Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mga mata. Agad akong bumangon at nagsinop ng pinaghigaan. Nagsuklay ako at inayos ko ang aking damit saka lumabas ng kwarto.
“Magandang umaga po, Manang Ising.” Masaya kong bati sa kanya.
“Gising ka na pala, ineng..halika at kumain ka na ng almusal.” Pag-aaya nya sa akin.
“Salamat po, Manang…” Tumingin ako sa paligid. “Si Mang Ben po?”
“Ah umalis na, pupunta raw sila ngayon sa munisipyo.” Sagot sa akin ni Manang Ising.
Tumango lang ako. Naalala ko na kagawad nya pala si Mang Ben. Sininop ko ang mga pinagkainan, at nag-offer na maghugas ng pinggan. Ngunit di ako pinayagan ni Manang ising.
“Toni, ineng, saan ba sa Iba nakatira ang kaibigan mo? May mga kamag-anak ako roon at madalas din nagpupunta… baka kilala ko ang pamilya nila.”
Napakamot lang ako ng ulo, at napangiwi. “Ah eh…” wala akong maisagot sa kanya.
Tinitigan nya ako ng pagkatagal na para bang sinusuri.
“Ineng, magtapat ka. Totoo bang may kaibigan ka roon?” Malambing na tanong ni Manang Ising.
Napayuko lang ako, tumahimik at nangalung-baba. Hinawakan nya ako sa balikat, at nagsabing “Sabi na nga ba…” Napabuntong-hininga sya.. “Di ko alam ang dahilan kung bakit ka naglayas, pero alam mo bang mali iyon? Maaaring nag-aalala na sa iyo ang mga magulang mo. Panigurado ay hinahanap ka na nila.”
Napakagat na lang ako ng labi dahil pinipigilan kong umiyak. Naalala ko talaga si Manang Josie sa kanya…. The way she talks and advices me. Para bang nakahanap ako ng kakampi, so nag-open up ako sa kanya.
“Ang mommy ko po kasi… gusto nya ako… ipakasal sa taong di ko pa nakikita o nakakasama ng personal... Pangalan lang po… ang alam ko.” Pautal-utal na kwento ko sa kanya.
Tinapik nya ako sa balikat at pinayuhan. “Alam mo, ang nanay mo ang nakakaalam higit sa lahat kung ano ang makabubuti sa iyo.”
“Alam ko naman po iyon, Manang Ising… pero po kasi, buong buhay ko, sya na ang nagdedesisyon. Gustong-gusto ko po maging beterinaryo, pero pinakuha nya ako ng Business Ad para raw po may alam ako sa negosyo. Gusto nya kasing pumasok ako sa konpanya nila ni Daddy. Ngayon naman po, gusto nya akong ipakasal sa isang estranghero?” Tuluy-tuloy na kwento ko. Di ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
“Naintindihan kita, ineng. Pero anong balak mo?”
“Kaunting panahon lang naman po… gusto ko lang sulitin ang buhay dalaga ko, bago ako ikulong sa buhay may-asawa. O baka naman po, magbago pa isip ng mommy ko sa ginawa kong ito.” Paliwanag ko sa kanya.
“Hanggang kailan?” tanong nya sa akin.
“Kahit isang buwan lang po, at uuwi na ako sa amin.” Sagot ko sa kanya.
“Oh sige, ganito ineng… kung gusto mo ay sumama ka sa akin. Ipapasok kita sa pinagta-trabahuan ko para malibang ka naman. Dun kina Denny.” Sabay turo sa di kalayuang bahay. “Ako ang tagapamahala roon, at ngayon ay kailangan ko ng tulong dahil nalalapit na ang kapistahan dito.”
Nagliwanag ang aking mukha sa sinabi nyang iyon. “Sige po, Manang! Maraming salamat po.” Sa sobrang galak ay nayakap ko sya.

BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...