Maaga kami ulit na umalis ni Denny papunta sa kabundukan para magturo sa mga bata. Kakaibang saya ang nararamdaman ko tuwing nagpupunta kami roon. Very special sa akin. Bukod sa nakakakapagturo ako't nakapagpapasaya ng mga bata, mas marami ang time na kasama ko siya.
Sinusulit ko ang bawat segundo at minuto na kasama ko sya. Tinitigan kong mabuti ang kanyang mukha. Ayaw kong malimutan iyon. I might consider his advice, then babalik ako rito... para makasama ulit sila, siya.
Pagdating ng tanghali ay umuwi na kami. Mayroon pa raw kasing pupuntahan si Denny. Nabanggit nya na bukas pa sya makakauwi. Medyo nalungkot ako sa part na yon. Ibig sabihin, matagal ko syang hindi makikita o makakausap...
Pagkasakay na pagsakay nya sa sasakyan, tinext ko sya agad na "Ingat ka sa byahe mo. See you." Sent. Shocks, pati ako nagugulat sa ginagawa ko.
Bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko. Di ko na mapigilang ipakita ang nararamdaman ko. Di bale na, tutal malapit naman na akong mahanap ni mommy.
Nagkulong ako sa kwarto at inayos ang mga gamit ko. Nagsulat din ako sa journal ko. Ikinuwento ko roon lahat-lahat, mula nung unang araw na dumating ako sa bahay na ito. Idinikit ko ang mga pinaprint kong pictures ---- lahat ng paborito ko, sa barn, nung kapistahan, binding namin sa bonfire,
pag-akyat namin sa bundok. At sa huli, gumawa ako ng liham para kay Denny. Nakakahiya man pero inamin ko sa kanyang gusto ko sya, at sana sya na lang ang pakakasalan ko.
Dumako ang gabi, bigla kaming may narinig na katok sa pintuan. Sa pagkakakala kong si Denny iyon, agad kong binuksan ang pinto. Nagulat akong makita ang dalawang lalaki na suot ang uniporme ng kompanya namin. Alam kong mga tauhan iyon ni mommy. May iniabot silang sulat sa akin, saka umalis.
"Sino yan, ineng?" Pagtatanong ni Manang Ising.
"Ay wala po, nagtatanong lang po ng direksyon." Sagot ko sa kanya at isinara ang pinto. "Umalis na rin po sila."
Nagtungo ako sa kwarto at doon binasa ang sulat. Tama ako, kay mommy nga galing iyon. Sa makalawa, kailangan ko na raw umuwi, gustuhin ko man o hindi. Napasandal ako sa dingding at dahan-dahang napaupo sa kama. Eto na talaga, wala na akong kawala.
Umiyak lang ako buong magdamag. Napansin ni Manang Ising ang mugto kong mga mata. Nakikita kong nag-aalala sya kung kaya't ikinuwento ko ang nangyari. Nagbilin ako na wag sasabihin kahit kanino man, lalo na kay Denny. Iniisip ko pa lang na mawawala ako sa lugar na ito, nalulungkot na ako. I am totally heartbroken.
Kinaumagahan ay dumating na si Denny. He's all smiles na pumunta sa bahay ni Manang Ising, dala ang mga pasalubong nya mula sa Manila. Napaka-malalalahanin nya. Sana sya na lang talaga...
Pagtapos noon ay lumabas na sya, at mamimigay pa raw sya ng pasalubong sa mga kababata nya. Kakaiba ang awra nya ngayon, masigla at masaya. Pero ako, kabaligtaran.
Naiwan akong nakaupo sa pasimano. Nagulat na lang ako nang binulaga ako ni Denny. May nilagay syang bracelet sa kamay ko. "For you." Nakangiting sinabi nya.
"Ah eh, salamat. Dapat di ka na nag-abala pa." masaya kong hinihimas ang bracelet na isinuot nya sa akin. "Sige, Toni, uwi muna ko sa amin." Paalam nya sa akin. Kinawayan ko lang sya.
Unti-unting nagdilim ang mukha ko nang matanaw kong muli ang mga tauhan ni Mommy. Nanlaki ang mata ko't dali-daling nagpunta sa kwarto para sumulat, "Mommy, please not now. Tomorrow like what you want. I just need to say my goodbyes."
Iniabot ko sa mga tauhan nya at saka sila umalis.
Nakatingin sa akin sina Manang Ising at Mang Ben. Alam na nila kung sino ang mga iyon. Yumakap lang ako ng mahigpit sa kanila at nagpasalamat sa lahat ng kabaitan at pagmamahal na iponaramdam nila. Nagsabi rin akong babalik doon kung may pagkakataon. KUNG.
"Paano si Denny?" tanong ni Manong Ben. Siniko sya sa tagiliran ni Manang Ising. Napayuko lang ako't nagpipigil ng luha.
"Paano na nga ba si Denny?"

BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...