“My decision is final!” Galit na sambit ni Mommy, sabay bagsak ng dalawa nyang kamay sa ibabaw ng study desk ko.
“P-Pero Mommy! Ayoko!” sagot ko sa kanya. Nangingilid na ang luha sa aking mga mata. “Mommy, please!”
Tumalikod lang sya at naghalukipkip ng mga kamay. Tila ba hindi sya nadala o naantig man lang sa pagmamakaawa ko sa kanya.
“Whether you like it or not, Maria Toni Lim… You will marry my friend’s son!” May diin sa bawat salita nya. Tinignan nya ako ng matalim mula ulo hanggang paa, bago sya lumabas sa kwarto ko. Binagsak nya ang pinto ng malakas na halos mabingi ako.
“I’m doomed.” Sinabi ko sa sarili ko. Wala akong magawa kundi umupo sa kama ko. Itinaas ko ang aking paa at niyakap ang mga ito. Sinubsob ko ang mukha rito at umiyak ng umiyak ng umiyak.
Hindi ko napansin na hapon na pala, ni hindi ako nakakain ng tanghalian. Nakalam na rin ang sikmura ko kaya’t nagdecide ako na bumaba para humanap ng makakain.
Nadatnan ko ang matandang kasambahay naming na si Manang Josie. Umiinom sya ng tubig habang nakaupo sa may kusina.
“Manang Josie! Sila Mommy po?” tanong ko sa kanya.
Lumingon lang sya at nagsabing “Wala sila rito, iha. Umalis sila ni Mam at Sir, may kikitain daw na mga kaibigan.”
“Ah ganun po ba?” Mahina kong sagot. “Salamat po, Manang..” Paalis na sana ako pero biglang kumalam ang sikmura ko. Hindi pa nga pala ako kumakain. Nagugutom na ako.
“Manang, may pagkain na po ba?”
“Oo, iha. Nakaluto na ako ng paborito mong adobo. Halika, ipaghahain na kita.” Malamyos na tugon nya sa akin. Sya lang bukod tangi sa bahay na ito ang pakiramdam kong may malasakit sa akin. Matagal-tagal na rin sya rito. Mula pa noong baby pa ang kapatid kong si Jake, andito na sya. Kung kaya’t malapit sya sa aming magkakapatid, parang lola na talaga namin sya.
Habang kumakain, di ko maiwasang matulala. Tahimik lang akong kumakain at nagbubuntong-hininga.
“Bakit iha, may problema ba?” Pag-aalalang tanong ni Manang Josie.
“Si Mommy po kasi... buo na raw ang loob nyang ipakasal ako sa anak ng kaibigan nya.” Napatango na lang ako at kinagat ang ibabang labi. Nagpipigil ako ng luha at nagbubuntong-hininga.
Marahan nyang hinahagod ang likuran ko para icomfort ako. “Alam mo, iha… kilala naman siguro ng mommy mo ang pamilyang yun. Sigurado akong di papayag ang mommy mo na mapahamak ka.”
Buntong-hininga lang ang sagot ko sa sinabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/221234400-288-k170347.jpg)
BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...