Third Person POV
Weekend arrived. Pinapanood na naman ni Lucien si Astraea na mag-yoga sa balcony niya. Nakasuot ito ng sports bra at leggings, kitang kita ang hubog ng katawan nito pero ang buong atensyon ni Lucien ay sa mukha nito. Seryosong seryoso kasi ito habang ginagawa ang routine niya, at kapag nahihirapan ay nagiging iritable ang mukha na kinakatawa na lang ni Lucien.
Napatigil si Astraea sa ginagawa at tumanaw sa baba, sinundan niya ang tinitignan nito, at nakita ang dumadating na si Zeus. Bahagyang sumimangot si Lucien at bumulong.
"Bakit ba laging nand'yan yan? Wala bang opisina yan?" Nakataas ang kilay na sambit niya.
Binalikan ni Lucien ang telescope para tignan ulit si Astraea pero wala na ito sa balcony kaya lumipat siya ng tingin sa mga CCTV, hinintay niyang lumabas ito sa kwarto na hindi rin naman nagtagal. Nakasuot na ng jacket si Astraea at patakbong bumaba.
"Nag-jacket nga, hindi namang zinipper. Ano pang point?" Iritable niyang tanong na narinig ni Elara nanmay dala-dalang pagkain.
"Sinong kausap mo d'yan?"
"Wala," Natigilan si Lara dahil iyon ang unang beses na nagsungit sa kanya si Lucien. Yes, he's sarcastic, pero kahit kailan ay hindi iyon sumagot sa kanya na iritable.Kinuha ni Lucien ang pagkain at nakasimangot na kumain habang nakatingin pa rin sa CCTV. Sinusundan niya kung saan pumupunta si Astraea, sa kusina ito dumiretso nang bumaba at nagtimpla ng kape dahil gumamit ito ng coffee maker tapos ay nilagay iyong dalawang tasa ng kape sa isang tray.
Nilagay pa niya muna sa lamesa ang tray at tinignan ang sarili sa cellphone niya na dahilan kaya napairap si Lucien tapos ay nilagay na nito ang cellphone sa bulsa niya at kinuha ang tray.
Nagpunta ito sa sala kung saan nandon si Zeus at may binabasang papeles, Lucien turn on the audio and listen.
"Hi," Tinignan lang ni Zeus si Astraea at tumango. Nilapag ni Astraea ang tray sa coffee table at naupo sa tabi nito. "I just want to apologize on what I said before. It was insensitive, at nagsalita ako without educating myself first. You were right, hindi nila kasalanan ang situation nila, and I shouldn't say bad things towards them because they were just trying to survive. I know better now."
Titig na titig si Lucien sa monitor, habang si Elara naman ay tinititigan si Lucien at hinintay ang reaksyon nito. Nang haplusin ni Zeus ang ulo ni Astraea at ngumiti dito ay pinagpatuloy lang ni Lucien ang pagkain matapos patayin ang audio nang magkwento na si Astraea kay Zeus.
Elara just smile weakly and ate her food.
Elara and Lucien have always liked each other. Alam naman nila iyon parehas but they both just decided to not talk about it anymore or dwell on it dahil sa pagkakaiba ng gusto nila. Gusto ni Elara ang makawala sa mundo nila, she never liked the sound of guns or the smell of gunpowder, nagkataon lang na pinanganak siya sa pamilya na nabubuhay sa baril at pulbura. Ang plano niya ay kaoag nakatapos ng pag-aaral ay umalis na lang at magpakalayo. Gusto niya ng normal na buhay. Habang si Lucien ay buhay ang mundo nila. He dreams of taking iver their business if ever Lysander wanted to step down. Gusto niyanang thrill ng trabaho nila. Magkaiba sila ng gusto sa buhay kaya minabuti na lang nilang maging tikom sa nararamdaman nila para sa isa't isa dahil wala namang magpapabago sa gusto nila.
Tahimik na si Lucien matapos nilang kumain at bored na bored na sa pagbabantay. Nakatitig lang ito sa monitor at hindi man niya pansin ay bakas ang pagkairita sa mukha niya habang nag-uusap pa rin si Astraea at Zeus.
"Nasan na ba si Zepharos?" Sakto naman ay dumating na si Zepharos at umalis na rin si Zeus at Zepharos papunta sa opisina nito. Halata ang saya sa mukha ni Astraea at mabilis na dinukot ang telepono niya, at maya maya rin ay nagring ang cellphone ni Lucien.
Napatingin si Elara dito, hindi iyon pinansin ni Lucien at hinayaan lang magring, saglit lang din naman ang tinagal non at tumigil rin tapos ay maya maya ay nag-notify na may nagtext sa kanya. Galing kay Astraea.
He picked uo his phone and read it.
———
Kamahalan:
OH MY GOSH. You wouldn't believe what just happen to me, Ares! Like omg.
Call me when you read this. I have kwento!———
Sinimangutan ni Lucien ang phone niya at hindi nagreply kay Astraea.
"Saya ka?" Bulong niya sabay hagis ng phone niya sa lamesa.
Ang daming gustong itanong ni Elara pero pinili na lang niyang manahimik.