to know. And ask him if I can live in their house so I c—"
"Lucien, hindi pwede."
"Tangina, Kuya. Mababaliw na ako."
"You know better, Lucien. But you did it anyway. Hindi natin pinaghahalo ang trabaho at ang personal na buhay."
"Alam ko. Nangyari na. Just make sure she'll be safe."
"Where is she now?"
"I'm watching over her, don't worry." Hindi inaalis ni Lucien ang pagtanaw kay Astraea. "Any lead on Hera? Kahit sa tao niya?"
"Wala. I asked the people I set to follow Astraea around, they haven't seen any suspicious people."
"Okay. Let me know if you find anything. I'll try to look into it as well."
"Okay, and Lucien," hindi nansiya kumibot pa at hinintay na lang ang sasabihin ng kapatid. "if you can distance yourself, do it. You know how it works, if they find out who's important to you, gagamitin lang sila sa'yo. You might just put them in danger. If you really care about Astraea, putulin mo na."Hindi na siya sumagot pa sa kapatid niya at tinapos na lang ang linya. He wanted to. Gagawin naman talaga niya. Iiwas na siya.
But during lunch time, when Astraea approached him with wide smile and just hugged him in front of everyone, umatras siya sa dapat na plano niya. He could not push her away.
"Ares, are you really fine?" Tanong ni Astraea habang naglalakad sila papuntang cafeteria. Magkahawak ang kama nila, Lucien is holding her toghtly habang tahimik at seryosong nakatitig lang sa harap.
"Yes. Hindi lang ako nakatulog nang maayos kagabi."
"Hm? Why?"
"Just some stuff..."Pagdating sa cafeteria ay binitawan ni Lucien ang kamay ni Astraea nang makita nila si Elara na nakapwesto na sa isang lamesa. Astraea was surprised but shrug it off.
Pinanood lang naman sila ni Elara at pilit na ngumiti nang hindi umupo sa tabi niya si Lucien, hindi kagaya nang nakaugalian nila. He sat beside Astraea and even talk sweetly to her while asking what would she want to eat.
Nang umalis si Lucien ay tahimik lang ang dalawang babae, until Elara started a conversation.
"Buti naman ay nagkasundo na kayo." Pabiro niyang saad kay Astraea, who just looked at her with a smile on her face, katatanaw lang kasi nito kay Lucien.
"Yeah. He's not so bad pala..."
"Do you like him?" Diretsahang tanong ni Elara sa kanya na kinabigla niya, pinaypayan niya ang sarili at hinawakan ang nag-iinit na pisngi. Pekeng tumawa naman si Elara at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Biro lang. Alam ko naman na hindi katulad ni Lucien ang tipo mo. He's just a Lardizabal, 'di ba?"Again, she was caught off guard. Gusto niyang sabihin na mali siya dahil gusto niya na si Lucien. Na wala siyang pakielam kung saang pamilya pannanggaling si Lucien, dahil gusto pa rin niya ito.
What she feels for Lucien is different from her other crushes. From the guys she used to like. Lucien became someone she can talk to before she even liked him. Para bang nagkaron siya ng bestfriend bago niya itong natutunang gustuhin. And he makes her happy. So much happy, na kahit anong designer items ay hindi naibibigay sa kanya.
Pero hindi niya 'yon masabi. She was caught off guard, at mas lalo lang siyang hindi nakapagsalita nang muling magsalita si Elara.
"Tsaka hindi rin naman ikaw ang tipo ni Lucien. No offense, pero ayaw niya sa mga katulad mo. Spoiled brat, maarte, at sobrang high maintenance. Gusto niya 'yung chill lang."
Bumagal ang paghinga ni Astraea at namumula na siya hindi dahil sa hiya kundi dahil sa inis. "You mean, yung like ng sa inyong dalawa?"
Nagkibit si Elara. "Ewan. Dati sinabi niya na gusto niya ako, pero ewan kung hanggang ngayon pa rin ba. Hindi naman kasi namin napag-uusapan."Hindi na nagsalita pa si Astraea kahit na nung dumating na si Lucien dala dala ang pagkain nila. Lucien tried to talk to her but she's not in the mood anyway, at mas lalo lang siyang nawala sa mood nang mag-usap na si Lucien at Elara, out of place na naman siya. Nagtatawanana na naman sila nang wala siyang naiintindihan sa pinag-uusapan nila.
She was mad, kaya ang ginawa niya ay nilingkis niya ang kamay sa braso ni Lucien at sumandal dito. Lucien didn't mind and even held her hand. Nakita niya ang pagtingin ni Elara sa kanya na sinagot niya lang ng ngisi.
"CAN I SIT IN FRONT?" Tanong ni Astraea habang papasakay sila sa sasakyan ni Lucien.
Poprotesta pa lang si Elara dahil iyon ang pwesto niya pero pinagbuksan na ni Lucien ng pinto si Astraea. At nainis lang siya nang makita ang ngisi sa labi ni Astraea. She plastered a fake smile and get in the back seat.
Pinanood niya kung paano hawakan ni Lucien ang kamay ng dalaga sa tuwing bibitawan nito ang manibela. Tahimik lang sila parehas pero kuntento na sila doon. She hated it. Ang makita si Lucien at Astraea. She's jealous, and she knows she shouldn't be dahil wala namang sila ni Lucien. It was clear even before, pero naiinis siya. Siya ang gusto ni Lucien, eh.
Nakalipat lang siya sa front seat nang maihatid na nila si Astraea at siya naman ang ihahatid ni Lucien. Hindi nga siya dapat ihahatid ni Lucien dahil ayaw nitong mawaglit sa paningin si Astraea pero nagpumilit si Elara, sabi niya ay natatakot daw siya dahil ilang araw na siyang nakakaramdam na parang may sumusunod sa kanya, kaya nag-commute siya kanina papasok sa eskwelahan dahil ayaw niyang mag-isa. Bagay na hindi totoo. Gusto niya lang makasama si Lucien.
"Kelan pa may sumusunod sa'yo?"
"Hindi naman ako sigurado, pero simula pa nung isang araw. Napaliwanag na sa akin ni Kuya Lysander na posible nga na mangyari yon dahil nga kay Hera Montecillo."
"Did you tell your parents?"
Tumango si Elara kahit hindi naman totoo. "They might make changes with the security."
"Good. I'll ask Lysander about the people in your house as well, padagdagan ko."
"Lulu, kaya kung pwede sana sunduin mo na lang ulit ako, katulad dati." She was never a clingy friend to Lucien, pero ngayon ay gusto niyang maging clingy. Naiinis siya.
"I can't, Elara. Kailangan kong bantayan si Astraea."
"You're too worried, marami namang tao sa kanila." Matalim niyang saad. "Tell me, Lucien, do you like her?"And his silence is enough. Kahit naman noong hindi pa niya tinatanong, alam na niya ang sagot. Nagbakasakali lang siya na baka mali lang siya. Pero hindi pala.
"Alam mo namang hindi 'yan pwede,' di ba?"
"I can protect her." Buntong hininga ni Lucien. "I will protect her."