My wedding day. Ang araw na ayaw kong dumating. Well at least, ang bouquet ko ay favorite flowers ko --- pink tulips with small, white baby's breath. Yun lang ang tanging consolation ko.
Maaga pa lang ay inayusan na ko ng buhok at nilagyan ng makeup. Picture rito, picture roon…. Pero di ko feel.
“Wow, fierce ang peg ni madam!” comment ng isang photographer.
Pinasuot na rin sa akin ang wedding gown ko, pero never ko tinanggal ang bracelet na bigay sa akin ni Denny.
Yes, until now, even after a month, sya pa rin ang nasa isip ko. Iimagine ko na lang na sya ang pakakasalan ko today.
And so we went to the church. Bumaba ako sa bridal car at inayos ang veil ko.
“Ang ganda mo, ate!” napasigaw ang kapatid kong si Jake habang nagniningning ang mga mata. “Napakaganda mo!”
“Tsk! Tumigil ka na nga Jake sa kabibiro mo sa akin.” Inis kong sagot sa kanya. This is all for the show. Magpapa-annul din ako agad. Paulit-ulit kong sinasabi yun sa sarili ko.
“Mas maganda ka kapag ngingiti ka” panunukso ng daddy ko sa akin.
“Dad, ikaw din?!” pinanlakihan ko sya ng mata. Natawa lang si Daddy sa ginawa ko.
Inayos ni mommy ang train ng wedding gown ko, at niyakap ako. “You are so beautiful, anak… so beautiful.” Sinabi nya yun habang nagpapahid ng luha. Napakagat na lang ako ng labi, at napayuko.
“Best! Best!” Sigaw ni Ana habang hinahawi ang mga tao sa harapan nya. “I saw your groom. Grabe! Napakagwapo! Di ka magsisisi, promise ko sa iyo yan.” Excited at kinikilig na ikinukwento ni Ana.
“Shhh… shhh… ikaw na lang kaya ikasal dun?” bulong ko sa kanya.
“Sure ka, best? Game ako dyan!” Sagot nya sa akin.
Napailing na lang ako sa behavior ng bestfriend ko. Curious tuloy ako anong itsura ng groom. “Mrs. Maria Toni Dimaculangan” Naku po, kinilabutan ako!
“Places everyone!” Sigaw ng wedding coordinator habang inaayos nya ang entourage sa labas ng simbahan.
Magkahalong kaba, takot at pagkasuya ang nararamdaman ko ngayon. Kung tumakbo na lang kaya ako? Runaway bride lang? Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Pagbukas ng pinto ay nagpalakpakan silang lahat. Sinisipat ko kung makikita ko ang itsura ng groom, pero di ko makita dahil malayo-layo ang aisle papuntang altar. Pumikit na lang ako’t dahan dahang naglakad. Kinakagat ko ang labi ko para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Ganun pala yun ano? Kahit di mo gusto, basta ikakasal ka, kakabahan ka pa rin.
Nahinto lang ako nang hinawakan na ako ni Daddy sa braso. Dinilat ko na ang mga mata ko pero yumuko ako. Ramdam ni mommy ang pagtutol ko sa kasal, pero I can see she’s very happy.
Nung makita ko na na malapit na ako sa altar, huminto ako at di gumagalaw. Pilit hinahatak ni Daddy ang kamay ko at iniabot sa groom. Di pa rin ako lumilingon bilang pagprotesta ko sa mga magulang ko.
Nakapikit pa rin ako ngunit napaigtad ako nang naramdaman ko na lumapit ang groom sa akin. Naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa tenga ko habang bumubulong na “Please smile.”
Noong una ay di ko naintindihan ang sinabi nya kaya nagkunot ako ng ulo. Inulit nya uli, “Please smile” Familiar ang boses na iyon, ang amoy… kaya dumilat ako at napatingin sa groom. Grabe! Ang laking gulat ko’t napanganga ako… si Denny!
Teka, teka, teka, Kinusot ko ang mga mata ko, Baka namamalik-mata lang ako. Totoo bang si Denny ito o dahil lang sa kaka-imagine ko sa kanya?
Ngumiti sya sa akin at pinunasan ang mga luhang pumapatak sa king mga mata. “Di ba, sinabi ko sa iyo na I will be waiting for you? Here am I, literally waiting for you as you walk down the aisle.” buong lambing nyang hawak sa aking mga pisngi.
Niyakap ko sya ng mahigpit at umiyak ng umiyak. This time, literally tears of joy. I am confused and bewildered at the same time. “Paano nangyari?” ang tanong ko sa kanya.
Nakangisi lang syang sumagot, “I am Gaudencio Dimaculangan.”
Napanganga lang ako at napatakip ng bibig. Naalala ko yung time na sinabi kong mabantot ang pangalan nya. Nahiya talaga ako ng sobra.
“I know you are as surprised as I am. Iexplain ko mamaya.” Sinabi nya sa akin habang hinawakan ang aking kamay. Nakita kong tinignan nya ang bracelet na binigay nya sa akin na suot-suot ko.
Lumingon ako sa kinaroonan ng mga magulang ko. I can see they’re shocked as well. Siguro nagtataka sila kung bakit ko niyakap ang groom ko.
“At ngayon ay uumpisahan na po natin ang kasal…”
I am all smiles during the entire wedding ceremony. Napalitan ang takot at kaba ko ng nag-uumapaw na kasiyahan sa puso ko.
“You may now kiss the bride…” at buong pagmamahal kaming naghalikan sa unang pagkakataon.
Sobra rin akong natuwa ng makita ko sina Manang Ising, Mang Ben, Beth at iba pang bago kong kaibigan. Niyakap ko sila isa-isa at pinasalamatan.
Hinawakan ako sa beywang ni Denny at inilapit sa kanya. “Magpapa-annul ka pa ba?” pabulong na tanong at panunukso nya sa akin. Umiling ako, at nagsabing “Hindi, never!” Napangiti sya sa aking tugon, at hinalikan ang kamay kong hawak-hawak nya.

BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...