Third Person POV
Maaga pa lang ay nasa tapat na si Lucien ng bahay nila Astraea. Nagtext na siya na nasa labas na sila ni Elara at nagreply naman ito na pababa na rin siya.
"Pansin mo ba, hindi na masyadong mataray si kamahalan?" Tanong ni Elara, at hindi nakalagpas ang pagngiti ni Lucien dahil doon.
"Yeah, mabait naman siya. Maarte pero mabait."
"Kaya nga, eh. Nagkakasundo na kayo." Matabang niyang komento na hindi naman napansin ng binata dahil nakatanaw na ito sa kalalabas lang na si Astraea.Bumaba si Lucien ng sasakyan na may malawak na ngiti sa mukha at pinagmasdan ang dalaga. Maaliwalas ang mukha nito dahil hindi kasi kapal ng normal na makeup niya ang suot, ang buhok din nito ay simpleng nakalugay at kulot lang ang dulo. And she wore something simpler than her usual clothes. Isang simpleng kulay burgundy na longsleeve shirt at kulay pink na pleated na midi skirt ang suot ng dalaga. It was simple, and Lucien find it amusing to see her in such "casual" look lalo na at madalas itong pumasok sa eskwelahan na akala mo'y nasa New York fashion week ang damit.
He can't help but compare it to the way she dress herself yesterday. Mas gusto niya ang itsura nito kahapon, pero iba lang ang tingin ni Lucien sa itsura nito ngayon. Parang may nagbago sa babae sa paningin niya.
"Do I look okay? I'm trying this subtle look lang, eh. Not too grand. I heard kasi na Zeus likes it when girls dress simply."
Parang switch na nagbago ang mood ni Lucien pagkarinig sa pangalan ni Zeus at tinaasan ng kilay ang babae.
"Panget. Hindi bagay sa'yo."
"Really? Hala. Should I change?" Nag-aalalang tanong ng dalaga pero pinagbuksan na siya ng pinto ni Lucien.
"Wag na. Wala naman sa school si Zeus, hindi ka niya makikita. At male-late na tayo."Walang nagawa si Astraea kundi sumakay sa sasakyan pero habang nasa byahe ay maya't maya itong tumitingin sa salamin. Tumigil lang ito sa pag-aayos sa sarili ng bumili sila ng taho na paborito na ngayon ni Astraea.
Astraea couldn't help but be annoyed dahil hindi siya pinapansin ni Lucien at si Elara lang ang kinakausap. Pakiramdam niya ay left out pa rin siya tulad ng dati, at gaya nga noon ay binuro na lang niya ang sarili sa cellphone.
———
@astraeafrias:
I feel so out of place.
Nasa own world na naman sila.
@lucienares hello, make pansin of me. 🙄———
She didn't mind if other people can read her tweets, she just want Lucien to pay attention to her. Pero dahil nagmamaneho, he couldn't read her tagged post kaya hanggang sa dumating sa eskwelahan ay nakanguso ito, which Lucien noticed the whole time he was driving pero sinawalang bahala na lang niya dahil naiinis siya sa hindi niya malamang dahilan.
"Ares, are we still going to the turo-turo after class?"
"Ares?" Tanong ni Elara.
"Yeah. I like his second name."
Elara felt jealous kaya kumapit siya sa braso ni Lucien. "Wow naman, Lulu, second name. Akala ko ayaw mong tinatawag non."
"Ayaw ko nga." Iritable namang sagot ni Lucien na lalong nagpairita kay Astraea.
"You know what, I don't get you. Nevermind na lang the turo-turo." At nagwalkout na si Astraea.Lulu? Isip niya. So childish ah.
Nakanguso siyang pumunta sa classroom niya at kahit tinawag ng mga kaibigan niya ay hindi niya ito pinansin. She went to twitter and blocked Lucien's account. She even blocked his phone number after magtext na wag na siyang ihatid pauwi ng bahay dahil sasabay siya sa kaibigan niya.
Ayaw niya munang makita ito dahil naiirita siya. Hindi niya maintindihan ang lalaki and she also couldn't understand herself why she's that frustrated just because she couldn't read his mind.
"Lulu... Ew. What is he, a little girl? Ew!"
Astraea is in a bad mood the whole day, dapat ay kapag lunch time ay kasabay siya nila Lucien pero sinadya niyang umalis ng klase before the bell rings. The professor wouldn't mind dahil Frias siya.
She's not in the mood to eat dahil ang gusto niyang kainin ay yung turo-turo kaya nagpunta na lang siya sa library to spend her lunch time there. Nagbasa na lang siya ng librong mabubunot niya sa shelf. Pumwesto siya sa pinakatagong cubicle at nagsimulang magbasa.
Dapat ay babasahin niya lang iyon buong lunch time but she ended up being too engaged to the book that she didn't take notice of the time already. Nagulat na lang siya at tinetext na siya ng mga kaklase niya, hinahanap siya dahil aalis na sila.
Pumunta siya sa desk para hiramin ang libro dahil balak niyang ituloy iyon pag-uwi tapos ay pinuntahan na ang mga kaibigan niya.
But just her luck, Lucien was in the parking lot already at pagkakita sa kanya ay namumula ang mukha nito sa galit.
"Where were you?"
"Library. I already texted you, right? I won't make sabay sa iyo. I'm going out with my friends. We're going shopping." Saad niya nang hindi tinitignan ang lalaki.
"I'm going." Pilit ni Lucien.
"No. I'm with my friends." at saka lang tinignan si Lucien na masama rin ang tingin sa kanyaEveryone is looking at them while they're fighting. Parehas na masama ang tingin sa isa't isa. If looks could kill, both of them are probably already dead.
"Ang kulit, Astraea."
"Ang kulit, Astraea." She mocked him. "I'm going."Lucien gave up, kanina pa sumasakit ang ulo niya dahil wala siya sa mood simula pa kaninang umaga, lalo lang ito sumama nang magtext sa kanya si Astraea na aalis ito kasama ang mga kaibigan niya, and it all just became worst when he couldn't find her during lunch. He skipped lunch looking for her around the campus, at nang hindi ito mahanap ay hinintay niya ng dalawang oras ito sa parking lot dahil sigurado siya na pag nag-uwian ay makikita niya ito doon.
Pinanood ni Lucien na umalis ang sasakyan ng kaibigan ni Astraea at hindi niya mapigilang mapamura dahil sa frustration. Elara was just watching everything from afar. Hindi alam ang gagawin. Napahawak siya sa dibdib at pinigilan ang sarili na masaktan.