Third Person POV
Kahit nasa mall na ay hindi pa rin nawawala ang pagkairita ni Astraea. She doesn't get herself. Hindi niya rin mawari kung bakit inis na inis din siya kay Lucien. Dahil ba iyon sa pag-ignora sa kanya? O dahil sa pagtawag ni Elara na Lulu sa kanya at sa ayaw daw nitong tinatawag siyang Ares? Hindi niya alam. Ang alam niya lang ay naiirita siya.
She bought a lot of stuff to destress. Ilang bags na ang dala dala niya and then she remembered Lucien, kung kasama niya ito ay wala siyang bubuhatin.
Dahil naisip ulit ang lalaki ay mas lalo lang siyang nagshopping hanggang sa mawala sa isip niya ito. They went shoping for hours, inabot na sila ng closing ng mall and they all forgot to eat.
Hinatid siya ng kaibigan niya sa bahay niya and when she got off from the car ay nakaparada ang sasakyan ni Lucien sa labas ng bahay nila. Inirapan niya iyon at inabot sa mga kasambahay na sumalubong sa kanya ang mga pinamili niya. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay, at dahil madadaanan niya angnsala ay nakota niyang nandon si Lucien.
"What are you doing here?" Mataray niyang tanong sa lalaki.
"Kakain tayo sa turo-turo, 'di ba? Sabi mo gusto mongnitry yung barbecue at isaw."
"I' m not hungry," Pagyayabang pa niya but then her stomach rumble, dahil simula pa lunch ay hindi siya kumakain ay ang lakas mg pagkulo ng tyan niya.
"You are. Rinig ko. Let's go."Inirapan niya ang lalaki pero inunahan din naman niya itong lumabas, naaalala niya kasi ang video na pinanood niya at natakam sa barbecue at isaw.
She went inside the car at ang laki ng ngiti sa mukha ni Lucien nang mapasunod ang babae. He's been frutrated since morning, hindi niya maintindihan ang sarili... Ayaw niyang intindihin ang sarili. He's scared of what he will realized once he will try to understand why he's being like that, dahil sa sitwasyon nila ngayon, masyadong delikado.
Isang oras din ang layo mula sa bahay nila Astraea papunta sa barbecue-han na sinasabi ni Lucien. Yung lugar ay halos isang buong street na puro streetfood lang at biglang napakapit si Astraea sa braso ni Lucien habang naglalakad sila. She's surprised of the crowd.
"Bakit?"
"There are too many people..." Bulong niya, she leaned over to him while speaking, at dahil naka-heels naman siya ay hindi naging problema ang height difference nila.
"It's okay, doon tayo." Turo niya sa may nagbebenta ng barbecue. "Pili ka."
"Barbecue and a hotdog." Sabay takip ng bibig at ilong niya gamit ang kamay dahil sa usok.Saglit na binitawan ni Lucien ang dalaga at kinuha ang panyo sa bulsa niya para ipagamit dito, tapos ay hinawakan lang ito sa pulsuhan bago um-order.
"Gusto mo ng kanin? Masarap 'to sa kanin. At tsaka akala ko, gusto mong subukan ang isaw?"
"Is it good?"
"Subukan mo, para malaman mo."
"Okay, get me one lang."Nilibot ni Astraea ang paningin sa paligid, sobrang dami ng tao and she' s not used to it, hindi sa dami pero sa gulo nito. She's used to formal gatherings, marami ang tao don pero hindi katulad nito na sobrang gulo where everyone is so loud, and has their own world. She's amused and scared of it at the same time kaya grabe na lang ang kapit niya kay Lucien na titig na titig lang sa kanya habang nakikiusisa ito sa ginagawa ng mga tao.
Nang makuntento siya sa pagtitig sa dalaga ay inaya niya itong pumwesto na sa bakanteng upuan. Halata ang pandidiri sa mukha ng dalaga dahil hindi ganon kaaya-aya ang itsura ng upuan at lamesa, hindi naman ito madumi pero dahil luma na ay hindi pa rin magandang tignan.
