CHAPTER 11

147 4 0
                                        

Kinabukasan, maaga akong nagising at nagwalis ng bakuran. Pagkatapos ay napaupo ako sa pasimano at natulala.

"Kanina ko pa napapansin na nakangiti ka dyan ah!" panunukso ni Beth, babaeng pamangkin nina Manang Ising at Mang Ben.

"Hala! Kanina ka pa ba dyan?" Pagulat kong sinabi sa kanya "Ah wala, natutuwa lang ako sa naexperience ko kagabi."

"Alin dun? Yung panganganak ng baka o yung kinausap ka ni Denny?"

"H-ha?!" Ang laki ng gulat ko sa tanong nyang yun. "Syempre dun sa panganganak ng baka. First time ko kasi. At teka, paano mo nalaman na nakausap ko sya?"

Tumawa lang sa akin si Beth. "Andun ako, ano? Alam mo, iba ang ningning ng mga mata mo ngayon... kaya sure ako na hindi yan dahil sa baka." Panunukso nya sa akin.

Naramdaman kong uminit ang aking pisngi at tenga. Agad akong tumalikod sa kanya at tinakpan ang tenga. Ano ba ito? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Napahawak ako sa dibdib ko. Crush ko na nga ata si Denny... Inisip ko... sino ba naman di magkakagusto sa kanya? Hayy...

"Oy, hindi ah! Napakasungit kaya nun. Laging seryoso... parang ni minsan ay di ko nakitaan na ngumiti man lang."

"Ah... ganun talaga yun. Masayahin naman talaga yan si Denny. Pero mula nung namatay ang nanay nya, naging tahimik na sya. Sobrang close kasi sila nun eh." Paliwanag ni Beth.

Naikwento rin nya na nung maliit pa lang si Denny ay nanirahan sila sa Manila. Pero nung namatay ang tatay nya, umuwi na sila rito sa Zambales. Magda-dalawang taon na rin nung namatay ang nanay ni Denny dahil sa sakit. Sa ngayon, ulilang lubos na sya. Tanging sina Manang Ising at Mang Ben na lamang ang tumatayong mga magulang nya.

"Uhm, Beth? May girlfriend na kaya si Denny?" Pasimpleng tanong ko sa kanya.

"Uy... sabi ko na nga ba eh, gusto mo sya ano?" nakangiti sya na parang nang-aasar at kumalabit sa akin.

Wala akong nagawa kundi ngumiti lang din.

"Wala." Sambit ni Beth. Napatingin ako sa kanya bigla. "Wala syang girlfriend." Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Shocks ano ba ito? Napangiti ako!

"Maiba tayo... sa makalawa na nga pala ang pista. Kinaugalian na naming magkababata na magpunta sa beach sa sunod na araw pagkatapos ng pista. Gusto mong sumama?" pag-aaya nya sa akin.

"Hmmm... wag na. Nakakahiya." Napayuko na lang ako sa hiya.

"Kasama si Denny..." panunukso nya. "Sama ka na!"

"Sige pag-iisipan ko muna, Beth." Mahinang tugon ko sa kanya. Nahihiya talaga ako pero gustong-gusto ko.

"Wag mo na pag-isipan. Sure akong mag-eenjoy ka dun. Wag ka mailang, mababait mga kababata namin. Makikilala mo sila sa pista. Gagawa tayo ng bonfire dun, kantahan, kwentuhan... sige na!" Pangungumbinsi nya sa akin.

"Sige, sasama na ako. Pero magpapaalam muna ako kina Manong Ben at Manang Ising."

"O sya sige, see you! Alis na muna ako at mamalengke pa ako."

Nakangiti akong kumaway sa kanya. Tinitignan ko sya habang sumakay sya ng tricycle. Maya-maya pa'y lumabas na rin si Manang Ising sa bahay at tinuran akong sumama sa kanya.

Nagtungo kami sa bayan para mamili ng mga ihahanda para sa araw ng pista. Malinis at maayos ang pamilihan. Mukhang mga sariwa ang mga prutas at gulay. Hindi na kami namili ng karne dahil ang mga alaga sa farm ang kakatayin at ihahain sa pista.

"Salamat po, Manang Ising, sa pagsama sa akin dito." bulong ko sa kanya habang kumapit sa kanyang braso.

"Ay wala yun, ineng. Para di ka mabagot at makakita ka ng ibang lugar maliban sa farm." Malambing nyang sinabi sa akin.

Huminto ako sa harapan ng pamilihan at nagselfie. Gusto ko magkaroon ng remembrance sa lugar na ito. Inaya ko na rin si Manang Ising para magpicture. Malugod naman syang sumama sa akin.

Napansin kong mababait ang mga tao roon at lagi silang nakangiti. Halos lahat ay kakilala ni Manang Ising. Doon na raw kasi sya pinanganak, lumaki at nagkapamilya. Ang sarap ng buhay dito sa totoo lang. Malayong-malayo sa buhay sa Manila... na laging maingay at tila ba nagmamadali. If only I have a choice, I want to live here. Live with... sinampal ko ang sarili ko ng mahina. Bakit naiisip ko si Denny? Bakit?

Total StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon