Chapter 2

543 34 1
                                    

Third Person POV

"Wait, kuya! Turn niyo po there, papunta sa mall."
"Ma'am, hindi po pwede."
"I'll just triple the bayad, just turn there and you can just take another passenger."
"Astraea, kailangan nating umuwi. Sinabihan ako ng kuya mo na iuwi ka kagad."
"It can wait, but my skincare can't. I forgot na paubos na pala ang moisturizer ko. I need to buy a new one."
"Astraea—"

Inangat ni Astraea ang kamay niya sa tapat ng lalaki to make him shut up. Halata ang pagkairita sa mukha ni Lucien, hindi na rin naman kasi niya pinipigilan dahil naiirita na talaga siya sa dalaga.

If it wasn't for tradition, he would have killed her right there and then. Wala na siyang pakielam, besides, they are trained to kill innocent people without remorse. At hindi kaibahan si Astraea doon. But he knows he'll just get in a lot bigger problem if he tries to kill Astraea. He'll jist stick to his plan on annoying her.

Lumabas sila ng sasakyan at iniwan siya ni Trae para magbayad sa pamasahe nila. He immediately followed her and become wary of the surroundings.

Mayaman man ang buong angkan ng Frias at makapangyarihan, hindi pa rin sigurado ang safety ng mga ito, mas lalo pa ngang delikado ang buhay ng mga ito dahil sa kung anong meron sila. At tila may marka ang bawat ulo ng miyembro ng pamilya nila.

There is this thing in underground business called deadpool. And on top of that list are the Frias, and one can only imagine the amount they can get from killing the Frias'. Wala nga lang nagbabanta dahil alam nilang protektado ng Lardizabal ang mga ito. But Lucien still can't be that confident, someone might be stupid enough to try. It happened before, may isang nagtangka na patayin ang panganay na anak ng Frias na si Zepharos, the killer may have failed badly, but it proves that some stupid people will still try to challenge the Lardizabals.

"Trae, don't go too far from me."
"Then walk faster."

Angal pa ng babae at mabilis na naglakad palayo sa kanya. At dahil sa pagmamadali ay natalisod ito mula sa elevation sa dinadaanan niya at natumba. Lucien didn't even bother catching her.

"Why didn't you catch me." Nagkibit si Lucien at tinignan lang ang babae na tumayo. "I sprained my ankle."
"H'wag kang maarte, tumayo ka na d'yan."

Iniwan niya ang babae pero ilang segundo na siyang naglalakad ay wala pa rin ito, he looked behind him and she's finally pulled herself up and is talking to some stranger.

Mabilis na bumalik si Lucien nang makita kung anong nasa kamay ng lalaki na akmang makikipagkamay kay Astraea.

"Trae!" They both looked at him, Lucien smirked and wave his hands, not for Astraea but to show the stranger his tattoo. The Lardizabal signa. Namutla ang lalaki at mabilis pa sa alas-kwatro na tumakbo palayo. "Akala ko ba nagmamadali ka? Bakit kung kani-kanino ka pa nakikipag-usap?"
"Because you left me, and that nice guy helped me get up. And you probably scared him with your panget face that's why he ran away."

At nagsimula na namang magsalita si Astraea, at kagaya kanina ay pinagsawalang bahala na lang niya ang mga sinasabi nito at naging maingat na lang sa paligid.

Gaya nga ng sabi ng babae ay mabilis lang siyang bumili. Tanging ang moisturizer lang na sinabi niya ang binili niya and then they finally went home. Zepharos — Astraea's brother is not there para sabihin ang nangyari sa nagtangka sa buhay ni Astraea kaya umalis na lang siya pabalik sa eskwelahan para balikan ang sasakyan niya, but before that, he texted Lysander about what happened earlier.

Getaway CarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon