Chapter 31

398 29 3
                                    

Third Person POV


Astraea looked around her room, wala itong pinagbago. Kung anong pwesto ng gamit niya noon ay ganon pa rin ito. She raised her eyebrows while browsing its interior. Pink na pink ang lugar at halatang kwarto ng babae, gusto niyang matawa sa itsura nito. Pumunta siya sa closet niya at napairap sa dami ng gamit niya. For years ay bilang na bilang ang gamit na meron siya, ang suot niyang damit ngayon ay ang unang beses na bumili siya ng damit na bago, all the things she used before are all from thrift shop at second hand na. Wala naman kasi sa isip niya noon ang bumili ng designer items, she just wanted to survive and be better.


Astraea smirked when she remembered the first time she talked to Zeus, when they talked about the poor and on how insensitive her remark was at that time. Naintindihan naman niya noon ang punto ni Zeus after doing some research, pero mas namulat nga lang talaga siya sa lumipas na mga taon. Going to different countries and seeing how people live, can really open your eyes on how unfair this world is. Kaya ngayon ay mas naiintindihan na niya kung bakit nanghihingi ng tulong sa gobyerno ang mga mahihirap, kung bakit maraming nagagalit sa gobyerno tuwing hindi nila natutulungan ang mga ito. Nakakagalit naman kasi talagang isipin na ang mga taong hinalal mo na dapat tumulong para maitaguyod ang bawat mamamayan sa bansa niyo ay walang ibang ginawa kundi ang iangat lang ang sarili nila.


Iyon ang dahilan kung bakit nagsimula silang magnakaw ni Zeus noon. They have enough money already, especially Zeus, pero ginawa nila iyon para makatulong sa mga mahihirap. It wasn't legal, pero naisip ni Astraea nung panahon na iyon, kung ang legal na pamamaraan nga ay hindi magawang tulungan ang mahihirap, anong paraan pa ba ang magagawa nila? So they decided to be like Robin Hood. They just made it a rule to never hurt any civilian, walang casualties. Magnanakaw lang sila at hindi papatay ng inosente. 


Nawala sa iniisip si Astraea nang tumunog ang telepono niya at lumabas doon ang pangalan na 'Jupiter' at litrato ng lalaki na nakatalikod sa tabing dagat. She answered the phone and waited for Zeus' nagging voice.


"Hindi ka raw uuwi?"

"Kuya Zepharos requested." Lumabas siya sa balkonahe ng kwarto niya at sumandal sa railings nito. "Uuwi rin ako bukas."

"That's no--"

"Part of the plan, I know. But he requested, I have to comply, Zeus. Baka pasimula pa lang ay magtaka na sila." Buntong hinga ng dalaga. 

"Are you comfortable in that place?" Napaisip siya at pinakiramdaman ang sarili.


She feels nothing in that place. She feels indifferent, na para bang hindi siya belong sa lugar na iyon. 


"No, pero wala akong choice." Umayos siya ng tayo at malalim na huminga. "I'll end this call. Bigla akong napagod. Baka tanghali na ako makabalik bukas. I just saw all my old stuff, in good condition pa ang mga designer bags and clothes ko, I want to sell all of it."

"The old Astraea wouldn't do that." Paalala niya.

"But I'm not her anymore. These items could feed a village, Zeus."

"I know, pero baka pagdudahan ka nila." Napairap siya at tinapos na lang ang linya dahil alam niyang hindi siya mananalo sa argumento kay Zeus. He is always right, matagal na niyang tinanggap iyon.


Her phone flashed with his assigned name on the screen, and Astraea just chuckled with his message.


Jupiter:

Don't do anything with any of your stuff.

Do as I say, please? Gagawan natin ng paraan yan.

Take a rest, I know it's been a long day for you.

Message me if anything happens.


Astraea:

Ok.


Astraea went to the bathroom to clean herself, at pagdating sa closet niya ay naghanap siya ng komportableng damit pantulog. She's already used to wearing white fitted shirt and shorts, at wala siyang kahit ano doon. They're all made of silk or satin, at pakiramdam niya ay wala siyang damit pagkapalit niya ng pantulog niya kaya sa huli ay nagpalit siya at sinuot pang-yoga niya na damit. Sports bra at leggings.


Kinabukasan ay nagising si Astraea ng ala-singko ng madaling araw na tumatagaktak ang pawis sa buong katawan, she's shivering with fear and pain. Ang sakit ng likod niya kaya napatayo siya at humarap sa salamin para tignan iyon. Dahil sa sports bra lang suot ay madali niyang nakita ang gusto niyang makita, her scars. They all sting in pain even if they have already healed a long time ago. The doctor said it was just psychological kaya binigyan siya ng mga proseso na gagawin whenever she feels pain.


Naupo siya sa lapag at pumikit, she inhaled for five seconds and exhale for another five seconds. Ilang beses niya iyong ginawa hanggang sa parang unti unting nawawala ang sakit. Nang kumalma na siya ay tumayo siya para magpalit ng damit pang itaas. nagpatong lang naman siya ng jacket at sinarado lang iyon hanggang ibaba ng dibdib niya at nag-stretching bago lumabas, nagulat pa siya nang makasulubong niya sa hagdan ang kapatid niya at may dala dalang tray ng tsaa.


"Kuya," tawag niya rito.

"Good morning, tea?" Alok nito sa kanya na tinanguan ni Astraea.


Bumaba sila papuntang kusina at doon tahimik na uminom ng tsaa. She feels like her brother has so many things to ask and tell her pero pinili na lang nitong manahimik dahil kahit kaharap na ang kapatid ay hindi pa rin siya makapaniwala, it's so overwhelming for him kaya nanatili na lang silang tahimik habang umiinom ng tsaa hanggang sa nagpaalam si Astraea na lalabas para mag-jogging.


She did some stretching pagkalabas ng gate ng bahay nila at nang maging sapat na iyon ay nagsimula na siyang tumakbo ng bagal, just to adjust her breathing slowly hanggang sa bumilis na siya.


Wala pa atang kalahating oras siyang tumatakbo nang may biglang sumabay sa kanya and when she looked over at her side ay si Lucien iyon na nakangiti sa kanya. She looked away and look straight at the path she's taking.


"Hindi na yoga?" Tanong ni Lucien sa kanya in which she ignored and just run past him. Lucien just looked at her running away, and for the longest time felt like he could breathe. It's been a suffocating three years for him, at kahit alam niyang may nagbago sa kanila ni Astraea ay naging panatag pa rin siya.


At least she's alive. At least he could see her. 'Yun lang naman ang gusto niyang mangyari, ang makita ito muli.


**End of Chapter**

Getaway CarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon