CHAPTER 10

145 6 0
                                    

"Dito ka na lang daw maglinis sa bahay, ineng, sabi ni Denny."

"Ha? Bakit daw po, Manang Ising? Okay lang po sa akin ang mag-alaga ng mga baka nya."

"Wag na, at kukunin na ang mga iyon. Dadalhin na sila sa katayan para maihanda sa araw ng pista."

Bigla akong nalungkot at natahimik sa narinig ko. Mukhang nabasa ni Manang Ising ang inisip ko. "Huwag ka mag-alala. Di kasama ang inahing baka. Hayaan mo't pag manganganak na iyon ay sasabihan kita."

Nagliwanag ang itsura ko, "Talaga po?" Excited kong tanong.

Ngumiti lang sya sa akin bilang tugon.

Binilisan kong maglinis ng bahay para makapunta agad ako sa barn. Pagpunta ko roon, nakita ko nga ang inahing baka na mag-isa. Kinausap ko ito, habang hinahaplos ang ulo nito. "Kawawa ka naman, mag-isa ka lang dito. Wag ka malungkot, andito lang ako. Hindi kita iiwan."

Maya-maya pa'y napansin kong di na mapakali ang baka. Tayo, higa, tayo, higa. Pansin ko na nagle-labor na ito! "Sandali lang ha, tatawag lang ako ng tulong." Isang mabilis na haplos sa ulo nito.

Tumakbo ako papunta sa bahay, at mabilis na inilahad ang nangyari.

"Naku, wala si Denny ngayon, ineng... nagpunta sa kabilang bayan kasama si Ben." Pag-aalalang sinabi ni Manang Ising. "Paano kaya ito?"

"Sige po, ako na lang. May mga nabasa naman po ako sa libro kung papaano magpaanak ng baka." Nilakasan ko na lang ang loob ko.

Hinugasang kong maigi ang mga kamay ko hanggang siko. Tinulungan ako ni Manang Ising itali ang mga paa ng baka, para di kami masipa nito. Maya-maya pa'y nakita ko na unti-unti na lumalabas sa pwerta ng inahing baka ang unahang mga paa ng guya. Nakaabang na mga kamay ko pagsalo sa ulo, ngayon naman ay katawan at sa wakas, ang panghuling paa ng guya. Naiyak ako sa tuwa, first time ko! Maya-maya pa ay may lumapit na sa amin. Si Denny...

"Kami na ang bahala rito." Matiim nyang sinabi sa amin. Nagdikit ng bahagya ang aming mga braso. Hala, para akong nakuryente! Tumayo na ako at umaatras ng kaunti. Nakita ko na kasama nya rin si Mang Ben. Nanunuod lang ako at pinagmamasdan ko si Denny... aba ay napakagwapo pala ng lalaking ito! Ngayon ko lang sya natitigan ng mabuti at malapitan. Malimit kasi sa palayan sya o kaya naman ay nagkukulong sa kwarto.

Perfect ang kanyang ilong! Ang hahaba ng mga pilik-mata, mapupungay ang brown na mga mata... at bakit ganun? Ang bango nya! Para akong lumipad sa ibang dimensyon. Nagayuma ata ako ng amoy nya.

"Ineng! Ineng!" Yugyog sa akin ni Manang Ising.

"P-po?" Gulat ko sa kanya.

"Kumuha ka ng tubig para kay Denny. Bago yun ay iabot mo muna ang gamot na andun sa box." Utos ni Manang Ising sabay turo sa isang malaking box malapit sa pintuan.

Pinanuod lang namin siya kung paano nya putulin ang umbilical cord ng guya, at gamutin ang inahing baka. Grabe, nakakabilib! Mukhang bihasang bihasa na sya sa ganung bagay.

Hanggang sa pag-uwi namin ay nagrereplay sa isip ko ang nangyari kanina. Di ko maiwasang hindi ngumiti. Natutuwa ako dahil nakatulong ako sa panganganak ng baka... at... sa gwapong si Denny. Iniling ko ang ulo ko. "Erase, erase, erase."

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon