CHAPTER 6

167 5 0
                                        

Inisa-isa kong tingan ang mga nakasulat sa bus. "Batangas, Pampanga, Zambales... saan kaya ako pupunta?" Dahil likas sa akin ang pagiging adventurer, nagmini-mini minimo ako.

Lumapit ako sa counter para bumili ng ticket. Binabasa ko pa rin ang mga destinasyon ng mga bus.

"Saan po kayo, Miss?" napukaw ang pansin ko sa babaeng nasa counter habang nanguya at nagpapalobo ng bubble gum.

Napangiwi na lang ako at nagsabing "Sa Zambales po."

"Saan sa Zambales?" mataray na pag-uusisa nito.

"Ah... sa..." nag-iisip ako, wala akong idea! Buti na lang tinuro ng babae ang listahan sa bandang taas. Andun nakasulat ang mga lugar na daraanan ng bus sa Zambales. "Iba... sige sa Iba na lang po, para maiba naman."

Napatawa ang babae sa sinabi ko. Tinanggap nya ang bayad, sabay abot sa akin ng ticket.

Umakyat ako sa bus na may nakasulat na Zambales. Isa na lang pala ang kulang at aalis na ang bus. Buti at nakahabol pa ako.

Dumiretso ako sa dulo kasi roon na lang ang may bakanteng upuan. Nakiusap akong makipagpalit ng upuan sa katabi ko kasi gusto ko sa may bintana. Pumayag naman ito pero bigla kong naalala, baka may makakita sa akin... so sabi ko, wag na lang.

Kinuha ko ang earphones ko at nilagay sa magkabilang tenga. Pumikit ako habang dinarama ang musika.

Naalimpungatan ako at tinanggal na ang mga earphones. "Naku po! Bakit wala ng ibang pasahero?" Pagtataka ko habang kinukuyos ang mga mata. Lumapit ako sa konduktor ng bus, para magtanong.

"Manong?" sabay tapik dito. Nagulat sya at napaigtad. "Hala, may pasahero pa pala!"

"Manong, Iba na po ba ito?" pag-aalalang tanong ko.
"Naku, iha, lagpas na tayo. Gagarahe na sana kami. Saan ka ba nakaupo at di kita nakita?" Tanong ng konduktor.

"Dun po ako sa dulo nakaupo. Di ko po namalayan na nakatulog na pala ako. Napahiga po ako dun." Sabay turo sa inupuan ko kanina.

"Pasensya na, iha. Medyo may kalayuan na ang Iba. Kung gusto mo, ibababa ka na namin sa kasunod na bayan. Bayan ng Masinloc. Pwede ka naman sumakay ng tricycle pabalik doon kung gusto mo." Maayos na paliwanag nito.

"Oh sige po, salamat po, Manong."

Diskumpyado na ako at napakamot na lang ng ulo. Naku po, paano na ito. Wala akong idea saan na ako napadpad sa kakalayas ko.

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon