Nalimutan ko ang aking cap kaya bumalik ako sa loob ng aking bahay. Paglabas ko'y hinihintay na ako ng lahat. Pupunta kami sa beach nila Andoy, isa pa naming kababata ngunit sa Amerika na nakatira.
Kanina ko pa pansin na hagikgikan ng hagikgikan sa likuran sina Beth at Mina. Bakit kaya? Naiinis na ako. Naiinis ako bakit di ako mapakali at katabi ko si Toni.
Nakakailang.
Di ako sanay sa ganitong pakiramdam.
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa daan.
...
"Tsk! Parang bata." Sambit ko nang makita ko si Toni nagtatampisaw sa dagat. Di ko alam bakit naiinis ako. Tumalikod na lang ako at bumalik sa loob ng bahay.
Niready ko na ang mga iihawin naming isda at karne. Umupo kami palibot sa bonfire at nagsimula na magkantahan.
Di ko mapigilan tumingin kay Toni.
Iba ang ayos nya ngayon. Ang dating laging nakapusod na buhok, ngayon ay nakalugay na tila abot hanggang bewang. Lutang ang ganda nya sa lahat, lalo na ng nakita ko syang nakangiti..
"Naku po!" bulalas ko sabay iwas ng tingin. Nahuli nya akong nakatitig sa kanya.
Naantig ako sa isinawalat nyang kwento. Pareho pala kaming pinagkaisa ng magulang namin na ipakasal sa di namin kilala. Ramdam ko ang paghihinagpis nya sa bawat luhang tumulo sa kanyang mga mata. Ano kayang dapat kong gawin para kahit paano'y sumaya sya?
Muling umikot ang bote at natapat sa akin. Di na ako nagdalawang-isip pang tumayo at sundin ang dare. Marahan kong isinayaw si Toni.
....
Mababaw ang tulog ko. Kahit kaunting kaluskos lang, nagigising na ang diwa ko.
Narinig kong bumukas ang pinto sa kwarto ng mga babae kong kaibigan. Walang pasubali ay bumangon na rin ako. Nakikiramdam. May narinig uli akong pagsara ng pinto kung kaya't tumayo ako para sumilip at nakita ko si Toni na lumabas.
Sinundan ko sya hanggang sa pinto, at tinitignan. Papunta sya sa bonfire at naupo. Matagal. Dahil di rin naman ako makatulog, pinuntahan ko na sya at tinabihan.
Pansin kong nilalamig na sya kaya pinahiram ko muna ang polo ko. Tutal may tshirt naman ako na panloob.
Hindi ko man malaman ang totoong bigat ng kanyang nararamdaman, inaya ko syang tumayo malapit sa dagat at isigaw ang lahat ng saloobin nya.
Tahimik akong nakikinig sa kanyang pagsigaw. Bawat salita nya'y parang malalim na guhit sa aking puso. Pareho kasi kami ng gustong sabihin sa mga nanay namin.
Pero kasalungat sa kanya, di ko magawang magalit o magtampo man lang sa mama ko. Mahal na mahal ko yun eh. Kung anong gusto nya, handa ako na buong pusong susunod.
Sa wakas ay tumahan na rin sya at ngumiti.
Ang tamis ng kanyang ngiti kahit na patuloy na pinunusan ang mga luhang mumunti.
Ngiti lang din ang naging tugon ko sa kanya.
....
Laking gulat ko nang ipakita sa akin ang litrato ng babae na nakatakda ko raw pakasalan. Lalo pang nanlaki ang mata ko sa narinig kong pangalan ---- Maria Toni Lim!
Excited akong nagpaalam sa aking tita at sa kanyang mga kasama para umuwi sa amin.
Dapat malaman ito ni Toni! Masaya ako, sobrang masaya! Alam kong magiging masaya rin sya sa ibabalita ko.
Sa aking paglalakad bago lumabas ng mall, may isang alahas na nakadisplay ang umagaw ng aking pansin. Isang bracelet na may mga palawit na moon and stars. Kahalintulad ng mga buwan at bituin nung gabing isinayaw ko si Toni.
