CHAPTER 13

147 5 0
                                        

Hindi pa ako bumangon sa pagkakahiga. Tinitignan ko pa ang mga pictures namin na kuha kahapon. “Hala!” Napatakip ako sa bibig ko. May picture pala kami ni Denny sa marriage booth. Naalala ko hiniram nga pala ni Beth iyon. Medyo natuwa naman ako, medyo lang…. di masyado kaya dali-dali kong ginawang wallpaper ang picture na yun sa cellphone ko.

Nang lumabas na ako sa kwarto, ang ngiti ni Manang Ising ang bumungad sa akin. “Nag-enjoy ka ba kahapon, ineng?”

“Ay opo, Manang. Sobra po. Mababait ang mga kababata nila Beth. Marami rin po kaming napuntahan.”

“Mabuti naman kung ganun. Sige na’t magpalit ka na ng damit mo. Naghihintay na rin sila Beth doon sa labas. Magpupunta raw kayo sa beach ngayon. Ipinaalam ka na nya sa akin.”

Hala, oo nga pala. Mabilis akong bumalik sa kwarto para kumuha ng mga gamit ko. Panigurado maliligo sa dagat kaya nagdala na rin ako ng tuwalya at mga pamalit na damit.

“O andyan na pala si Toni! Kumpleto na tayo!” Sigaw ni Beth, habang kumakaway sa akin.

“Kanina pa ba kayo? Pasensya na ha, di ko kasi alam na maaga pala tayong aalis. Akala ko kasi hapon pa.” Sagot ko sa kanya.

“Hindi, okay lang. Nasa loob pa naman si Denny, may kukunin daw sya. Hinintay ko rin matapos magluto si Tiya Ising para sa baon natin.”

Maya-maya pa’y dumating na si Denny. Ang gwapo nya, shocks! Nakasuot ng puting sando, blue shorts, cap at shades. Di ko maiwasang hindi sya titigan. Lumalambot ang mga tuhod ko. Para akong nalulusaw. Hayyy… Bumalik ako sa ulirat at nagmamadaling sumakay sa multicab. Nagulat akong puno na ng gamit ang likuran at ganon uli… mukhang napagkaisahan na naman nila akong sa tabi ng driver seat.

Habang sa byahe ay nagkakantahan kaming lahat. Ang saya, road trip! Kumakain din ng tsitsirya ang iba. Pero si Denny, tahimik pa rin. Seryoso, eyes on the road talaga. Napangiwi na lang ako at nailagay ang kamay sa baba. “Ang boring naman ng taong to. Paano ko kaya ito mapapaingay?” bulong ko sa sarili ko.

Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang dagat. Ang ganda! Puting buhangin at asul na dagat… very relaxing. Nanlaki ng mga mata ko sa tuwa at di ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko.

Huminto kami sa tapat ng isang may kalakihang bahay. Maaliwalas at gawa sa kahoy ito. Nalaman ko na sa kababata nila ang bahay na iyon. May dalawang kwarto kung kaya magkahiwalay ang mga babae at mga lalaki. Pagkatapos naming maibaba ang mga gamit ay kumain na kami ng pananghalian. Nilagay na rin namin ni Beth sa ref ang mga karne at isdang iihawin namin mamayang gabi.

Pagdating ng bandang alas-tres ng hapon, nagkayayaan ang lahat na maligo. Dahil sabik din ako sa dagat, hindi na ako nagpahuli pa. Ang sarap ng tubig! Hindi maalat. Wala ring mga bato sa ilalim kundi puro pinong mga buhangin lamang. Pumikit ako at tumingala. Nagpasalamat ako sa sandaling iyon. Nagdarasal na sana'y maranasan kong muli iyon.

Umahon na kami ng bandang alas-kwatro dahil lumalakas na ang hampas ng mga alon. Syempre, di mawawala ang picture picture namin. Nag-ready na rin kami para sa bonfire. Nagpulot kami ng mga sanga na sisindihan namin mamaya.

  Nalungkot at namiss ko bigla ang bestfriend ko. Lagi kasi namin itong ginagawa tuwing nagpupunta kami sa beach. “Bakit kaya di sya nagrereply sa mga text ko?” pagtataka ko sa isip ko.

Nag-ihaw na rin kami para may makain kami. Umupo kami sa palibot ng bonfire. Ang saya lang, ang gaan sa pakiramdam. Naglabas ng gitara si Steve at tumugtog ng mga kanta ng Parokya ni Edgar. Maya-maya, bigla na lang tumahimik at naging seryoso ang lahat.

“May dumaan atang anghel.” Pabiro ko sa lahat.

“Toni” Mahinang tawag sa akin ni Beth. “Laro tayo ng truth or dare.” Ngisi nito.

“Okay, game!” masayang sagot ko.

