Chapter 35

392 27 0
                                    

Third Person POV


Unti unti ng napupuno ng tao ang buong lugar and Astraea is getting more excited by the minute. Malapit ng magsimula ang event. Nagsasalita na ang emcee sa stage at binibigay ang instructions para sa event para malinaw ang mga mangyayari.


Her eyes is glued to the entrance, anticipating for someone she knows to enter -- marami naman siyang kilala. Karamihan naman ng nandoon ay business partners or acquaintance ng pamilya nila na madalas niya ring makita noon sa mga party na dinadaluhan niya, she even saw some of her friends from college na kagaya niya ay ang laki na rin ng pinagbago sa itsura. The once carefree look on their faces are now gone. They are all smiling but none reached their eyes, halatang peke, halatang pilit. It was all just for the sake of socialization, makikipag-usap ka, makikipag-kamustahan, but none of them really cares about your well-being. May pake lang sila dahil sa apelyido na dinadala mo. Dahil sa kompanya na nasa likod mo.


Astraea gasped when the person she's been anticipating to arrive, entered the venue. Hawak hawak nito ang maskara sa kanang kamay at halata ang pagkairita sa mukha. Napairap pa ito nang may isang babae ang tumakbo palapit sa kanya at lumingkis sa braso niya. Astraea couldn't help but raise her eyebrow.


"Who's that?" Bakas ang talim sa pananlita ni Astraea, and Zeus turn his look at where she is looking. He smiled weakly and lean over to answer her.

"Shanna Saavedra. Keep an eye on her, gustong pabagsakin ng pamilya nila ang Kuya mo."

"As if they can,"sagot niya at nag-iwas na ng tingin kila Lucien nang muling magsalita ang emcee na magsisimula na ang even sa loob ng limang minuto.


Namatay ang ilaw sa buong lugar bukod sa spotlight na nakatutok sa itaas ng malaking staircase sa bandang likod ng venue. Everyone looked at the staircase where the debutante will make her entrance. Napaayos ng upo si Astraea at hinintay ang pag-aanounce sa pangalan nito, and when the emcee did, nagsimulang tumunog ang violin at piano sa isang pamilyar na musika. Lumabas ang debutante, ngumiti at kumaway sa mga pumapalakpak na tao habang nakahawak sa braso ng kanyang ama.


Astraea didn't clap, she just looked around hanggang sa bumalik ang tingin niya sa pwesto nila Lucien at nung Shanna na kasalukayang nakalingkis na parang linta sa lalaki. She clench her jaw and look away, focusing her attention to the event. Nagsimula na ang mga seremonya, ang pagpapakilala ng emcee sa debutante pati sa pamilya nito, pati ang pagbanggit sa pagtanggap dito sa isang prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas at ang pagsasaad na susunod ito sa yapak ng ama, in which Astraea scoff. 


Nagperform pa ang debutante sa umpisa, kumanta ito kasabay ng pagpapatugtog ng piano at nang matapos ay sinimulan na ang eighteen gifts. Paliitan ang regalo, mula sa mamahaling bag, sapatos, plane tickets, hanggang sa susi ng kotse. Walang nagpapatalo sa regalo nila. Napapaisip tuloy si Astraea kung ilang sasakyan ang natanggap nito dahil noong nag-debut siya ay nakatanggap siya ng limang sasakyan, at tatlong condo unit in which she just gave to other people dahil hindi naman siya nagmamaneho noon at walang tiwala ang magulang nila sa condo na binigay sa kaniya; ang pinakanagamit niya lang ay ang mga plane tickets na nakuha niya -- which was also tons of them.


Nang matapos ang eighteen gifts ay ang bills naman, napapirap na lang si Astraea dahil sa laki ng perang naririnig niya, it could feed thousands of family. If only these people will put their money into something more... practical like giving food to straving children, granting education to the less fortunate, or building home for the homeless, nakatulong pa sila. Not that their charities don't help, pero mas maganda siguro kung bukal sa loob at hindi lang para sa convenience kaya sila tumutulong. At may kalakaran ang charity ng mayayaman, kung anong mas nakakaantig sa masa, kung saan sila mas makikilala dahil sa pagdodonate sa ganitong klaseng sitwasyon, they will donate there. Gaya ng isang beses ay nag-aagawan ng orphanage ang mga ito dahil iyon ang sikat, and when it wasn't anymore, they dropped all those orphanage and went to anew one. Iyon ang nangyayari kapag hindi sincere, hindi consistent ang tulong, nagtatapos ang tulong dahil hindi na kailangan.

Getaway CarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon