Tumunog ang cellphone ko. Nagkukusot pa ako ng mata nang bigla kong nakita na iba na namang number na di nakaregister sa cellphone ko. "Best, ako to. Can I call?" Napabangon ako agad sa higaan ko dahil alam kong si Ana iyon. Lumabas ako ng bahay dahil baka magising sila Manang Ising.
Sinagot ko agad nung nagring ang hawak kong cellphone. "Best? Oh best! I miss you! Narereceive mo ba ang mga messages ko sa iyo?" Sunud-sunod kong tanong sa kanya.
"Sorry, best, kung di ko nasasagot ang mga text mo sa akin" pautal utal nyang sinabi sa akin. "Kinuha na ni tita ang cellphone mong iniwan dito, pati na ang sulat. Pinate-trace nya yung IP address mo, best, gamit yung number na pinantext mo sa akin... para malaman kung saang lugar ka nagi-stay. Nakigamit lang ako ng cellphone sa kasambahay namin. Buti na lang memorized ko ang bago mong number. Binigyan lang kita ng warning, best, kasi baka bigla na lang sumulpot ang Mommy mo dyan." Naririnig kong humihikbi si Ana sa kabilang linya.
Bigla akong nalungkot sa narinig ko. "Ayos lang, best. Alam ko naman na darating talaga ang araw na 'to."
"Kamusta ka naman dyan? Ayos ka lang ba? Di ka naman napababayaan dyan?"
"Ah oo, best. I had really good times. Mababait ang mga tao rito." Sagot ko sa kanya.
"Mabuti naman kung ganun. Pag may chance, balik tayo dyan ah para makilala ko rin sila at mapasalamatan." Malambing nyang sinabi sa akin.
"Oo, syempre naman... pag may chance..." Pilit ko mang magkunwari, pero di ko talaga maiwasang malungkot sa balita ng bestfriend ko. Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos naming mag-usap. Napaupo akong muli sa pasimano at natulala. Isip ng isip ano ang dapat kong gawin.
Naiyak na naman ako sa inis at lungkot.
"O, mukang kailangan mo ulit isigaw yan ah!" napalingon ako at nakita si Denny.
"Ah wala ito." Pagkukunwari kong sagot sa kanya.
Lumapit sya sa akin at sinipat ang mukha ko. Tinitigan nya ako. Medyo lumayo ako kasi halos magkatapatan na ang mga mukha namin. "Di ako naniniwala sa iyo. Halika, alis tayo." Bigla nyang kinuha ang kamay ko at hinawakan.
"H-ha?" nabigla ako sa paanyaya nyang iyon. Di ko maialis ang tingin sa kamay kong hawak-hawak nya. Bakit ganun? Ang init... ang sarap sa pakiramdam..
Binitiwan na nya ang aking kamay. "Naikwento mo raw kay Manang Ising na madalas ka umakyat ng bundok. Ano na bang mga bundok ang naakyat mo?" Pag-usisa nya sa akin habang inaayos ang sasakyan.
"Ah, marami-rami na rin... Mount Pulag, Pico de Loro, Batulao, Makiling, Arayat, Apo.."
"Oo nga ano, marami-rami na rin." Sagot nya.
"Madalas kasama ko ang bestfriend kong si Ana. Para ko syang kambal, actually. We have the same interests, same hobby... pero isa lang ang pinagkaiba namin. Alam mo kung ano?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay. Umiling lang si Denny. "Wala syang mommy na pinipilit syang ikasal sa iba." dugtong ko.
"Tama na yan, lika na. Nakikita mo ang bundok na yan? Yan ang Zambales mountains. Akyatin natin kahit sa mababang parte lang. Gusto mo?" Pag-aaya nya sa akin.
"Syempre naman, gusto ko." Napangiti ako ni Denny roon.
"Sige, magready ka na. Magpalit ka na ng damit." ani nya.
Paglingon ko ay andun na pala si Manang Ising, Nagmamasid, at nakangiti sa amin. "Sige na ineng, maghanda ka na ng gamit mo." Nakakatuwa talaga si Manang Ising, very supportive sa kaligayahan ko. Parang si Manang Josie... sana ganun din ang mommy ko.
Di nagtagal ay bumiyahe na kami papunta sa kabundukan. Umakyat kami roon sa di kataasan ngunit natatanaw na namin ang nagliliitang kabahayan. Inabutan ako ng tubig ni Denny at nagpasalamat naman ako sa kanya. Nakakapagod, medyo matagal na rin ang huli kong pag-akyat ng bundok.
"O pwede na rito." Sabi nya. "Pwede ka na rito sumigaw."
Napanganga na lang ako sa narinig mula sa kanya, at napakamot ng batok. Tahimik ko lang syang tinignan, saka bumaling ng tingin sa kapatagan sa dako banda roon. Hindi ako sumigaw, feeling ko pagod na ako... pagod na ako tumakbo palayo sa mommy ko. Tama si Ana, kahit anong gawin ko, mahahanap at mahahanap pa rin ako ng mommy ko.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko, di ko alintana na nakatitig na pala sa akin si Denny. Siguro naghihintay sya sa kwento ko.
"Si Mommy kasi... pinakilos na ang mga tauhan nya. Anytime soon, mahahanap na nya ako... and I have to leave this place... ayoko..." Pabulong kong paglalahad sa kanya.
"Alam mo, kahit ano pa ang gawin mo, mommy mo pa rin yun. Siguro ino-honor lang nya ang napagkasunduan nilang magkaibigan. Alam mo naman yun kasi may bestfriend ka rin, di ba? Kung di mo talaga gusto yung pakakasalan mo, pwede ka naman magfile ng annulment right after your wedding if you want." Advice nya sa akin habang nakatingin sa malayo.
Nakikinig lang ako sa kanya. Wala akong naisagot kundi isang malalim na buntong-hininga lang... pero iniisip ko talagang mabuti ang payo nyang yun. Pwede... at least, sumunod ako. Wala naman syang sinabi na bawal makipag-annnul... kaso matagal na proseso yun.
"Ikaw kasi eh, ayaw mo pa akong pakasalan." Pagbibiro ko sa kanya habang tinapik ang braso nya.
"Baliw. Magtigil ka nga. Ikakasal ka na nga di ba?" sagot nya sa akin habang hinihimas ang braso nya.
"Pero ikaw ang gusto ko...." Bulong ko sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
Total Stranger
General FictionMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...