CHAPTER 19

139 6 0
                                        

Maaga kami uling umalis para umakyat sa bundok. This time, kinausap ko si Mang Ben na samahan kami. Di ko kayang makitang malungkot si Denny. Ang kapal ko naman para mag-assume ng ganun. Pero wala eh… inassume ko lang na pareho kami ng nararamdaman.

Habang nakatanaw sa labas, nakita ko ang kotse ni Mommy. Nagsabi ako kay Denny na bababa ako sa bayan. Nagulat sya sa akin. Nagdahilan na lang ako na naalala kong may inutos sa akin si Manang Ising sabay tingin kay Mang Ben. Tila naintindihan niya ang pahiwatig ko.

“Wag ka mag-alala, marunong naman ako umuwi. Tinuruan ako ni Manang Ising.” Nakangiti kong paliwanag ko sa kanya.

“Sigurado ka? Sa bagay, di pa naman ito kalayuan sa bahay. Sumakay ka ng tricycle ha… pagkatapos mo gawin ang inuutos sa iyo, para makauwi ka agad.” Habilin nya sa akin.

Ngumiti lang ako ng pilit at pinagmamasdang umalis ang multicab na sinasakyan nila. Kumaway ako sa kanila pero kasabay nun ay ang pag-agos ng luha ko. Tumalikod ako at nagtangkang lumakad palayo.

“Paalam… salamat sa lahat… sorry…”

Pakiramdam ko’y nawalan na ako ng lakas kung kaya’t napaupo na ako habang umiiyak sa kalsada. Alam kong pinagtitinginan na ako ng mga tao… pero di ko talaga mapigilan lalo na’t lumapit na ang kotse ni mommy sa kinaroroonan ko.

Hindi ako nagkamali, si mommy nga ang lulan ng kotseng iyon.

. . .

“Pack up na tayo, Mang Ben. Sure akong naghihintay na sina Manang Ising sa atin.” Pag-aaya ni Denny. “Ay teka,” sabay bunot ng cellphone nya sa bulsa. “Tawagan ko lang si Toni.” Excited syang sinabi iyon.

Napansin ni Mang Ben na kumukunot ang noo nya at nagsalubong ang kilay, kung kaya’t tumalikod ito at nagpatuloy sa pagbubuhat ng mga gamit.

“Naka-off eh, unattended daw po.” Lingon nya kay Mang Ben. “Tawagan ko na lang si Manang Ising.”

“Hello, Manang… andyan na po ba si Toni? Nagpaalam sya sa akin kanina na uuwi dahil may ipinag-uutos ka raw sa kanya.”

“H-ha? Wala sya rito, Denny…” pag-aalalang sagot ni Manang Ising.

“Naku eh, saan kaya iyon napunta? Gabi na. Tinatawagan ko ang cellphone nya, naka-off po eh. Sige po, Manang, Tignan na lang namin sa bayan, baka nahirapan lang sumakay.” Pag-aalala ni Denny.

Mabilis ang patakbo ng sasakyan ni Denny. Sinadya nyang bilisan dahil hahanapin pa nya si Toni… ngunit nabigo ito at nalungkot nang di nya makita. “Maliit lang naman itong bayan, impossibleng di sya makita.” Bulong nya sa kanyang sarili.

Pinisil ni Mang Ben ang balikat ni Denny. “Umuwi na tayo, iho, at baka andun na yun sa bahay.” Tumango na lang sya’t sumunod kay Mang Ben.

Nadatnan nilang tahimik na umiiyak si Manang Ising sa pasimano ng bahay nila.

“Bakit ho, Manang Ising?” Pag-aalala ni Denny.

“Pasensya na anak,” ang sagot nito sabay abot ng sulat kay Denny.

Agad niya itong binuksan at binasa:

Denny,

By the time you read this letter, malayo na ako. Sa totoo lang, malungkot akong aalis dahil di ko kayang magpaalam ng personal sa inyong lahat, lalo na sa iyo. Gusto kong magpasalamat sa kabaitan nyo sa akin. Salamat din sa pagcocomfort sa akin tuwing nalulungkot ako. Lagi ko naalala yung nasa beach tayo. Mukhang mapapadalas ata akong sisigaw pagdating ko ng Manila. Ilalabas ko lahat ng sama ng loob ko… Aasa na mabawasan kahit paano ang dinadala ko. Nadudurog ang puso ko dahil labag man sa kalooban ko'y susundin ko na ang kagustuhan ng mommy ko. Matagal kong pinag-isipan yun. Di man sang-ayon ang puso ko, pero kailangan. Gusto kita, Denny… sana ikaw na lang yung ipakakasal sa akin ng mommy ko. But no, I have to wake up from this dream. Thank you for everything.

-Toni

Natulala lang at tumahimik si Denny sa kanyang nabasa. Pumasok sya sa naging kwarto ni Toni. Malinis at nakaayos na ang lahat, ngunit napansin nya ang parang notebook sa lamesita.

“Maria Toni’s Life Adventures”

Binuklat nya iyon, at nabasa ang mga sinulat ni Toni… mula nung unang araw na dumating sya roon. Nakangiti ngunit malungkot ang kanyang awra. Napansin nya ang isang litrato kung saan sya ay nakatalikod at kausap si Manang Ising. Andun din ang iba pang mga larawan... Sa likod ng bawat larawan ay nakasulat ang memory nya tungkol sa pangyayaring iyon. Ngunit isa lang ang nakatawag ng kanyang pansin, ang masayang mukha ni Toni na may nakasulat na “Lest I forget to be happy...”

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon