Chapter 16

368 38 6
                                    

Third Person POV


"By the way, is it okay pa rin ba if I go to the charity ball with Zeus?" Nagliligpit sila ng mga ginamit nila nang biglang tanungin ni Astraea si Lucien. 


Humigpit ang hawak ni Lucien sa baso ng hawak, at kung hindi pa niya na-kontrol ang sarili at napakalma ang sarili ay baka nabasag pa niya iyon.

"Oo. Nauna ka namang pumayag don bago yung sa atin."

"Oh, okay. Thanks. Alam mo ba, he gave me a dress and a stilleto? He gave it to me yesterday."

"Gusto mo ng kiss?" Napatakip ng bibig si Astraea dahil sa biglaang tanong ni Lucien.

"Oh my gosh. Why are you suddenly like that?"

"Sabi ko, 'di ba? H'wag kang magkukwento tungkol sa ibang lalaki?"

"I'm not making kwento naman, I was just informing you." Irap ni Astraea sa kanya bago umupo sa sofa. "Will you be there ba on the charity ball? Will you still drive for me?"

"Oo, trabaho ko na 'yon."

"You know what, before ayaw ko na you became my driver, pero now, gusto ko na. So I can always be with you." Parang bata na kwento ni Astraea. "And did you know? I thought I won't be able to tell you about my feelings, I thought kasi you don't feel the same."

"Bakit naman?"

"Duh. Because of Elara, pero I don't care about that na. You told me naman na, I'm the one you like. Kahit spoiled ako, maarte, and high maintenance." Hagikgik pa ng dalaga.


Lucien sat beside her and casually took her hand. Nabigla naman si Astraea kaya natuod siya sa kinauupuan niya at diretso lang ang tingin sa harap hanggang sa mawala ang pagkabigla niya at sumandal na kay Lucien. It's been a long day for them, sobrang saya lang nilang dalawa at lahat ng pag-aalala na nararamdaman ni Lucien ay saglit niyang nalimutan dahil kasama niya si Astraea.


He had to leave after an hour, inalok pa siya ni Astraea na mag-sleepover but Lucien would never allow himself. There's no way in hell.


He looked around for Zepharos when he left pero wala ito kaya umuwi na lang siya. He waited for thirty minutes before texting Astraea na nakauwi na siya. Mabilis naman itong nag-reply sa kanya.


___

Astraea:

Okie. I just finish showering.

Lucien:

Why would you say that?

Astraea:

Huh? Why? Is it bad ba?

Lucien:

Wala. Matulog ka na.

Astraea:

Why are you suddenly being masungit?


___


Natawa si Lucien dahil naririnig niya ang boses ng babae kahit na katext lang naman ito. Dahil hindi pa nagrereply si Lucien ay muling nagtext si Astraea, litrato niya iyon na nakanguso at simangot at kita pa ang towel sa ulo ng dalaga. Lucien saved the photo ang typed a reply for her.


___

Lucien:

I'm not being masungit. Haha

Astraea:

Really? Send a selfie.

___


Tuluyan nang natawa si Lucien at nabitawan pa ang telepono niya. Parang gusto niyang balikan ang dalaga at yakapin nang napakahigpit. At dahil sa kagustuhang makita pa ito ay pinulot niya ang cellphone niya nasa lapag at tinawagan ito, video call.


"Hey!" Masiglang bati ng dalaga.

"I'm not being masungit, look." Gaya pa nito sa tono ng babae magsalita.

"Ikaw, ah. You always make fun of me."

"It's because you look cute," Napangiti na lang si Astraea at nahiga sa kama niya. She hugged her pillow tightly habnag nakatutok pa rin ang camera sa kanya.

"Did you dry your hair, make sure you dry it first before you sleep."

"Yes, tuyo na siya. Onting wet na lang." Muling natawa si Lucien. "Why na naman?"

"Nothing. May hair sa face mo, alisin mo."


Inalis naman iyon ni Astraea at tumingin na lang sa screen ng phone niya. They stayed just like that. In silence, looking at each other. And it was enough to forget all the worries in Lucien's mind. Pinanood niya itong humikab ng ilang beses hanggang sa tuluyan nang makatulog. But he didn't end the call when she fell asleep, hinayaan niya lang na mag-lowbatt ang cellphone ni Astraea hanggang sa kusa na lang itong maputol. Doon na lang siya naghanda matulog.



He slept on the sofa where he can see Astraea's room dahil takot pa rin siya, dapat nga ay hindi ulit siya matutulog but his body is too exhausted kaya ito na rin ang bumigay. The next moning, he felt lighter, lalo na nang ang bumungad sa kanya ay ang message ni Astraea na nag-so-sorry dahil nakatulugan siya nito. He didn't reply, bagkus ay naghanda na muna papasok ng eskwela para maaga itong mapuntahan. He forgot about Elara that day, kaya tinadtad siya nito nang mensahe pagkadating nila ni Astraea sa parking lot ng school.


"What's the matter?" Usisa ni Astraea nang mapansing lukot ang noo ni Lucien habang may binabasa sa cellphone niya.

"It's just Elara, I forgot to pick her up." He said, a little worried dahil naalala niya ang kinwento ng dalaga na may sumusunod sa kanya, pero hindi naman niya magagawang iwan na lang si Astraea, hindi lang siya mapapakali.

"Why don't you just ask her to go on her own? I mean, she has her feet naman, 'di ba?"

"Takot kasi siya... uhm... sabi niya ay may stalker daw siya?" Tumaas ang kilay ni Astraea pero nag-alala din nang kaunti sa babae, she may not like Elara, pero babae rin siya. It's a scary world out there.

"Then you can go pick her up. Mauuna na lang ako sa room ko, I have class na kasi in fifteen minutes."

"No!" Napapitlag si Astraea. "Sorry, I'll just... I can't. Ihahatid kita. I'm sure she can take care of herself."


Nagtext na lang si Lucien sa isa nilang kasamahan na nadito sa eskwelahan na siya na lang ang sumundo kay Elara, and Lucien just texted Elara about it. 

Getaway CarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon