Third Person POV
Ang daming binili ni Astraea nung araw na yon, ang akala ni Lucien ay yung dress lang na sinasabi niya pero pagdating nila sa botique na sinasabi nito ay lumabas sila na may dalang apat na paperbag. Bukod pa yun sa anim pa na mula naman sa iba pang shop.
Lucien didn't protest, sumunod lang siya sa dalaga. Medyo na-eenjoy niya rin naman ang pagsunod dito. He rarely goes to the mall, boring kasi iyon para sa kanya. But he's enjoying it right now. Napaisip na lang siya sa normal na buhay na sinasabi ni Elara. Yung buhay na gusto niya at buhay na hindi kayang piliin ni Lucien because he seek adventure so much.
He never find mundane things interesting, ang mag-shopping, kumain sa labas, mag-usap. He would rather stay at home or go to work. Mas nag-eenjoy siya sa mga bagay na yon.
"Do you have anything to buy?" Tanong ni Astraea kay Lucien.
"Wala naman akong gusto..."
"That's impossible. Everyone must like something." Nanlalaki ang mata na saad ni Astraea.Napaisip si Lucien, he's not into material things, he thinks it's shallow to want something like clothes or gadgets. Siguro ay kung baril, he might consider.
Nag-isip si Astraea at muling nagtanong sa kanya." What do you like doing ba?"
Ang daming pumasok sa isip ni Lucien, isa na doon ay ang mga misyon na ginawa niya. He wanted to say all of those to Astraea pero natatakot siya na baka matakot ang babae sa kanya kaya umiling na lang siya.
"Do you like any sport?"
"Is shooting a sport?"
"You mean with the guns?" Saglit na nag-isip siya. "I saw this korean drama na they play it sa olympics pa nga, eh. Maybe it is. And diba ang paintball is a team sports?" Tumango si Lucien. "Bakit, gagawin mo kapag inaya kita?"
"Hm. Does it hurt ba kapag nabaril ka ng paintball?"Hindi alam ni Lucien, he's never been shot by a paintball, pero nabaril na siya ng totoong bala, at in-imagine pa lang niya ay napapangiwi na siya sa sakin.
"Onti."
"Okay. I'll try it. We're friends, 'di ba?" Nakangiting saad ni Astraea, Lucien just stared at her in awe and then immediately look away when she looked at her. "Anyway, are you hungry? Let's eat!"Kumain lang sila sa isang Japanese restaurant, Astraea initiated to pay pero inunahan na siya ni Lucien. At pagtapos non ay hinatid na ni Lucien si Astraea sa kanila. Pagod na pagod ito sa ginawa nila buong araw kaya habang nasa byahe ay nakatulog na ang babae.
Pagkatigil ng sasakyan ay hindi pa muna ginising ni Lucien ang babae at tinitigan lang. He finds her amusing. Maarte pero simple.
"Hindi ka naman pala ganon kaarte." he said fondly while staring tapos ay maya maya rin ay ginising na ito. "We're here."
Ngumiti si Astraea at nag-inat bago bumaba. Tinawag niya ang kasambahay nila para kunin ang mga pinamili niya at pagkaalis ng mga ito ay saka nagpaalam kay Lucien.
"Thank you for today, Ares. Kahit na I'm sure you didn't enjoy kasi we only did shopping."
"Surprisingly, I enjoyed it. You're a good company."
"Hmp. Kahit I'm the only one who did all the talking naman."
"I like listening to you."Nagkatitigan sila pero agad din bumitaw sa isa't isa. Astraea's heart beat so fast so as Lucien's. Napahawak sa batok si Lucien at napailing, si Astraea naman ay pinaglaruan ang dulo ng hoodie niya.
"You should go inside, it's late."
Tinignan siya ni Astraea at lumapit sa kanya, naguluhan si Lucien at nagulat nang tumingkayad si Astraea at hinalikan siya sa pisngi.
Hindi nakagalaw si Lucien hanggang sa umalis na ang dalaga. He stayed in front of their house for an hour bago nawala sa pagkabigla at wala sa sariling nilakad na lang ang distansya ng bahay nila Astraea at ng bahay na tinitirhan niya, leaving his car.
Pagpasok niya sa bahay ay napahawak siya sa pisngi na hinalikan ni Astraea at napangiti.
"Tangina," bulong niya at naupo sa sopa kung saan tanaw niya ang bahay nila Astraea.
Sumilip siya mula sa telescope at tinutok iyon sa kwarto ni Astraea, sakto at nasa labas ito. Nakasandal ito sa railings habang nagcecellphone, nakapangtulog na ito at may suot suot na head band na nakapagpangiti kay Lucien.
He was staring at her nang makatanggap siya ng dalawang notification. Message mula kay Astraea at sa kapatid niya.
Mas nauna niyang binasa ang mensahe ni Astraea.
———
Kamahalan:
Thank you again. For. Today. I really enjoyed it. Let's eat that turo-turo again. Good night!✨Lucien:
No problem. Bukas dalhin kita dun sa mas mura para mas marami kang makain. Haha good night. 😴———
Gustong matawa ni Lucien sa sinabi niya pero sa huli ay pumikit na lang siya para magpigil ng galak. Nang humupa na ang galak sa dibdib niya ay binasa na niya ang mensahe ni Lysander.
———
Lysander:
We have an emergency. Come here as soon as you read this text.———
Hindi na siya nagreply pa at mabilis na tumakbo pabalik sa bahay nila Astraea para kunin ang sasakyan niya at pumunta na sa kompanya nila.
