CHAPTER 16

131 5 1
                                    

Alas-kwarto pa lang ay nagising na ako at naligo. Niready ko na ang mga gamit na dadalhin namin. Nagluto na rin ako ng almusal at meryenda na babaunin namin. Pag patak ng alas-kwarto y media, nakita ko na sya sa labas. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa.



"O, bakit ganyan ang suot mo?" tanong nya sa akin.



Nagtataka lang akong tumingin sa kanya. Bakit kaya, ano kayang problema sa suot ko? Tshirt at pants naman ito.



"Sandali, dyan ka lang. May kukunin lang ako." Sabay talikod nya pabalik ng bahay nila.



Pag labas nya ay may dala na syang jacket at iniabot sa akin. "Ayan, isuot mo. Lalamigin ka na naman."



Aba, ako'y kinilig ng bongga sa sinabi nya! Inaalala nya pala ako. Napayuko na lang ako't nagpasalamat. Sinuot ko ang jacket nya habang nilalagay nya ang mga gamit na dadalhin namin sa likuran ng sasakyan. Doon ako uli naupo sa harapan.



Pagkasakay ko ay ngumuso sya. "Ha?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Akala ko ay nagpapakiss, tinuturo lang pala ang seatbelt. Magseatbelt na raw ako.



Banayad sya magpatakbo ng sasakyan. Ako nama'y nakatingin lang sa labas, pinagmamasdan ang mga nagtataasan puno. I am trying to break the silence, so I asked him "Kumain ka na ba?"



"Hindi, uminom lang ako ng mainit na tsokolate."



"Hala, bakit? Dapat sinabi mo para pinakain muna kita." Kumunot ang noo ko sa sagot nya. "Ay teka, may hinanda nga pala akong sandwich. Eto oh." Inabot ko sa kanya ang isang sandwich. Nilagay na lang nya sa dashboard, sabay sabing "mamaya na, still driving."



At dahil di naman na ako naiilang sa kanya, kinuha ko ang sandwich at binuksan. Tinapat ko sa bibig nya, "Oh ayan, kain ka na." Tinignan lang nya ako bago sya kumagat.



Pagkatapos nyang maubos ang sandwich, binigyan ko naman sya ng tubig. Inalok ko na rin sya ng nilagang itlog. Tinanggihan nya dahil nabusog na raw sya.



Binalik ko ang lalagyan ng tubig sa gilid ko, at muling dumungaw sa labas.



"Ikaw ba? Di ka kakain?" tanong nya sa akin.



"Tapos na po, kamahalan." Sagot ko sa kanya. Ewan ko ba't parang nasasanay na akong tawagin syang ganun. Para kasi syang hari dun sa napanuod kong Korean Drama... Gwapo nga pero suplado.... pero mabait naman.



Unti-unting lumiliwanag ang paligid. Itinuro nya sa akin yung side kung saan sumikat ang araw. Ang ganda! Kitang-kita ang bukang liwayway sa gilid ng kabundukan. Kinuha ko agad ang cellphone ko at pinicturan ang tanawing iyon.



Maya-maya pa ay pataas na ang kalsadang binabaybay namin. Itinuro naman sya sa akin ang mga unggoy sa mga puno. Nakakatuwa naman! Para akong bata na first time nakapuntang zoo.



Ilang metro lang ay nakarating na rin kami sa isang payak na pamayanan. Sinalubong kami ng mga bata, kilala sya ng lahat... at tila bang madalas magpunta roon si Denny.



"Mga bata, may kasama ako ngayon... si ate Toni" sabay turo sa akin. Kumaway akong nakangiti sa kanila. "Isa sya sa magtuturo sa inyo ngayong araw."



"Yehey!" sabay sabay na hiyaw ng mga bata.



Sinamahan ako ni Denny sa isang kubo na may nakaayos na mga upuan at isang lamesa sa harap. Doon daw ako magtuturo, Kahit ano raw, pwede kong ituro. Dahil mga bata pa sila, naisip kong turuan sila ng kantang pambata gaya ng Sampung Mga Daliri, Ako ay may Lobo at Twinkle, Twinkle Little Star. Nagustuhan yun ng mga bata kaya pinaulit ulit nila yun sa akin.



Natuwa ako kasi madali silang matuto at kitang-kita ko sa mga mata nila ay puno ng kasiyahan. Nagsabi ako sa mga bata na kailangan namin munang magpahinga kahit mga limang minuto lang. Kumuha ako ng tissue at isa-isa ko silang pinunasan ng pawis. Tinuruan ko sila na dapat di sila nagpapatuyo ng pawis dahil magkakasakit sila. Laking gulat ko ng may panyong iniabot sa akin si Denny. Ngumuso sya at nakatingin sa pawis ko sa noo. Ngumiti akong tinanggap iyon at nagpunas na rin ng pawis. Inabutan din nya ako ng tubig. Ang sarap! Ewan ko ba't parang iba ang lasa ng tubig ngayon... napakasarap.



Pagdating ng hapon ay naghahanda na kaming umuwi. Natunaw ang puso ko ng niyakap ako ng mga bata habang nagpapasalamat. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-groupie kami. Remembrance ko sa isa na namang unforgettable experience.



Pauwi na sana kami nang bigla akong kalabitin ng isang bata. "Ate Toni, pahiram po ng cellphone mo. Picturan ko kayo ni Kuya Denny" Nanlaki ang mata ko, "H-ha?" nagulat ako sa sinabi ng bata. Ngunit mas nagulat ako nang iniabot ni Denny ang cellphone nya at yun ang ginamit na pagkuha ng litrato namin.

Magkatabi kami sa litrato at naamoy ko na naman ang pabango nya. Nakakaakit, nakakahalina. Nagulat din ako ng bigla nya akong inakbayan at nilapit pa sa kanya.

Click. Image saved.


Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon