Ang ganda ng bahay! Bungaloo style, maaliwalas at presko. Magkahalong modern at contemporary ang style. Di ko maiwasang hindi napabuka ang bibig sa sobrang amazement.
"Dyan ka lang muna, Ineng. Kausapin ko lang si Denny." Tumango lang ako at tinignan kung saan patungo si Manang Ising.
Maya-maya pa'y lumabas na sya at nakangiti. "Pumayag na si Denny. "
Tumulong ako kay Manang Ising sa mga gawaing bahay. Linis dito, linis doon. Di naman masyadong marumi kaya walis-walis lang ang ginawa ko.
"Ineng, halika... nabanggit mo kanina na gusto mo maging beterinaryo, hindi ba?" Tumango lang ako sa tanong nya. "May mga baka si Denny, doon ka na muna. Pakainin mo sila."
Nanlaki ang mata ko at napangiti dahil gusto ko talaga ang mga hayop. "Sige po, Manang."
"Hello sa inyo!" sambit ko habang kumakaway sa mga baka. "Ako nga pala si Toni. Pakakainin ko na kayo ha? Mabait naman ako..." Isa-isa ko silang hinawakan sa mukha at pagkatapos ay naglalagay ng mga dayami sa lalagyan ng pagkain nila. Nakakatuwa! Ang lulusog nila, halatang alagang-alaga sila. Sa may bandang dulo ay napansin kong, buntis pala ang baka. At sa tantsa ko ay malapit na itong manganak. Hinaplos ko ang mukha ng buntis na baka at sinabing "wag ka mag-alala, tutulungan kita."
Napansin kong may tao sa pintuan dahil sa anino. Napalingon ako, at nakita ang isang lalaking naka-white tshirt at maong na pants. Di ko masyadong nakita ang mukha nya dahil nakatayo sya against the light. Ngunit, napansin kong matipuno ang kanyang pangagatawan. Saglit lang sya, parang sumilip lang at saka umalis.
Hapon na nang umuwi kami ni Manang Ising. Bago yun ay nakita ko syang kinausap ang lalaking nakita ko kanina. Kaso di ko pa rin nakikita ang itsura nya kasi this time, nakatalikod naman sya. Kinuha kong mabilis ang cellphone sa bulsa ko at pinicturan sila.
Mabilis kong tinago ang cellphone ko habang papalapit na sa akin si Manang Ising. Tumakbo ako papunta sa kanya para tignan sana ang mukha ng kausap nya. Pero di ko nakita dahil pumasok ito agad sa kanyang bahay. Siguro ay nahalata ako ni Manang Ising, kung kaya ay kinalabit nya ako. "Si Denny yun. Sya ang may-ari ng bahay at nitong farm."
Napabuka ang aking bibig. "Ah sya po ba."
Ngumisi si Manang Ising habang nakatingin sa akin. Tinanong ko sya kung bakit. "Ah wala, natawa lang ako sa ikinuwento ni Denny."
"Ano po yun, Manang?"
"Nahuli ka raw nyang kinakausap mo ang mga baka nya."
Naramdaman kong uminit ang aking mga pisngi, Nahiya naman ako, Ibig sabihin matagal na pala syang naroon sa may pintuan, di ko lang napansin.
Nacurious tuloy ako lalo kung ano ang itsura ni Denny. Sa tindig nya at porma ng katawan, masasabi kong may itsura sya. Pero I can only imagine. "Ay teka! Nakalimutan kong mag-update kay Ana." Kinuha ko ang cellphone at nagsimulang magcompose ng message. Ikinuwento ko sa kanya lahat-lahat.
Ilang oras na ang lumipas pero wala pa ring reply si Ana, siguro ay busy pa sya o di kaya'y tulog na. Bukas na lang uli.

BINABASA MO ANG
Total Stranger
Ficción GeneralMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...