Para akong timang, napapangiti na lang bigla at maya-maya nama'y nalulungkot. Hindi ako makatulog, pagulong gulong ako sa kama. Napabalikwas ako't tumingin sa mga kasama ko sa kwarto. Mabuti at tulog na si Mina at Beth.
Bumangon ako para uminom ng tubig. Nakita kong sarado na rin ang kwarto ng mga boys. Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa naapulang bonfire.
Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mommy at daddy ko. Sigurado they are so disappointed at me. Hinahanap kaya nila ako? Panigurado. Galit din malamang ang mommy ko. And for sure, malungkot na rin ang bestfriend kong si Ana. Naiiyak na talaga ako sa tuwing naaalala ko ang buhay ko sa Manila. Gusto ko na umuwi, pero ayaw ko ang uuwian kong sitwasyon doon.
Nagulat ako nang biglang may tumabi sa kinauupuan ko. Si Denny... tinignan nya lang ako habang nagpupunas ako ng luha. "Di ka makatulog?" tanong nya sa akin. "Oo eh, ang dami kong iniisip." Sagot ko sa kanya.
Napansin nyang kanina pa ako nakayakap sa sarili ko, nilalamig na ako. Hinubad nya ang polo shirt nya at inilagay nya sa likod ko. I am deeply touched sa kanyang gesture.
Maya-maya bigla nya akong inaya magpunta sa may dagat. Matagal din kaming nakatayo roon. Tahimik na nanunuod at nakikinig sa hampas ng mga alon.
"Sabi nila, tuwing mabigat ang loob mo, isigaw mo lang. Isigaw mo lang lahat hanggang mawala na ang sakit." Mahinahon nyang sinabi sa akin.
Tinignan ko lang sya at maya-maya'y napayuko na ako.
"Aahhhhh!!!!!" Ibinuhos ko ang sama ng loob ko sa sigaw na iyon. "Mommy, ayoko! Ayoko! Please! Maawa ka sa akin!!! Maawa ka!!!! Mahal kita pero di ko kaya ang pinagagawa mo sa akin. Lahat ng gusto mo, ginawa ko. But not this, please.. Ayoko makasal sa di ko kilala!!!" tuluy-tuloy ang agos ng luha kasabay ng paghihinagpis ng puso ko.
Tahimik lang si Denny sa tabi ko, nakikinig.
Iyak lang ako ng iyak pagkatapos kong sumigaw. Di ko talaga mapigilan. Wala na akong pakialam kung ano man ang itsura ko. Nang mahimasmasan na ako, pinahid ko na ang mga luha ko at tumingin kay Denny. "Salamat, ha? Kahit paano ay nabawasan ang sakit. Ang tagal ko rin kasing itinago at dinala ito."
Tumango lang sya at ngumiti. Bigla akong sumaya sa ngiti nyang yun. Parang magic na nawala bigla ang kalungkutan ko.Tumalikod kami sa dagat at naglakad patungo sa bahay.
"Okay ka na?" pag-aalala nyang tanong sa akin.
"Medyo." Matipid kong sagot sa kanya. "What if totohanin na lang natin yung sa pista... pakasalan mo na lang kaya ako?"
"Ha?" kahit sya ay nabigla sa tanong ko. Oo nga, bakit ba yun ang naitanong ko?
"Wala lang, naisip ko lang baka pag nalaman nyang kasal na ako eh di na nya ako ipapakasal dun sa anak ng kaibigan nya." Ngumisi lang ako.
"Baliw." Matiim nyang sagot sa akin.
Nanliit ang mata ko at nagpeace sign. "Joke lang yun, wag ka na magalit. Pero kung totohanin mo, okay lang sa akin." Pagbibiro ko. Ewan ko ba, parang naging kumportable na ako magsabi at magbiro ng ganun sa kanya.
"Baliw ka talaga." Halatang inis na sya sa akin.
"Sorry, di ko na uulitin." I zipped my lips at ibinalik na ang polo nya. Nagpasalamat akong muli bago pumasok sa kwarto.
"Matulog ka na. Wag ka na mag-isip masyado." Habilin nya sa akin.
Tumango lang ako para ipaalam ang pagsang-ayon ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/221234400-288-k170347.jpg)
BINABASA MO ANG
Total Stranger
Genel KurguMabait na anak si Maria Toni Lim. Lahat ng gusto ng mga magulang nya ay sinusunod nya, maliban sa isa ----- ang maikasal kay Gaudencio Dimaculangan. Dahil ayaw nya maikasal sa taong kilala lang by name, umalis sya at hinanap ang sarili. Hanggang sa...