Kahit inaantok pa ay bumangon na ako para makapag-ayos na. Gusto kasi akong bumisita ni Darius ngayon sa bahay nila. Ayaw ko namang humindi roon sa bata at baka magtampo pa ito sa akin.
Saglit lang akong naligo dahil malapit na ring mag-tanghali. Hindi ko na maalala kung anong oras ang sinabi ni Daryl na susunduin niya ako dahil nakainom na rin ako kagabi.
Pagkatapos ko namang mag-ayos ay kinuha ko na ang cellphone ko para tingnan kung may messages ba mula kay Daryl. At meron nga. I received a lot of missed calls and a lot of messages from him!
From: Babe
Hi, love! What time should I pick you up?
From: Babe
Are you still asleep?
From: Babe
Okay, you're still sleeping. Good morning and I love you! :)
Lihim na napangiti ako. Babe, huh? Kaya niya pala hiniram ang cellphone ko kagabi! May picture na rin siya sa contacts ko ngayon na dati naman ay wala dahil wala naman akong picture niya sa cellphone ko.
Lumabas na ako ng kwarto habang tinatawagan ang number niya. Our maids greeted me good morning kaya ganoon din ang ginawa ko. Nagulat pa ang iba na binati ko sila pabalik.
"Hey," I said when he answered the call.
[My baby is finally awake! Good morning, love. I'm sorry, hindi ko agad nasagot ang tawag mo dahil nagwawala si Darius.] I can hear Darius crying from the other line. Natawa na lang ako. [Anong oras kita pwedeng sunduin?]
"You can pick me up now. I'm ready naman na," I answered while walking down the stairs.
Jake saw me and he looked at me as if I am doing something ridiculous!
Inilayo ko ang cellphone sa tainga at mataray na tiningnan siya. "What?" masungit na tanong ko.
"Ang weird mo palang ma-in love," nakangiwi niyang sabi sa akin.
Umismid ako at nagpatuloy na sa pagbaba ng hagdan.
[Is that Andrei? Pupunta na ako d'yan bago pa magbasag ng gamit 'tong batang 'to. Bye, love.]
"Bye, love," I whispered softly.
Natahimik na ang kabilang linya kaya akala ko ay pinatay na niya ang tawag ngunit nang tingnan ko ang cellphone ko ay on-going pa naman ang call namin.
"Are... you still there?" Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng aking tainga at leeg para maghanda ng breakfast ko.
[Can you say it again?] I rolled my eyes. I could hear his smile from the other line.
"I'll end the call na. I'm going to eat breakfast while waiting for you. Bye, drive safely."
I finished making my coffee. Napansin ko namang parang wala na ata sina Kuya Anthony. Sina Mommy ang alam ko ay babalik agad ng New Zealand kaya hindi ko na sila hinahanap.
"Sina Kuya?" tanong ko sa isa naming kasambahay na nandito sa kusina.
"Nasa trabaho na po si Sir Anthony. Gano'n din po ang Tito at Tita niyo," sagot naman agad nito sa akin.
I took a bite on my sandwich. Tumitig ako sa kabuuan ng kusina namin. Ang tahimik dito kapag wala sina Kuya. Si Jake naman kasi ay maagang nagigising kaya hindi rin kami laging nagkakasabay mag-breakfast.
Sakto namang tapos na akong kumain nang mag-text sa akin si Daryl. Hindi na ako nagpaalam ng personal kay Jake. Magte-text na lang ako sa kaniya.
Mabilis akong tumakbo palapit sa lalaking naghihintay sa akin. Yakap naman ang sinalubong nito sa akin.
YOU ARE READING
The Only Girl
Novela JuvenilEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...