“Toni, Toni! Open this door NOW!” Galit na katok ni mommy sa pintuan ng kwarto ko. “Ay naku, Tina, ikaw na nga ang kumausap sa kapatid mo.”
“Toni, it’s me… ate Tina. Please open the door. I want to talk to you.” Malambing na pakiusap ng aking nakatatandang kapatid. Pumasok ito at ipinihit ang door knob ng marinig nyang binuksan ko ang double lock.
Agad ko syang niyakap. “Ate!” Di ko na napigilan umiyak sa harapan nya. Niyayapos lang nya ang likuran ko para kahit paano'y mapagaan ang pakiramdam ko.
“Tahan na, Toni." Malambing nyang sabi sa akin. "You know what? I had a chance to meet your future husband a few days ago. Di sya oldies like you thought he is. In fact, he is quite charming and very gentlemanly. Alam kong magugustuhan mo sya.”
Umilling lang ako at nagsabi, “May gusto na akong iba, ate. Naiwan ang puso ko sa Zambales!”
Napabuntong-hininga lang sya sa sinabi ko. “Toni, it is for your own good. Alam mo ba nung araw na lumayas ka? Iyak ng iyak si Mommy. She’s blaming herself dahil sa paglalayas mo. Nag-aalala sya na baka kung napaano ka na. Halos araw-arawin nyang puntahan ang bestfriend mo.” Nalungkot naman ako sa kwento ng ate ko.
“Buti na lang at napakiusapan si Ana ni mommy. Binigay yung cellphone mo at nag-abot din ng sulat. Nanghingi naman sya ng sorry at nag-explain kung bakit. And mommy understood that.” Dagdag pa nito.
“Kaya please, tama na ang hunger strike mo? Look at you, pumayat ka na.” Pag-aalala nya sa akin. “Kapag naghunger strike ka ba eh mababago mo ang decision nya?” Umiling lang ako. “Hindi, di ba? Kaya kain ka na. Kausapin mo na rin si Mommy.”
Lingid sa kaalaman namin ay nakikinig lang pala si Mommy sa may pintuan. Luhaan itong lumapit sa amin at niyakap akong mahigpit. “Tina, I need to talk to your sister alone, please…” Pakiusap ni mommy kay ate.
“I know I’ve hurt you so much.” Nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata, “I’m sorry. When you ran away, natakot ako. Natakot akong mapahamak ka o masaktan." Marahan nyang pinupunasan ang luha sa mga pisngi ko.
“I just want to explain why I wanted you to marry my friend’s son. Nung nalaman kong namatay na si Anita, I was devasted and vowed to grant our long-time deal. Mabait na tao si Gaudencio, Toni. I’ve met him several times when you were both young. In fact, nagkasama na kayo rati, nagkakalaro. Hindi ka magsisisi sa kanya, sinisigurado ko sa iyo yun.” Matiim na paliwanag nya sa akin.
Hindi ako nagsasalita. Iyak lang ako ng iyak. Napatigil lang ako nung naalala ko ang sinabi sa akin ni Denny habang nakatingin sa bracelet na binigay nya. “Pwede” namang magpa-annul. Yun na lang ang gagawin ko, right after our wedding.
Niyakap lang ako ni mommy, at dahan-dahang lumabas ng kwarto ko.
Dumungaw ako sa labas ng bintana. Namimiss ko ang farm… namimiss ko sya. Ang sakit. Naninikip ang dibdib ko. Lalo lang akong nalungkot dahil wala na kong magagawa. Ni hindi ko magawang tawagan sya o kamustahin dahil kinuha ni mommy ang cellphone ko.
Kinabukasan, may kumatok sa aking pintuan.
“Toni? It’s me, Dad.”
“Hi, Dad.” Matipid kong sagot. Habang pinagbuksan sya ng pinto.
“How are you?” Pag-usisa nya sa akin.
In all honesty, I said, “I am not fine.”
Niyakap ako ng daddy ko. “Wag ka na malungkot. Eto oh…” sabay abot sa akin ng cellphone ko. Nagliwanag ang mood ko at niyakap sya “Thanks, Dad!” Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya, at dali-daling binuksan ang cellphone ko.
“Simula nung umuwi ka, laging may nagtetext dyan eh. Di namin maopen ni mommy mo kasi may lock. Well, I hope you’ll find answers in one of those text messages.” Kindat nya sa akin. “So I have to go muna, anak. Please eat, ok? Don’t tell your mom I gave you your phone.” Habilin nya sa akin bago sya lumabas ng kwarto. Agad ko namang inilock ang pinto.
Naluha ako habang binabasa ang mga text messages sa cellphone ko… galing kina Beth, Mina, Jad, Aaron, Steve, Manang Ising, Mang Ben at kay Denny… Isa-isa kong binasa lahat ng yun, pero ang hinuli kong basahin ay ang mga messages ni Denny.
“Toni, I have read your letter. I think that is the wisest thing to do. Sundin mo ang gusto ng mommy mo. You don’t want to break her heart, I know.”
Para akong baliw. Umiiyak at tumatawa at the same time. Ang sakit sa dibdib basahin ang messages niya.
“I can only imagine on your wedding day, you will be the most beautiful bride. Ayokong malungkot ka… Kahit sinabi kong cute kang umiyak, please smile. You’re most beautiful when you smile.”Lalo akong humagulgol ng mabasa ko ang last message nya:
“I also like you… no, palagay ko mahal na kita. Pasensya na’t di ako nagkaroon ng lakas ng loob umamin sa iyo ng harapan. Pero masaya akong makita kang masaya… at malungkot ako tuwing malungkot ka. Toni, I will be waiting for you…”
Ahhhh… ang sakit. Parang may punyal na sumaksak sa aking dibdib. Gusto kong agad umalis sa bahay namin papuntang Zambales… papunta sa kanya. I badly need to see him, but I can’t… bantay-sarado ako.
I tried calling Denny a lot of times… pero madalas unattended. I gave up. Dumapa na lang ako’t umiyak.

BINABASA MO ANG
Total Stranger
Fiksi UmumMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...