Emerald Jade
Para akong tanga na nakatulala sa bago kong uniform. Bumuntonghininga ako bago pagmasdan ang bagong ayos ng kwarto ko. Ang gitara na hindi ko na ginagamit ay naka-display na lamang doon sa sulok. Ang dating malaking closet ko ay maliit na lang ngayon dahil binawasan nila ang mga damit ko. Naglalaro lang sa neutral colors ang kwarto ko dahil ayaw ko nang masyadong makulay. Kakaunti lang ang mga gamit ko ngayon dahil inalis nila ang iba.
Nakakainis kasi nagtulong-tulong pa sila para lang mapaalis ako sa school na 'yon. Ang dami ko tuloy bawal gawin ngayon! Ganoon ba nila ako ka-hate? Nagsayang pa sila ng pera!
Kasalukuyan akong nagbibihis nang may bwisit na marahas na kumatok sa pinto ko! "Don't you know how to knock a door properly?!" inis na sigaw ko habang inaayos ang butones ng uniform ko.
"Bilisan mo! Male-late na tayo!" sigaw niya pabalik, naiinis din.
'Yon ang kapatid ko. Ang nakakainis kong kapatid. Hindi ko nga alam kung kapatid ko ba talaga siya!
"Shit!"
"Ahh!"
Gulat na napasigaw kaming dalawa. Nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok siya!
"Bakit hindi mo sinabing nagbibihis ka?" tanong niya habang nakakunot ang noo at hindi inaalis ang tingin sa katawan ko. Tumalikod na ako at mabilis na nag-ayos.
Bwisit na lalaki! Tumitingin pa!
"Hindi ka naman nagtanong! Lumabas ka na nga! Patapos naman na ako!" sigaw ko at umirap kahit hindi niya kita.
Ganito kami mag-usap palagi. Hindi halatang magkapatid kami dahil lagi kaming magkaaway. Ang laki ng galit niya sa 'kin, e! Napipilitan lang naman siyang isabay ako. Psh. For sure kung hindi lang siya inutusan ni Kuya Anthony ay hindi niya ako isasabay!
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Knowing him, ayaw niyang pinaghihintay. Baka iwan niya pa ako.
Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Walang nagsasalita— walang may balak magsalita. We're not close and we will never be!
Pagkahinto niya sa parking lot ay bumaba na agad ako. Hindi ako nag-almusal kaya sa cafeteria ako dumiretso. Hndi naman mahirap hanapin kasi glass ang wall ng cafeteria nila kaya kita agad.
I ordered two burgers and one bottled water. Hindi naman ako matakaw. Slight lang.
Napairap na naman ako dahil hindi pa ako tapos kumain pero tumunog na agad ang bell.
"Malas naman," inis na bulong ko.
Sinasara raw nila ang cafeteria during class hours kaya wala akong choice kundi ang umalis doon. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing hindi ko naman alam kung saan ang pupuntahan ko.
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang may makakasalubong akong teacher. Agad akong lumapit dito para magtanong.
"Good morning po. Pwede pong magtanong? Saan dito 'yong Section E?" tanong ko sabay turo sa building na nasa tapat namin.
Taka naman akong napatingin sa kaniya dahil sa naging reaction niya.
Weird.
"Sigurado ka bang doon ang punta mo?" pagkukumpirma niya sa tanong ko.
"Yeah?" hindi siguradong sagot ko dahil ang weird nung naging reaction niya. Nakakakaba naman 'to.
"Ah, d-doon din ang punta ko. Sabay na tayo," sabi niya kaya sumunod na lang ako nang maglakad na siya.
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...