"Malinis naman 'yan," Lucien assured her at pinaupo.
"Do you have alcohol?"
"Wala. Nasa sasakyan." Hindi na lang hinawakan ni Astraea ang lamesa at hindi sumandal sa upuan.Sandali lang din at dumating na ang binili nila, Lucien paid extra for a plastic spoon and fork, at paper cups. Pati na rin sa mineral water dahil hindi siya sigurado sa tubig na ginagamit nila, siguro ay kakayanin ng tyan niya kung tap water man iyon pero inaalala niya ay si Astraea na baka ngayon nga lang uminom ng mineral water dahil Voss ang madalas na nakikita niyang iniinom nito.
"Sawsaw mo muna sa suka bago mo kainin, para mas masarap."
Si Lucien na mismo ang nagsawsaw ng isaw sa baso na may lamang suka at nagmwestra ng subo kay Astraea. Kinuha ni Astraea ang stick na may isaw at magdadalawang isip kung kakainin ba ito o hindi, sa huli ay kumagat siya ng karampot at dahan dahan na ngumuya para tikman iyon.
"How was it?"
"It feels weird in the mouth, do they clean this?"
"Oo. Normal lang yan. Kamusta?"
"It tastes alright..." And then she took another bite, pero mas marami na kumpara sa una niyang kagat.Lucien could not focus in his food because his full attention is on Astraea, gusto niya sanang kuhaan ito ng litrato habang magana'ng kumakain pero baka mahuli siya ng dalaga kaya nakuntento na lang siya sa panonood nito. Sobra nitong nagustuhan ang pagkain at ito na mismo ang um-order pa para sa sarili, asking money from Lucien dahil nalimutan niyang magdala ng pera.
"Anong in-order mo?"
"I want to try the betamax, I bought one and two more isaw and barbecue ulit. You know what, sira na ang diet ko because of you." Reklamo nito habang sumusubo ng natitira niyang barbecue. "Pero kasi, it's really delicious. Do you think Kuya Zeph will like this? Should I buy one for him?"
"Baka. Pero bukas na lang, late na."
"Hm... Oh! It's here na!" Nagpasalamat siya sa nagdala ng in-order niya at halos sumayaw pa habang kinakain iyon.Pagtapos nilang kumain ay naglakad-lakad sila, gusto raw kasi makita ni Astraea ang lugar at natutuwa siya kasi merong mga maliliit na bentahan ng mga pantali ng buhok, bracelets, singsing. Natuwa siya dahil ang cute at mura raw ng mga binebenta nila at nagpabili pa siya kay Lucien. Para namang may kasamang bata si Lucien dah turo lang nang turo si Astraea ng mga bagay na nakakapukaw sa atensyon niya. They were too comfortabke just walking around habang nakakapit si Astraea sa braso niya, he didn't mind kahit na para siyang kinakabahan.
"You know what, Lucien, we should never fight again. You should never make me tampo again."
"Lucien?" Kunot-noong tanong ng lalaki.
"Huh? Why? You hate it when people call you Ares, right?"
"I don't hate it when you call me by my second name." Kibit niya. Naramdaman niya ang bahagyang paghigpit ng kapit ni Astraea, wondering why she did that.
"Ikaw, ah..." Saad ng babae sa kanya.
"Bakit?"
"Nothing. Basta, we should not fight again. I get frustrated and stress when we fight. I hate it."
"I hate it also."
"Then you should not be masungit to me na."
"Ikaw kasi..."
"What did I do ba?"
Napangiti na lang si Lucien at umiling. "Wala. Oh, sige. Hindi na ako magsusungit."
"Good. Now buy me that fishball, oh."
"Hindi ka pa busog?"
"Nope." Ngiti ng babae at umalis sa kapit sa kanya para tumakbo papunta sa nagbebenta ng fishball.Lucien just smile fondly at sinundan din kaagad ang babae, holding her hand when he finally reach her. Astraea just looked at their interlocked hands and smile widely.