CHAPTER 15

124 7 0
                                        

Oras na para umuwi. Niligpit na namin ang mga gamit namin at nilagay sa likuran ng multicab. Bago pa man kami umalis, nagrequest ako ng solo picture ko na ang background ay dagat. Very memorable sa akin ang lugar na iyon.

Sa harapan ako uli umupo. Hindi na ako naiilang kay Denny. Mabait naman pala sya at hindi suplado. Lalo ko syang naappreciate dahil sa advices nya sa akin kagabi. Para sa akin, he is matured beyond his years.  Kaya siguro madalas syang tahimik, dahil malalim syang mag-isip. Napangiti akong tumingin sa kanya bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Ang ganda talaga ng lugar nila.

Naihatid na namin ang lahat. Kami na lang ni Denny ang nasa sasakyan. Tinapik nya ng balikat ko at ako’y nagulat. “You, okay?” tanong nya sa akin.

“Yes.” Sagot ko sa kanya.

“Nabanggit ni Manang Ising na nag-aral ka ng Business Ad. I have a proposal sa iyo…" nakakunit lang ang noo ko. "Tuwing summer kasi nagtuturo kami sa mga bata sa kabundukan. Gusto mong sumama at magturo?”

“Ha? Sure, count me in!” Excited kong sagot sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin. “We will start tomorrow. But for now, magpahinga ka pag-uwi ng bahay. Alam kong napagod ka kakasigaw kagabi,” panunuya nya sa akin.

Ngumuso lang ako. “Asar ka!” Pabebeng sagot ko sa kanya. Well at least, pati sya ay kumportable na ring magbiro sa akin.

Pag-uwi namin ay ibinigay na namin ang mga pasalubong na seafoods kina Manang Ising. Nagkwento rin ako ng mga experiences ko. Masaya akong ipakita sa kanya ang mga pictures na kinuha ko. Bigla na lang nanlaki ang mata ko nang pagswipe ko sa gallery ay picture namin ni Denny habang sumasayaw. "Naku, Beth.. ikaw na naman.." bulong ko sa isipan ko.

Ramdam kong tumaas ang temperature ko sa hiya. Agad kong itinago ang cellphone ko sa aking likuran. Nahiya talaga ako kay Manang ising, at mukhang nakita nya talaga ang litratong iyon kasi nginingitian nya ako.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko at dumiretso sa kwarto para ilapag ang iba pang mga gamit. Nagpahinga lang ako saglit nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagulat ako, may text! Baka galing kay Ana… pero hindi, ibang number, di nakaregister sa contacts ko.

“By the way, you look cute when you cry. – Denny”

Ah! Si Denny pala, pero paano nya nalaman ang number ko? Iniisip kong mabuti kung paano…. Ay oo nga pala, nakitext si Beth sa akin kahapon. Lokong yon! Di ko alam si Denny pala ang tinext nya, sabi nya kaibigan nya… Well, totoo naman na magkaibigan sila. Kinikilig na naman ako! Yieee!! Iniscreenshot ko ang message nyang yun. Remembrance ng first text nya sa akin. Ang babaw ko talaga.

“Hahaha, nakakatawa. Kulit mo.” Reply ko sa pang-aasar nya.

Hinihintay ko kung magtetext sya, pero wala bigo… magtext kaya ako uli? Wag na lang, baka isipin nya papansin ako. Maglalaba na lang ako para bukas wala na akong iisipin kundi ang summer camp na sinabi ni Denny na pupuntahan namin.

Denny, Denny, Denny… puro sya na lang naiisip ko, nababaliw na ata ako. Napahawak ako sa ulo ko't muling tinignan ang picture naming sumasayaw. Nagflashback sa akin yung scene na yun. Inilapit ko ang cellphone sa dibdib ko. Hayyy... parang sasabog ang puso ko sa tuwa!

Buong araw akong nakangiti. Masaya lang talaga… lahat ng alaala ko tungkol kay Denny ay masaya. Nag-eenjoy na ako rito, parang ayaw ko na umuwi sa amin.

“Toni, ineng..” katok ni Manang Ising sa dingding ng kwarto. “Pinapapunta ka ni Denny doon sa kanila. May sasabihin daw sya tungkol sa summer camp nyo.”

“Ah sige po, Manang… lalabas na po.” Masaya kong tugon sa kanya.

Nadatnan ko si Denny sa labas ng bahay nila. Pinagbilin lang nya ang mga gamit na dadalhin namin bukas para sa summer camp. Sa totoo lang, di ko sya masyadong maintindihan kasi nakatitig lang ako sa kanya. Ang gwapo nya talaga!

“Naintindihan mo ba?” tanong nya sa akin. Bigla akong napitik pabalik sa ulirat.

“Ah, yes…” diskumpyado kong sagot.

“O sige bukas na lang. Maaga tayo ah, 5 am aalis na tayo.”

“Opo, kamahalan.” Sagot ko sa kanya sabay talikod at naglakad pabalik kina Manang Ising. Ay teka, bakit kamahalan? Dapat sasabihin ko ay “Sir.”

Sa loob ng kwarto ay nakaupo pa rin ako sa kama. "Bakit pinapapunta pa nya ako eh pwede naman itext? Siguro gusto rin nya ako makita? Eh kakahiwalay lang namin ah…" umiikot sa isip ko... ayiee! Baka gusto nya rin ako? Hawak ko na naman ang pisngi ko sa kilig.

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon