Bumuntonghininga ako. Pilit kong inaalis ang kaba ko dahil kami naman ni Daryl ang magpe-perform mamaya. Busy ang iba sa pag-aayos ng mga hinigaan nila kaya hindi nila ako napapansin at mas pabor ako na ganoon! Panigurado kapag nakita nila akong kinakabahan ay aasarin nila ako!
Nakapikit ako habang nakahilig sa pintuan. I am humming the song when I felt someone stood beside me.
"Nervous?" he asked and I could almost hear him laughing!
I slowly opened my eyes. Hindi ko siya nilingon. "No. Why would I be?" mayabang kong sabi.
Ngumisi siya. Nakita ko 'yon kahit na saglit lang. Napatitig ako sa labi niya.
"If you say so." He shrugged his shoulders.
Lumunok ako at iniwas na ang tingin. Medyo nawala na ang kaba.
Nagpahinga na lang muna ako. Saulo ko naman ang kanta dahil paborito ko rin naman 'yon. Pero kasi... paano kung magkamali ako? Paano kung hindi manalo dahil sa akin? At isa pa... baka kapag nagkamali ako ay pagtawanan ako. Sanay naman akong mag-perform noon pero kasi... iba naman ang audience ngayon. Hindi ako sanay sa kanila.
Mukhang napansin pa rin ni Daryl ang pagiging tahimik ko. Hinarap niya ako at binigyan ng ngiti.
"Don't think of what if's. Just enjoy... just like what you told Hendrix," he whispered carefully.
My lips parted. Alam niya na may iniisip ako at mukhang alam niya rin kung paano tumakbo ang utak ko.
How, though? As far as I know, bata pa kami noong naging magkaiba kami. Ano 'yon? Kahit na ganoon na katagal ay kilala niya pa rin ako? Pero nagtataka ako kung paano? Does he pay attention so much to me back then for him to know me this deep?
"Baba na raw!" sigaw ni Alexis na nakapagpatigil sa akin sa pag-iisip.
Sabay-sabay kaming bumaba. Hindi umaalis sa tabi ko si Daryl. Mabuti na rin na hindi siya umaalis dahil pakiramdam ko ay kakabahan ako ng sobra kapag wala siya.
Dumiretso sila sa mga upuan nila habang kami ni Daryl ay sa backstage pumunta.
Didiretso na sana ako sa loob pero hinawakan ni Daryl ang kamay ko. Natigilan ako bago siya nilingon.
"Don't be too nervous. Isipin mo na lang na sina Austin lang ang nanonood," seryosong ani niya.
Napatitig ako sa mga mata niya. Dati ay malamig iyon sa paningin ko... pero ngayon hindi na. His eyes were warm. And it's making me feel at ease.
I smiled slowly. Ni hindi ko na narinig ang sinabi ng host dahil naka-focus kay Daryl ang atensyon.
"Thank you," I whispered.
Tumango siya. He checked out my face shamelessly. "Ang ganda mo." He crunched his nose cutely. Umiling ako at umirap.
"So... for our first performer," the host trailed off. "Let's all welcome... Section E!"
My lips parted. Hindi agad naproseso ng utak ko iyon kundi pa ako hilahin ni Daryl! Kami agad? Kakakalma ko pa lang, e!
"Breathe, Jade," he whispered. His arm traveled to my waist and he rested his hand there.
"H'wag ka nang tumingin sa iba. Sa akin na lang." Iginiya ako ni Daryl papunta sa upuan na hinanda nila para sa amin.
Tumingin sa akin si Daryl, tinitingnan niya kung okay na ba ako. Tumango ako bilang hudyat na magsimula na siyang kumanta dahil kaya ko na.
"You know I want you
It's not a secret I try to hide"The music started playing.
"I know you want me
So don't keep saying our hands are tied"
YOU ARE READING
The Only Girl
Teen FictionEmerald Jade Fernandez, a girl who got kicked out on her former school because of her behavior. She's a bully. A trouble-maker. She was forced to transfer to another school where they can monitor all her moves. She is not allowed to do something tha...