“Best, sigurado ka na ba?” Pag-aalala ni Ana habang inaabot ang backpack ko na pinatago ko sa kanya nung dinala ko sya sa bahay.
“Yes, best…” sabay yakap nang mahigpit sa kanya. “Eto na rin ang cellphone mo. Salamat sa ‘yo, ha?” Namumuo na ang mga luha sa dalawa kong mata.
“Wag ka na kayang tumuloy?” pangungumbinsi nito sa akin habang humihigop ng softdrinks gamit ang straw.
“No, best… I have to. This is my plan, right? Gusto ko lang… gusto ko lang talaga sana sulitin ang buhay ko bago nya ako ipakasal sa isang total stranger. Malay mo rin magbago ang isip nya sa gagawin kong ito.” Napapakagat na lang ako ng labi para pigilan tumulo ang luha.
Tinitignan lang ako ni Ana. Ramdam ko ang pag-aalala nya sa kin.
I tapped her shoulder, at nagsabing “Don’t worry, best. I will be safe. Kilala mo naman ako, di ba? We had soooo many adventures together, so many out-of-towns. Ilang bundok na ba naakyat natin?”
“Iba yun, best. Kasama mo ako roon. What if… what if may mangyaring masama sa iyo? Di kaya ng konsensya ko yun!” Napayuko sya at nakita kong nagpunas sya ng luha.
Tumahimik ako. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha ko. Actually, I am sad and scared at the same time. Pero buo na rin ang isip ko.
“Best, please trust me. I know kaya ko ‘to. I just need space… and some time alone.” Niyakap ko sya and hinahagod ang likuran ng marahan. “I will let you know kung saan ako mapapadpad. Pramis ko sa ‘yo yan!” sabay taas ng kamay na parang nanunumpa.
“Ok, basta tatawag ka ha?”
“Oo naman… ito nga pala yung cellphone ko. Iiwan ko sa iyo, alam kong mattrace ako ni Mommy pag dadalhin ko yan.”
“So paano mo ako tatawagan kung iiwan mo yan?”
“Bumili ako ng 2nd hand na cellphone,” sabay kindat sa kanya. “Eto nga rin pala…” Inaabot ko ang sulat sa kanya mula sa aking bulsa. “Pakibigay na lang ito kay Mommy if worst comes to worst. Inexplain ko na dyan lahat-lahat.”
“Sige, best.” Mahigpit nya akong niyakap at pinisll ang likod ko. “Sige na’t kanina ka pa hinihintay ng taxi.” Sabay tulak nya sa akin.
Sumulyap ako sa kaibigan ko sa huling pagkakataon. Pilit akong ngumiti sa kanya habang kumakaway. Sumakay na ako sa taxi. Magkahalong kaba, takot at di mapaliwanag na saya ang nararamdaman ko. “Woooh! Kaya ko to!” Sigaw ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...