Nilabas ni Beth ang isang maliit na mesa, at doon pinaikot ang bote ng ketsup. Tumapat kay Jad, dare daw ang gusto nya. Pinasayaw sya ng Tala habang kinukunan ng video. Tuwang-tuwa kami kasi game sya kahit na may katigasan ang katawan nya. Next naman si Mina, truth ang gusto nya. Tinanong sya kung crush nya si Aaron. Napahiyaw ang lahat nang tumango sya at nagsabing “Oo, matagal na.” Shocks! Kantsawan at hiyawan ang lahat.

Nang tumapat kay Beth ang bote, dare naman sa kanya…kumanta sya ng Buwan.

"Ang iyong ganda'y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso'y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso't damdamin
Damdamin aking damdamin"

Habang kumakanta si Beth ay palihim akong tumingin kay Denny. Nagulat akong nahuli syang nakatingin din sa akin pero mabilis nyang iniwas ang mata nya. Napayuko na lang ako.

Palakpakan kami nung matapos na kumanta ni Beth. Sa akin naman tumapat ang bote, truth ang pinili ko. Medyo kinakabahan ako at baka anong itanong sa akin ni Beth at ibuko nya ako.

“Anong dahilan bakit ka nagpunta sa probinsya namin?” Nagulat ako kasi si Denny ang nagtanong. Nagulat ang lahat at tumingin sa kanya at sa akin.

Napabuntong-hininga lang ako at nag-ipon ng lakas ng loob bago ibuka ang bibig. “Sa totoo lang, naglayas ako sa amin.” Nakita ko ang reaksyon ng iba, at narinig ang ilan na nagsabi “sabi ko na nga ba.” Itinuloy ko ang kwento ko. “Naglayas ako kasi gusto akong ipakasal ng mommy ko sa isang total stranger. Anak kasi ng kaibigan ni Mommy. Noong medyo bata pa ang Mommy ko, nagpunta sya sa isang probinsya dahil sa work. Unfortunately, they met an accident. May tumulong daw sa kanya na isang babae. Dinala sya sa ospital at pinagamot. Eventually, she became bestfriends with her. But then, she needs to go back home at napagkasunduan nila na ipakakasal ang mga anak nila in the future."

Napatigil ako saglit at huminga ng malalim. "Since ang ate ko ay kasal na, tapos ang sumunod naman sa akin ay lalaki, I have no choice. Ako ang magfu-fulfill nun. Naglayas ako kasi baka, baka lang I need time o kaya space… o baka rin magbago pa isip ng mommy ko sa ginawa ko.”

  Tahimik lang silang nakatingin sa akin habang nakikinig sa kwento ko. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik, naging maluwang ang dibdib ko dahil nailabas ko na rin sa wakas ang sama ng loob ko sa mommy ko.

“Ayaw ko rin kasing ikasal sa lalaking di ko kilala o gusto.” Napayuko ako at kinagat ang labi ko para di ako maiyak.

Tahimik pa rin ang lahat, Niyakap lang ako ni Beth ng mahigpit, sabay sabing “Okay lang yan. At least ngayon, you’re happy.” Sabay ngiti nya sa akin. “Hanggang andito ka, I will make sure that you will be happy.”

Inikot nyang muli ang bote at kay Denny naman tumapat iyon. Pinili nya ang dare. Maloko talaga ang mga bago kong kaibigan. Inutos nila kay Denny na isayaw ako. Potek!

“Ano?!”napalunok at halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.

Akala ko'y tatanggi sya, ngunit nagulat ako ng bigla na lang syang tumayo at inabot ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang tumayo at sumunod sa kanya. Nilagay nya ang mga kamay ko sa kanyang batok, at marahan nyang inilagay ang mga kamay nya sa aking beywang.

Nakarinig ako ng mahinang hagikgikan at pansin kong kinikilig sina Beth at Mina. Ngiting aso na lang ang nagawa ko sa sobrang kahihiyan.

Naglabas muli ng gitara si Steve at tumugtog ng Mabagal. Kumanta rin sina Beth at Mina.

"Gusto kitang isayaw ng mabagal
   Gusto kitang isayaw ng mabagal
   Hawak kamay, pikit mata
   Sumasabay sa musika
   Gusto kitang isayaw ng mabagal

   Heto na
   Ang kantang
   Hinihintay natin
   Eto na ang pagkakataon na
   Sabihin sa'yo
   Ang nararamdaman ng puso ko
   Matagal ko nang gustong sabihin ito"

Eto na naman ako, tulala sa kawalan. Napapangiti dahil ang sweet lang. Magkalapit kami ni Denny, amoy na amoy ko ang pabango nya. Tumingala ako at nakita kong puno ng bituin ang kalangitan. Ngumiti ako't pumikit at muling nagpasalamat sa sandaling iyon. Wala akong naririnig kundi ang pag hampas ng tubig sa dalampasigan. This truly is an unforgettable night for me.

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon