Chapter 18

365 42 16
                                    

Third Person POV

Tumakbo si Lucien papasok sa bahay nila Elara na kaagad naman niyang nakita, she run towards him and hugged him tightly. He scanned the area, magulo ang buong lugar, there are even drops of blood in some places.


"What happened?"

"Hindi ko alam, kasama ko sila Mama at Papa, we just eat out. Tapos pag-uwi namin, yung bantay sa gate, patay na. Pati mga kasambahay namin. They're all dead." Iyak ni Elara at humigpit ang yakap sa kanya. "Tinignan ni Papa ang CCTV, pero wiped out lahat ng memory nito."


Nakayakap pa rin si Elara kay Lucien habang tinitignan niya ang paligid. Hindi naman na din niya inalis ang babae sa kanya dahil halata na takot pa rin ito, nanlalamig at nanginginig pa rin, at hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.


Dumating ang Tatay ni Elara at kinausap iyon ni Lucien, may malilipatan naman na silang lugar na inaasikaso na ngayon para malagyan ng security, pero para sa ngayong gabi ay wala pa silang matutuluyan kaya nag-offer si Lucien na mag-stay muna sila sa bahay nila, in which they accepted dahil sa oras nito, being with a Lardizabal will be the safest option.


"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Elara habang nagtitipa ito sa cellphone niya. "Tinetext mo si Astraea? Lucien, hindi ba pwedeng ako muna?"


Natigilan si Lucien at binaba ang telepono niya sa coffee table.


"Sorry. You've been crying, gusto mo ng tubig?" Tumango lang si Elara bilang sagot.

Lucien left the sala and went to the kitchen, at habang wala siya ay kinuha niya angc ellphone ni Lucien. Hindi ito naglalagay ng passcode kaya mabilis niya iyong nabuksan, sakto naman ay nasa messages iyon. Nagtext si Astraea, hinahanap siya.


Nakaramdam ng inis si Elara at nagtipa ng isasagot dito.


___

Lucien:

Kasama ko si Elara, may emergency lang.

Astraea:

Really?

The event just ended. Pick me up now, please.

Lucien:

I can't. Elara needs me.

Astraea:

But I thought we'll eat together?

Lucien:

Next time.

___

Nanginginig ang kamay na binura ni Elara ang mga sinagot niya kay Astraea at binalik sa lamesa ang telepono ni Lucien, she sat straight when Lucien came back, holding a glass and a pitcher full of water.


Pinagsalinan siya ni Lucien ng tubig, pero ang atensyon naman nito ay nasa cellphone nito na nasa lamesa, kaya ang ginawa niya ay bigla siyang sumandal sa balikat ni Lucien at pinulupot ang kamay sa braso nito, and Lucien's attention is already on her.

Getaway CarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon