Chapter 13

376 47 11
                                    

Third Person POV

Mabilis na pumasok si Astraea sa kwarto niya at tumakbo papunta sa balkonahe ng kwarto niya. There she saw Lucien on the way to his car, tumigil din ito at tinanaw ang balkonahe niya, ngumiti sila sa isa't isa.

Sinenyas ni Lucien ang telepono niya tapos ay may tinipa doon, maya maya lang ay nag-ring ang telepono ni Astraea. Tumatawag si Lucien.

"Hello," Hindi maalis ang ngiti na bati ni Astraea.
"Pasok ka na sa loob, malamig na. At late na rin, you should rest."
Tinignan niya ang lalaki. "Okay, drive safely."
"I will."
"Uhm..."
"Hm?"
"Text me when you get home. Bye."

Binaba ni Astraea ang tawag at napahawak sa dibdib niya, at dahil hindi pa siya umaalis sa balkonahe ay natatamaw pa rin siya ni Lucien. Lucien waved goodbye to her and she did the same before he gets in his car and drove home.

Pumasok na siya sa kwarto niya at napasandal na lang sa pinto ng balkonahe niya, she saw all her stuff sa kama pero may dalawang box doon na nakapukaw ng atensyon niya kaya umupo siya sa kama niya at binuksan iyon. Una niyang binuksan ang mas maliit na box, she guessed it would be a shoes base sa laki nito and she's not wrong about it. Isang simpleng itim na may mga makinang na design ang sapatos na iyon, it's last seasons Valentino but it still is beautiful. Meron na siyang ganong design just a different color. Nilapag niya iyon at binuksan naman ang pangalawang box, iang magandang itim na dress iyon. It's beautiful.

Kinuha niya ang cellphone niya para sana itext si Lucien para pasalamatan ito. All the stuff are last season but she liked it so much. Pagkaalis niya ng damit sa box ay may nalaglag na maliit na note doon, and she shouldn't be disappointed, but she was when she read what's written in it.

———
Thank you for allowing me to be your date.
                                                           —Zeus

———

Nilapag niya ang cellphone niya at bumalik sa pagkakaupo sa kama, questioning herself why she's disappointed when she was supposed to be happy because it's from the man she likes.

"Oh no..." She whispered and stared at her cellphone.

———

@astraeafrias tweeted: 😳😳😳

———

Napapitlag si Astraea nang biglang magring ang cellphone niya. It was Lucien who's calling. Hindi niya alam kung sasagutin ba ito, pero sa huli ay sinagot din niya nang muli itong tumawag.

"Hello,"
"You tweeted. You should take a rest."

Kinukutkot niya ang dulo ng damit niya at nakayuko. Her heart's beating so fast and she doesn't know what to say. Kani-kanina lang ay hindi naman siya ganito, but after receiving Zeus' gift for her, it made sense. Why she was irritated earlier, hindi na niya crush si Zeus.

She likes Lucien.

"I'm still fixing all the stuff I bought earlier. I will sleep later na rin." Kagat labi niyang sagot at nahiga sa kama niya. "How about you, you should sleep na rin, you drove all day, eh."
"I can't, I'm thinking about some stuff."
"Stuff like what?" She hugged her pillow and anticipated for his answer.
"All that we did earlier."
"Hm... What about it?"
"Wala naman. Nag-enjoy lang ako."
"Ah..." Wala na siyang masabi pa.

They just stayed silent like that until Astraea fell asleep, nasa kabilang linya lang si Lucien at pinapakinggan ang malalim na paghinga nito; nakatanaw siya sa balkonahe ng kwarto ng dalaga habang hawak hawak ang litrato na natanggap niya mula kay Hera Montecillo.

Mga litrato nila ni Astraea.

"I'm doomed, aren't I?" Tanong niya sa natutulog na dalaga. "Good night, Astraea."

That night, Lucien was not able to sleep. Nakabantay lang ito sa bahay ng babae, wary of the surroundings. He just drank an energy drink to keep himself awake at naghanda na para sunduin ang dalaga.

Sobra siyang hindi mapakali at hindi mapirmi ang tingin sa paligid. Dapat ay susunduin pa niya si Elara pero ayaw niyang mawala sa mata niya ang bahay nila Astraea kaya nagtext na lang ito na sumunod na lang sa eskwelahan.

Paglabas ng dalaga ay parang switch na kumalma ang sistema niya. It surprised him because that was a new feeling for him. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganon sa babae.

Kagabi, habang pauwi siya ay hindi maalis sa mukha niya ang ngiti sa labi. He was so happy than he ever was. Kagabi lang siya nakaramdam ng ganong galak at habang tinitignan ang litrato ni Astraea sa cellphone niya na mga palihim niyang kinunan ay napagtanto niya ang totoo niyang nararamdaman. He likes her. That explains why he's jealous by just a simple mention of Zeus from Astraea, he's starting to like her.

He likes her.

Dapat ay tatawagan niya agad ang dalaga at sasabihin ito sa kanya nang makita niya ang isang puting envelope na nakalagay sa lamesa ng bahay niya, nagtaka siya kung paano iyon napunta at binalot na lang siya ng kaba ng makita niya kung anong laman noon. Mga litrato nila ni Astraea, it was the first time he was ever really worried for someone else. Hindi mapakali ang sistema niya, kaya nang makita niyang nagtweet ang dalaga ay tinawagan niya ito, hoping that it will help in calming him, it did, pero binalot naman siya ng takot.

Everything was going so fast and it's scaring him.

"Ares, are you alright?" Inosenteng tanong ng dalaga sa kanya.

You kept me awake. He wanted to say, but instead he stretch out his hands in which Astraea gladly accepted, and the pull her closer to him, hugging her.

Yumuko siya at binuro ang mukha sa leeg ng dalaga, hindi makakilos si Astraea at nanlaki lang ang mata. Her heart's beating so fast, para ring kinikiliti ang tyan niya at hindi niya makontrol ang mabilis pero malalim niyang paghinga. Her system's in chaos. Nagwawala ang lahat sa kanya.

"Are you alright?"
"Yeah." At lalong hinigpitan ang yakap sa bewang ni Astraea, that made her feel more nervous than she already is.

Getaway CarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon