Mabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...
Araw na ng Pista. Madaling-araw pa lang ay naghiwa na kami ng mga rekados. Paghihihiwa ng bawang, sibuyas at bell pepper ang nakatoka sa akin. Nang matapos ako, tumulong din akong magbalat at maghiwa ng patatas at carrots. Si Manang Ising na raw ang magluluto ng menudo at afritada… pati na sa biko at pansit.
Nagpresinta akong magluto ng adobo. Ang lakas ng loob ko kasi feeling ko expert na ako. Lagi ba naman akong nakatingin pag nagluluto noon si Manang Josie. Tuwang-tuwa naman si Manang Ising dahil marunong daw pala ako magluto.
Pagkatapos naming maluto lahat ay inihain na namin sa mga mesang nakaayos sa bakuran. Maya-maya pa'y dumating na rin ang mga bisita nila --- mga kaibigan at malalayong kamag-anak mula sa iba’t ibang bayan. Pero parang kanina ko pa hindi nakikita si Denny... “Nasaan na kaya iyon?” pabulong kong tanong sa sarili ko.
“Ineng, tawagin mo na si Denny sa loob ng bahay. Sabihin mo kakain na.” Utos ni Manang Ising. Tumango lang ako at sumunod.
Pumasok ako sa loob ng bahay nila, pero parang walang tao. Naka-lock din ang kwarto nya. Kung kaya, lumabas ako at nagpuntang barn. Doon ko sya nakita.
Bukas ang pintuan ng barn. Nakita kong malambing nyang hinahaplos ang ulo ng inahing baka at ng guya. “Denny?” Tinawag ko sya. “Pinapatawag ka na ni Manang Ising. Kakain na raw po.” Naiinis ako sa sarili ko! Bakit nauutal ako?
Dahan-dahan syang tumayo at ngumiti sa mga alaga nyang hayop. Siomai na malagkit! Sana sa akin na lang sya ngumiti. Nakakainlab! Ang puti ng mga ipin! Mapupula pa ang mga labi… ang sarap halikan! Ooppss! Napatakip na lang ako bigla ng bibig.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dumaan sya sa akin, at naamoy ko na naman ang nakakahalina nyang amoy. Hayy…. “Napakabango pa!” sinabi ko sa sarili ko habang hawak ang aking dibdib.
Tinanaw ko lang sya palayo ng barn. Lumingon sya't nahuli akong nakatitig sa kanya habang nakangiti. Nakakainis! Naramdaman kong uminit na naman ang mga pisngi at tenga ko.
Sa hapag-kainan, masaya at sama-samang nagsalo-salo ang lahat. Kinukunan ko sila ng litrato gamit ang cellphone ko… pero palihim ko ring kinukunan si Denny. Kaso… nakakalungkot, ni hindi man lang sya ngumingiti. Laging seryoso. Hmp!
“Manang Ising, ang sarap po ng adobo nyo.” sabi ni Denny.
“Si Toni ang nagluto nyan, anak.” Sabay turo sa akin ni Manang Ising. Ngumiti lang ako. Tumango lang sya.
Pagkatapos kumain ay pinakilala ako ni Beth sa iba nilang kababata… si Jad, Mina, Aaron at Steve. Nagkaayayaan din na magpunta ng bayan para sa perya. Tumanggi ako dahil kailangan pa magsinop at maghugas ng mga pinagkainan.
“Sige na, ineng, sama ka na.” Pangungumbinsi ni Manang Ising. “Para naman maranasan mo ang pista rito sa nayon.”
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
Lumapit ako sa multicab at nakita kong si Denny ang driver. Napagkaisan ata ako nila Beth at walang ibang bakanteng upuan kundi ang katabi ng driver. Nakaramdam na naman ako ng malakas at kakaibang kabog ng dibdib.
Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko si Beth na nagsabing “Uy, Toni! Bakit namumula ka?” panunukso nya sa akin. Kumunot ang noo ko, sabay yuko. Grabe, nakakahiya!
Tinignan ko silang magkakaibigan, lahat sila nakatingin sa akin at mga lihim na hagikgikan. Lalo tuloy ako nahiya… tinignan ko si Denny, walang ekspresyon ang mukha, parang balewala. Ngumuso na lang ako at tumingin sa labas ng bintana.
Nakakatuwang kasama ang mga kababata nila Beth. Masayahin din sila, maliban kay Denny. Inaaya ko sila magpapicture sa lahat ng hinihintuan namin. Nanuod din kami ng palo-sebo at agawan buko. Ang saya! Pansin kong halos lahat sila ay magkakakilala.
Bigla na lang napalitan ng hiya ang tuwang nararamdaman ko nang hinila ako ni Beth patungo sa loob ng isang tent. Aba eh, marriage booth pala iyon! At teka, andun din si Denny. “Potek! Eto talagang si Beth” Sabi ko sa isip ko…. Pero at the back of my mind, masaya rin ako kasi kahit sa ganito lang ay “naikasal” na ako sa crush ko… kahit na wala pa ring ekspresyon ang mukha nya. Hahaha!
Lumalalim na gabi ng napagpasyahan naming umuwi. Dahil malapit lang sa bayan nakatira ang karamihan sa kababata nila, kami na lang nila Beth at Denny ang nakasakay sa multicab. Maloko talaga si Beth, dun sya sa likuran umupo. Walang choice, dun ako uli sa harap, katabi si Denny.
Maya-maya pa’y naririnig kong naghihilik na si Beth. Tulog na pala. Naiilang ako sa katahimikan. Nahihiya naman akong magkwento. Pero napansin ko panay ang pagtikhim nya kung kaya, inabutan ko sya ng tubig.
“Salamat,” matipid na sagot nya. Pinagmamasdan ko kung paano sya uminom.
Yiieee! Ano ba yan?! Kinilig na naman ako. Kahit isang salita lang, marinig ko lang ang boses nya, sapat na para mapunta na naman ako sa ibang dimensyon. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana at ninanamnam ang lamig ng hangin.
Nagpasalamat ako kay Beth sa pagsama sa akin, at kay Denny sa pagdrive nya pauwi. Masaya akong matutulog ngayong gabi.