DENNY'S POV pt 1

139 8 5
                                    

4 text messages, 8 missed calls.

Yan ang bumungad sa akin nang buksan ko ang cellphone ko.

"Si Manang Ising." mahinang sabi ko.

Dali-dali kong binuksan ang messages nya:

"Denny, anak, saan na kayo?"

"Matagal pa ba kayo dyan?"

"Ang baka malapit na manganak!"

"Si Toni na raw ang bahala."

Napakunot ako ng noo nang mabasa ang huling mensahe. Di na ako nakapagreply dahil malapit na kami. Isang liko na lang, makakarating na kami sa farm.

"Ano bang alam nya?" Inis na tanong ko.

Napahinto ako sa pinto ng barn habang naghahabol ng hininga. Mula kasi sa tapat ng bahay nila Manang Ising ay tinakbo ko na patungo rito.

Pakiwari ko'y tumigil ng ilang sandali ang mundo nang masaksihan ko si Toni. Sino nga bang mag-aakala na mayroon pang babae na tulad nya? Taga-Maynila pero walang arte. Hindi nandidiri o natatakot man lang.

Seryoso syang nakaabang ang mga kamay para saluhin ang bagong panganak na guya. Kitang kita ko ang pag-aalinlangan o pag-aalala sa kanyang mata, pero nakaya nya!

Mabilis na lakad ang ginawa namin ni Mang Ben na halos ay madapa na ako sa kinaroroonan ng inahing baka.

"Kami na ang bahala rito."

Isang sulyap sa katabi ko't napansin kong tulala sya. Siguro ay dahil sa first time nyang makapagpanganak ng baka.

.....

Araw ng Pista

Di ko mawari kung bakit tuwing darating ang araw na ito ay nais kong mapag-isa. Maaga pa lang ay nagpunta na ako sa barn para icheck ang inahing baka at ang guya. Balak ko sanang maghapon na lang maglagi rito.

Maya-maya'y tinawag ako ni Toni.

Malambing ang pagtawag nya kung kaya't ako'y napangiti. Hinaplos ko ng marahan ang ulo ng aking mga alagang baka, saka tumayo para lumabas at makihalubilo sa mga bisita.

Para syang estatwa sa bandang pintuan ng barn. Paglingon ko pa'y nahuli kong tila'y nagulat sya. Napaatras at naout balance pa.

Pagkarating ko sa bakuran ay naroon na ang mga kababata ko at ilan sa mga malalayong kamag-anak namin.

Bigla kong naalala si Mama sa unang beses na matikman ko ang adobong manok na may halong atay at balun-balunan sa hapag-kainan. Palagi kasi nya itong niluluto noon. Parehong timpla na magkasundo ang asim at tamis. Ninanamnam ko ang bawat pagsubo ko rito.

"Ang sarap po ng adobo nyo, Manang Ising!" Nakangiti kong sinabi sa kanya.

"Si Toni ang nagluto nyan, anak" sabay turo rito. Nakita ko syang masayang kumaway. Tumango lang ako.

Nagkayayaan ang mga kababata ko na magpunta sa bayan para mag-ikot at laro sa perya. Tulad ng dati nung maliliit pa kami.

Humiwalay kaming mga lalaki sa kaibigan naming mga babae. Nanunuod sila sa palo sebo at agawang baboy.

Nalilibang ako sa panunuod ng mga taong umpukan at nagkakatuwaan sa larong Sa Pula, sa Puti at Color Game. Pinanunuod ko rin na masayang naghahagis ng mga barya sina Jad, Aaron at Steve para makuha ang jackpot na isang malaking balot ng iba't ibang tsitsirya.

"Denny, punta na kayo rito..sa may tent. -Beth" text message nya sa akin gamit ang ibang numero. Inaya ko na papunta roon ang mga kaibigan ko.

Anak ng pitumpu't pitong puting pating naman o! Marriage booth pala ito. Tsk tsk tsk.

*************
Salamat po sa mga tumangkilik at sumubaybay sa gawa ko. I really appreciate it. 😍

Kung di po kalabisan, please vote and leave comments..para mas mapabuti ko pa. ❤
**************

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon