Third Person POV
Flashback: Eight Months Ago, New South Wales, Australia.
"Where are you?" Napairap si Astraea sa bungad ni Zeus sa kabilang linya. It's early morning at nasa train station siya ngayon to take the earliest ride going to Kiama. Pagkagising niya kasi ay naisip niyang pumunta sa beach.
"I'm going to Kiama. Gusto kong pumunta sa beach." Inalis niya ang sumbrero na suot at inipit sa kaliwa niyang kilikili para maayos niya ang pagkakasinop ng buhok niya, may mga humarang na ilang hibla kasi sa mukha niya, at nang masinop niya iyon ay muli niyang sinuot ang sumbrero niya.
"Why didn't you tell me?"
"Dapat ba?" She nonchalantly asked. "Anyway, the train's coming. Bye."
"Susunod ako."
"Bahala ka," then she ended the line.
Pagkatigil ng train ay sumakay din kaagad siya at pumwesto sa may malapit sa bintana. She put her earphones, and started listening to music. Pinanood niya lang ang tanawin sa labas at nang makaramdam ng pagkahilo ay pumikit na siya. Ilang stasyon lang naman ang dadaanan niya at magta-transfer na ulit siya ng tren.
Pagdating sa Moss Vale Station ay bumaba siya at naupo muna siya sa bench para hintayin ang tren na susunod niyang sasakyan. She was busy minding her own world when a tall guy walked in front of her, everything was familiar in that guys, mula sa lakad nito, tindig nito, at nang sundan niya ng tingin ito ay pamilyar din ang likod nito na papalayo sa kanya.
Nakumpirma lang niya ang hula niya nang maupo ito sa kabilang bench at nakita niya nang maayos ang mukha nito. Si Lucien.
Inayos niya ang sumbrero niya at pinagmasdan ang lalaki. It's been two years since she last saw him, at nag-iba ang itsura nito. He looks so bored waiting for the train, he's semi-slouching on the bench habang hindi mapakali sa hawak na bag at pinaglalaruan ang tali nito. Astraea was looking at him intently at nag-iwas lang nang magsimula na itong tignan ang paligid niya, she sat properly and fixes her cap. Bahagya rin siyang tumalikod mula sa lalaki para masiguradong hindi siya makikita nito. When the train arrives, muli niyang sinilip si Lucien at kagaya niya ay sumakay din ito, sa kabilang carriage lang siya sumakay.
When the train started moving, naglakad si Astraea papunta sa carriage kung saan sumakay si Lucien, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sinusundan niya ito, ginagawa niya lang din dahil iyon ang sinasabi ng katawan niya.
Pumwesto siya sa likuran nito ngunit naging maingat na hindi siya makita nito kaya kinuha niya pa ang facemask sa maliit niyang bag at sinuot ito. Nakita ni Astraea na nakasandal ito sa upuan at nakatanaw sa labas that is why she also looked at the window, pero hindi ang tanawin ang tinitignan niya kundi ang repleksyon nito sa salamin. It wasn't a clear reflection but enough for her to see his face carefully.
Hinawakan niya ang dibdib niya, it's not reacting the same way as before, hindi na ito parang tinutusok ng milyong karamoy, it actually felt at ease. It feels calm, so calm that it almost feel nothing. A full kind of nothing, not the nothing that is because of a void; It feels nothing because it has no more space for any other things anymore.
Dapat ay matutulog siya sa apat na oras na biyahe papunta sa susunod na istasyon but all she did was watch Lucien's reflection from the window, at nang kinailangan na nilang bumaba ay sinundan niya lang ito. She's getting good at being stealth dahil tinuro rin iyon sa kanya ni Zeus, nakikisabay lang siya sa mga naglalakad habang nakatanaw dito at kagaya niya ay nag-transfer sa tren sa Albion Station. Nakatayo na lang siya malapit sa pintuan ng tren habang si Lucien ay nakaupo sa pangatlong row, she was just watching him at pagdating sa Bombo station ay sinundan niya ito muling maglakad papunta sa beach.
She just followed him everywhere. She just watched him, ngunit ang pinagtataka niya ay ilang beses itong lumilingon sa paligid, alam ni Astraea na hinid iyon dahil sa nararamdaman niyang sinusundan niya ito, mukha itong may hinahanap. Ni hindi ito nanatili sa lugar para tanawin ang magandang view o lumangoy sa pinagmamalaki nitong rock pool, he was just aimlessly strolling and look for something.
Mukha namang hindi niya nahanap ang kung ano mang hinahanap niya dahil naupo lang ito sa may mabatong beach at tumanaw sa malawak na karagatan. Astraea sat on the rocks as well, keeping a safe distance from him and just looked at the vast ocean as well. Nang magsawa na siya sa tanawin ay binalik niya ang tingin kay Lucien na kasalukuyang nakatingin sa cellphone niya, she can see him mouthing something hanggang sa ibalik nito ang telepono sa bag niya at pinunasan ang mukha gamit ang kamay. He looked around him, that's when Astraea saw his bloodshot eyes, that made her curious and confused.
Her mind drifted away when Lucien stood up and her phone rang at the same time. Kinuha niya ang telepono niya at napabuntong hininga nang makita ang pangalan ni Zeus, ito lang din naman kasi ang tatawag sa kanya.
"Nasan ka?"
"Beach."
"Can you give me a more general answer?" Sarkastiko nitong tanong sa kanya. "I'm at the fish and chips restaurant. Kumain ka na?"
"Not yet." Binalik niya ang tingin sa pwesto ni Lucien pero wala na ito doon, she looked around but she can't see him anymore. The nothing feeling became different. It became the voided one, gaya nang dati ngunit sinawalang bahala na lang niya iyon at naglakad na papunta sa restaurant na sinabi ni Zeus. "Pupunta na ako d'yan. Ang bilis mong dumating."
"Nagsasakyan ako. Anong order mo?"
"May iba pa bang choice?" She asked, rhetorically.
"Yep. Okay. Anong ginawa mo?"
Gusto niyang sabihin na nakita niya si Lucien but she decided to just keep it to herself. "Naglakad-lakad lang. Bye, maglalakad na ako."
She ended the line at habang naglalakad papunta sa restaurant ay hindi mapakaling lumilingon sa paligid si Astraea, umaasa na makikita niya ulit si Lucien but she didn't see him anymore. Hanggang sa umuwi na siya at nag-tren ulit kahit na may sasakyang dala si Zeus ay hindi na niya ito muling nakita.
**End of Chapter**
![](https://img.wattpad.com/cover/220956748-288-k645458.jpg)