"Toni, this is your new driver/bodyguard, Mang Jun" Turo ni mommy sa katabi nyang lalaki na di naman katandaan. Siguro nasa late 30s or early 40s din sya.
"Mommy, is this necessary?" Painis kong tanong sa kanya.
"YES!" Malakas nyang sagot sa akin. "Baka kasi maisipan mong tumakas eh. Mahirap na. I know you." Dagdag pa nya.
Ugh! Nafufrustrate na ako! Di ako makakagalaw nito. Paano na ang plano ko?
Uwian na namin pero ayaw ko pang lumabas ng campus. Alam kong naghihintay na sa labas si Mang Jun.
"Hoy!" sigaw ni Ana.
"Ay anak ka ng tatay mo!" Pagulat na sagot ko sa kanya.
"Anak talaga ako ng tatay ko, haha! Ano ba? Ako, kanina pa ko nahihilo sa kakalakad mo ha... di na ako natutuwa sa iyo." Sabay halukipkip nya sa kanyang mga kamay.
"Nakakainis kasi!" Sagot ko habang nakanguso.
"Halata nga.... Bakit na naman?" Sabay ikot ng mga mata nya.
Umupo kami sa bench, sa ilalim ng puno. "Si mommy kasi... binigyan ako ng bodyguard!" tinignan ko sya... "para di raw ako makatakas."
"Oh eh di ba, tama ako? Kahit ano pa ang gawin mo, advance mag-isip si Tita. At di ba sabi mo you can 'outsmart' her sa plano mo... so paano?"
Hinawakan ko ang kamay nya at sinabing, "With that, I need your help, best. You have to come with me sa bahay." I looked straight into her eyes para malaman nyang seryoso ako.
"Ah teka lang, baka ako naman ang mapagalitan ni Tita dyan." Umiling lang sya. Alam kong ayaw nya at di sang-ayon sa sinabi ko.Lumuhod ako sa harap nya, at sya'y nagulat. "Please, best?" Pagmamakaawa ko sa kanya. "Gusto ko lang maramdaman even just this once na... na ako pa rin ang may hawak ng buhay ko."
Nagbuntong-hininga si Ana, at pinatayo nya ako sa pagkakaluhod ko. "Oh well, what can I do? Alam mong takot ako kay Tita, pero... pero di ko naman kayang tanggihan ang bestfriend ko."
"YES!!!" Halos mapatalon ako sa saya. Niyakap ko sya ng mahigpit, at sinabing "Salamat, best! I owe you this!"
BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...