CHAPTER 4

162 4 0
                                    

“Mang Jun?” Sabay tapik sa kanya.

“Bakit po, Mam Toni?” tanong nito.

“Kailangan ko pong dumaan sa National Bookstore, May mga bibilhin lang po na materials para sa project namin.” Malambing kong sagot sa kanya.

“O-okay po, Mam… pero itext nyo po muna ang mommy nyo. Ayaw na ayaw po kasi nyang nale-late kayo ng uwi. Alam mo nyo naman po…”

“Natext ko na po sya, Mang Jun. Nagreply na rin sya… okay daw.” Sabay ngiti ko sa kanya.

Nung papalapit na kami sa National Bookstore, dagli kong kinuha ang mga gamit ko. Bago pa man nya maipark ng maayos ang kotse ay bumaba na ako.

“Saglit lang po ako, Mang Jun” Sigaw ko sa kanya habang kumakaway palayo. Binilisan ko talaga ang lakad ko.

Dumiretso ako sa books section. Agad kong kinuha ang eco bag at jacket sa loob ng handbag ko. Sinuot ko ang jacket, at nilagay ang hood. Pinasok ko naman sa eco bag ang handbag ko. Sinuot ko na rin ang shades. Gamit ang cellphone na hiniram ko kay Ana ay nagbook ako ng sasakyan.

“Shocks! Ang tagal dumating ng Grab! Baka maabutan pa ako ni Mang Jun” Halong inis at kaba ang nararamdaman ko.

Nang lumingon ako, nakita ko si Mang Jun na pumasok na rin sa store at palinga-linga. Alam ko na hinahanap nya ako, pero confident akong di nya ako makikita dahil nga sa suot kong shades at jacket.

Nagvibrate ang phone ko.

	“Yes! Andyan na, sa wakas!” Feeling victorious ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Yes! Andyan na, sa wakas!” Feeling victorious ako. Mabilis akong lumabas sa isa pang exit, sa side ng mall. Doon ako tumakas kay Mang Jun. Isang lingon pa’y nakita ko syang umiiling at nagkakamot ng ulo. Hinugot nya ang cellphone nya sa kanyang bulsa, at mukhang may tinatawagan… si Mommy siguro.

“Sorry po, Mang Jun…” bulong ko sa sarili ko. “Pasensya na po talaga.”

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon