"Hoy Toni!" Sigaw ng bestfriend kong si Ana, sabay tapik sa balikat ko. Napaigtad ako at nagulat.
"Teka, napansin ko kanina ka pa tulala dyan at wala sa sarili. Panay pa ang buntong-hininga mo. Anong problema, ha? Kwento na dali!" Pag-uusisa nya habang naglalakad kami sa loob ng campus.
Wala sana akong balak sagutin ang tanong nya kaso kinukulit nya ako.
"Si mommy kasi... ah basta, alam mo naman yun eh!"
"Ah yung tungkol sa kasal mo?" tanong ni Ana habang nakataas ang kilay at nakapameywang.
"Ay naku, best... please lang! Ayoko na marinig o maalala man lang ang tungkol doon." Inis kong sagot sa kanya.
"Ayaw daw marinig... ayaw daw maaalala... eh mukha namang yan lang ang laman ng isipan mo simula kanina!" panunukso nya sa akin.
Nagtaas ang aking kilay sa sinabi nya. Di ko maitago ang pagkainis ko. "Pwede ba, tigilan mo nga ako! Kung ikaw kaya nasa katayuan ko, aber?"
Lalo akong nainis nung ngumisi syang parang nang-aasar.
"Ni hindi ko nga alam ang itsura nun. All I know is his name ---- Gaudencio Dimaculangan!"
Bigla na lang syang tumawa ng malakas.
"Oh, see? Even you! Ang bantot ng name nya di ba?! Very sinauna ang pangalan. Di ko alam kung ilang taon na yun. Mamaya 50 years older sa akin."
"Hahaha! Sobra ka naman, best. Malay mo naman hindi. At saka teka lang ha... kilala natin pareho si Tita. Alam mong pag gusto nun, gusto talaga. Sorry. Di kita matutulungan dyan!"
Bigla na lang akong napahinto sa paglalakad. Nakaisip ako ng idea.
"O teka, ano yan ha? Bakit biglang nagliwanag ang mukha mo?" tanong ni Ana. "May iniisip kang kalokohan ano? Kung ano man yang binabalak mo, itigil mo na lang. Kahit ano pang gawin mo ay malalama't malalaman pa rin yan ni Tita." Confident nyang sinabi sa akin.
"Ah basta! I know this time, I can outsmart her. Mana kaya ako sa kanya. Pag gusto, gusto. Pag ayaw, ayaw." Sabay ngiti ng malaki. Napailing na lang si Ana.
![](https://img.wattpad.com/cover/221234400-288-k170347.jpg)
BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...