....
Bibilis. Hihinto. Bibilis. Hihinto.
Parang di ko na alam paano magmaneho. Nanginginig ang kamay ko sa manubela. Nanlalambot din ang aking mga tuhod. Napapailing na lang ako.
Ang gusto ko lang ay maibalita kay Toni ang lahat. Ngunit napag-isipan ko na dapat ay humanap muna ako ng tyempo.
Tyempo para umamin.
Tyempo para magpaliwanag.
Tyempo para pormal na hingin ang kamay nya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may pagtatangi rin sya sa akin. Nararamdaman ko yun sa mga titig, ngiti at ikinikilos nya.
Ganun din naman ako. Mas magaling lang ako magtago.
Pagkarating ko sa farm, dali-dali kong binigay kina Manang Ising ang mga pasalubong. Nakita ko syang palabas ng kwarto. Di ko mapigil ang ngiti. Kumakabog ang dibdib ko na tila ba may nagkakarera sa loob nito. Kung kaya, lumabas ako para magpunta kina Beth at mamigay din ng pasalubong.
Maya-maya pa'y nakita ko si Toni sa pasimano. Walang pag-aatubiling isinuot ko ang bracelet sa kanang kamay nya. Bagay na bagay sa aking prinsesa.
Kahit paano'y napangiti ko sya.
....
Nabalitaan ko nagmumukmok pa rin si Toni.
"Tuloy po ang kasal." Matiim kong sinabi sa mga magulang ni Toni. Hindi pa rin nila alam ang totoong nangyari.
Sa loob ng isang buwan, ginugol ko ang oras para maghanda sa surpresa ko sa kanya. At sa wakas, dumating din ang araw na aking pinakahihintay.
Isinama ko sina Mang Ben at Manang Ising, pati na ang buong barkada... alam kong matutuwa sya pag nakita nya ang mga ito. Sadya silang di sumama sa entourage.
Nag-umpisa na tumugtog ang violin, at
nagbukas na pinto ng simbahan. Isa-isang naglakad ang mga kaibigan, kapamilya at magulang ni Toni. Maya-maya pa't kumanta na ang wedding singer..."Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece.."Taas-baba ang dibdib ko at tila ba hinahapo ako sa paghinga. Naalaala ko lahat simula nang una ko sya nakita hanggang sa huli naming pagsasama. Nanlalamig na ang mga kamay ko. Butil butil na rin ang mga pawis ko sa noo at leeg. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman.
"So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight"Halos malaglag ang aking panga nang makita ko na si Toni. Napakaganda nya! Nakaladlad ang kalahati ng buhok nya na kinulot at may mga mumunti pang beads na accessories. Suot ang mala-prinsesa nyang traje de boda, marahan syang naglalakad. Di ko namalayan, bumagsak ang mga luha ko.
What did I do to deserve someone like her?
Napapangisi na lang ako. Siguro may nagawa akong tama kaya nagkaroon ako ng blessing na ganito. Halos sasabog ang puso ko sa magkahalong tuwa at kaba.
Gusto ko sya salubungin, hagkan at yakapin.. pero tila ba akong nasemento sa kinaroroonan ko.
Bago ko kunin ang kanyang kamay, nagmano muna ako sa mommy at daddy nya. Matamis na ngiti at nangingiyak ngiyak na mga mata ang tanging nakita ko sa kanila.
"Please smile." Yan lang ang nasabi ko sa kanya.
"Please smile."
Literal na iyak-tawa kaming dalawa.
Mahigpit kong hinawakan ang kamay nya.
Ngayon, masasabi ko na kumpleto na ang buhay ko dahil nakasama ko na ang babaeng bumuo nito.
**********
Eto na po ang huli. Salamat po sa lahat ng sumuporta!Pa-vote and comment po please.. salamat po 😍😍😍
**********
BINABASA MO ANG
Total Stranger
Fiksi UmumMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...