Kabanata 32

3.5K 163 1
                                    

Hindi ko malimutan ang sudden confession ni Hendrix sa game na iyon. He likes me raw! Hindi ako makapaniwala! Ano 'yon? Hindi ko man lang nahalata? Bakit niya naman ako nagustuhan kung totoo nga ang sinabi niya? At kailan pa?

Sanay naman akong may nagkakagusto sa akin kasi maganda ako pero kasi si Hendrix 'yon! Kaibigan ni Daryl— Kaklase ko! Kaibigan na rin ang turing ko sa kaniya kaya nagulat talaga ako. Ni hindi nga ako nakapagsalita kanina. Pero hindi ko naman siya pwedeng sabihan na lang na pigilan ang nararamdaman niya sa akin dahil alam kong mahirap gawin ang bagay na 'yon.

Syempre hindi lang ako ang nagulat kanina noong sumagot si Hendrix. Lahat ata kami ay nagulat! Si Daryl lang ata ang walang naging reaksyon kanina. Siguro ay alam na niya at kailangan niya lang ng confirmation kaya ayon ang tinanong niya.

Balak pa nga nilang tanungin pa si Hendrix pero ngumiti lang at agad na lumabas ng classroom. Pinigilan ko lang silang habulin pa ito. Baka kailangan ng space nung tao para makapag-isip. Mahirap kayang i-admit ang nararamdaman mo. Mahirap umamin lalo pa't wala namang kasiguraduhan kung masusuklian ito.

"Hindi ka pa inaantok?" si Austin.

Nagkibit-balikat lang ako. Inaantok na kasi ako pero hindi ako makatulog!

Madaming tanong na naman kasi ang gumugulo sa isip ko. Anong mangyayari sa akin pagkatapos ng School Festival? Gagawa pa rin ba ng paraan si Kuya Anthony para ilipat ako ng section? Bakit ba ayaw nilang nasa Section E ako? Hindi naman nila kilala ang mga kaklase ko, ah? Hindi nila alam na may tinatagong bait naman ang mga 'to kahit mga mukhang gago.

Bumuntonghininga ako. Rinig ko ang ingay ng ibang mga estudyante sa labas. May mga palaro kasi. Hindi naman required sumali kaya nagpahinga na lang kami rito sa classroom.

Dala ang cellphone, lumabas ako ng classroom. Nakahiga na ang ibang kaklase namin kaya hindi na nila napansin ang paglabas ko. Busy naman na naglalaro si Alexis at Daryl sa cellphone nila. Magkatabi ang dalawa at mga mukhang galit kung makapindot sa cellphone. Kulang na lang durugin, e! Ewan ko ba kung anong problema ng dalawang 'yan.

Paglabas ko naman, nakita ko roon si Hendrix. Nakatuon ang dalawang siko sa railings at mukhang malalim ang iniisip. Tahimik akong lumapit sa kaniya at mukhang hindi niya ako pansin.

"Huy!" bulong ko at kahit na mahina lang ang boses ko ay nagulat pa rin siya.

"Kanina ka pa ba?" gulat niyang tanong. Mabilis akong umiling at tinabihan siya. Rinig ko ang malalim niyang paghinga bago umiwas ng tingin sa akin.

Kita rito ang mga estudyanteng nagsasaya sa baba. Pinanood ko sila saglit bago tumingin sa langit. Maraming bituin kaya roon napunta ang buong atensyon ko. Ilang minuto lang ay nagsalita rin muli si Hendrix.

"Galit ka ba?" tanong niya at nahihimigan ko ang pangamba sa boses niya.

Ngumuso ako at umiling. "Hindi naman. Bakit?" Nanatili ang tingin niya sa baba.

"Wala. Akala ko nagalit ka... dahil doon sa sinagot ko kay Jack kanina," mahina niyang sinabi.

Nag-isip ako. Hindi naman ako nagalit. Nabigla lang ako dahil hindi ko inaasahan 'yon. Tumingin ako sa kaniya at bumuntonghininga.

"Bakit naman ako magagalit? Hindi naman masamang magkagusto sa isang tao... kaya lang kasi—"

"Hindi mo 'ko gusto." Tumango siya at malungkot na ngumiti. "Alam ko naman."

Maliit akong ngumiti. Mas okay naman siguro na alam niyang hindi ko siya gusto? Ayaw ko naman siyang saktan pero syempre ayaw ko rin naman na umasa siya sa wala.

The Only GirlWhere stories live. Discover now