Napakaganda talaga ng sikat ng araw dito sa Zambales. Sariwa ang hangin, maaliwalas ang paligid. Namiss ko ang lugar na ito.
Muli naming inakyat ang bundok na pinuntahan naming dalawa noon. This time, lagi kaming magkahawak ng kamay. Ang tamis, napakatamis ng bawat sandali.
"Sige na, kamahalan, ikwento mo na kung paano nangyari?" paglalambing ko sa asawa ko.
Inakbayan nya ako at sinimulan ang pagkukwento. "Naalala mo nung pagkatapos nating magturo sa bundok nung summer camp? Yung umuwi tayo ng tanghali? After nun, di ba umalis ako?"
"Uh-huh.." tumango lang ako at naghihintay sa susunod nyang paliwanag.
"Nagpunta akong Manila nun to meet my aunt. May ipapakilala raw sya sa akin. Yung isa ay bestfriend daw ng mama ko, at yung isa ay anak nun."
Nanlaki ang mata ko, kaya pala nasabi ni ate na gwapo ang groom ko,
"Bago mamatay ang mama ko, naikuwento na nya sa akin ang napag-usapan nila ng kaibigan nya, who is none other than your mommy. I have really no time for love then. Though years has passed, nasa mourning stage pa rin ako. I am very close to my mother. Binuhos ko lahat ng atensyon ko sa farm... until you came."
Napangiti ako sa huli nyang sinabi. He kissed me in my forehead at nagpatuloy sa pagkwento.
"At first, I thought ang kasama nya yung pakakasalan ko. But then, humingi ng paumanhin ang mommy mo dahil di ka raw kasama. Nagulat ako when she showed me your picture. Lalo akong nagulat nung binanggit nya ang pangalan mo --- Maria Toni Lim."
Tuwang-tuwa ako sa narinig ko. What an incredible twist of fate! Yumakap ako sa kanya ng mahigpit.
"Alam mo ba, gustong-gusto ko nang sabihin sa iyo na di mo na kailangang malungkot dahil ako ang pakakasalan mo? That's why I bought you this bracelet." Itinaas nya ang kanang kamay ko.
"Humahanap lang talaga ako ng tyempo nun. Actually, ikinuwento ko na sa barkada at tuwang-tuwa silang malaman yun. Kaso...kaso bigla ka namang umalis."
Napayuko sya at nagkamot ng batok. Tinitignan ko lang sya habang nagpapaliwanag.
"Nabasa ko nga pala ang journal mo. Grabe ka ha, nakakatakot ka. Para kang stalker! Puro mukha ko nakalagay doon." Panunukso nya sa akin.
"Hoy, di naman!" sabay kurot ko sa tagiliran nya. "Lahat kaya ng adventures ko andun."
Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan akong muli sa noo. Nalusaw ang bahagya kong inis sa ginawa nyang iyon.
"Wag ka nang aalis ah?" malambing nyang pakiusap sa akin.
I looked at him straight into his eyes, at nagsabing "Hindi na po, kamahalan."

BINABASA MO ANG
Total Stranger
Ficción GeneralMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...