Third Person POV
Kinuha ni Astraea ang damit mula sa sabitan nito at tumapat sa salamin para tignan kung bagay ito sa kanya, at mula sa repleksyon sa salamin ay palihim niyang sinilip ang tao na kanina pa sumusunod sa kanya.
Nasa mall ngayon si Astraea kasama ang mag-asawa na binayaran nila ni Zeus. It's been three days since she left their mansion, at ilang araw na rin niyang napapansin na may nagmamasid sa kanila. Una niya iyong napansin nang dapat ay aalis na siya sa bahay ng mag-asawa, kaya imbes na dumiretso sa tinutuluyan nila ni Zeus ay muli siyang bumalik sa bahay ng mag-asawa.
Zeus hasn't been home for three days because he's on a stake out with the first one on their list. Dapat ay magpapalitan sila ng pagmamasid dito bawat araw but since Astraea can't go home, tatlong araw na ring hindi pa umuuwi si Zeus. Astraea can only imagine how annoyed Zeus is right now, walang maayos na tulog, walang maayos na kain. She remembers how irritable he gets tuwing hindi ito nakakapagpahinga nang maayos.
Pero hindi naman niya pwedeng takasan si Lucien, she can easily do that anyway, pero hindi niya pwedeng gawin. Makakahalata ito, at hindi sila pwedeng makahalata sa kanya dahil masisira ang plano nila ni Zeus.
Alam naman niya, na kung hindi para sa seguridad niya ay maaring inaalam lang talaga nila ang bawat kilos niya dahil sa pinagdududahan nila siya. Kaduda-duda naman kasi talaga ang pagbabalik niya.
Malamang ay sinabi na ni Hera na si Zeus ang sinabihan niyang magtakas sa kanya.
She took the shirt to the fitting room at imbes na magsukat ay naupo lang siya doon, thinking of ways to get rid of whoever it is that is following her. Hindi niya kasi naaabutan ito, she just knows he's there, pero ni bulto nito ay hindi niya makita, but she once saw him peeking, ngunit nakasuot ito ng cap at mask. ALthough she already has someone in mind on who could it be at iisipin pa lang niya ay sumasakit na ang ulo niya.
"Lucien," She uttered at nakaramdam siya ng paninibago. It's the first time she uttered his name out loud, and she felt weird calling him that. Iba kasi ang nakasanayan niyang tawag dito. She sighed and stood up at lumabas na ng fitting room.
Dumiretso siya sa cashier at binayaran ang damit na kinagulat na lang niya na nasa tatlong libo ang presyo nito.
"It's just a shirt," bulong niya at mabigat ang kamay na naglabas ng pera mula sa wallet niya. She's too pre-occupied that she didn't noticed its price. Kung kasama niya si Zeus ay malamang napagalitan na siya nito, hindi dahil sa mahal ang binili niya kundi dahil distracted siya.
Kinuha niya ang paperbag at nagpasalamat sa kahera at lumabas na ng botique. Napatingin siya sa pangalan ng botique na iyon at napairap sa sarili. It's a well-known brand for being really expensive kaya kahit isang simpleng puting t-shirt lang ang binili niya ay inabot ng ganong presyo.
Nakaramdam siya ng pagkairita sa sarili. She really needs to get rid of the person following her because she's getting distracted, and she can't be distracted. Bumalik siya because she need to finish something that they have been planning for two years, hindi pupwedeng ngayon pa siya masa-sidetrack.